Chapter 3

5K 175 6
                                    

Chapter 3: New Family

NAKALUTANG sa kadiliman si Elaine at mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang dumilat at nakita ang isang liwanag papunta sa kanya. Nang magtapat sila ng liwanag, humula ito bilang babaeng kanyang sinapian. Muli siyang hinawakan nito sa mukha at ngumiti na parang walang iniindang problema.

"Elaine Suarez is my name. Destined by same name as you, Elaine Hidalgos. We have different surnames but you're mightiesrt like Hidalgos." Dahan-dahan itong lumutang paatras kay Elaine. "Elaine Hidalgos. I will never forget your surname. Hidalgos. . . Hidalgos the mighty supreme spirit. The true owner of this world."

Kasabay nang pagkawala ni Elaine Suarez, ang siyang pagliwanag ng madilim na kapaligiran ni Elaine Hidalgos.

Pagkatapos ng animo'y panaginip ni Elaine Hidalgos, minulat niya ang kanyang mga mata. Kanina'y nakakasilaw na liwanag ang nasaksihan niya, ngayon, kisameng gawa sa kahoy ang bumungad sa paningin niya. Sandali niyang inalam ang kisame bago napapikit sa pagkirot ng kanyang ulo. Agad siyang napaupo sa malambot na higaan at napahawak sa kanyang ulo. Nabawasan, kahit papaano, ang kirot at nilapat ang kanyang kamay sa kanyang inuupan.

Napakalambot, sa isip-isip ni Elaine at natigilan nang mapagtantong nakakaramdam na siyang muli; mainit na katawan, pagtibok ng puso, pagkaramdam ng paggalaw ng mga kamay, at lalong natuwa nang may sarili na siyang mga paa.

"Buhay na ulit ako!" masayang sambit niya. Tatayo na sana siya ngunit naudlot nang  makita ang isang babaeng may puting buhok. Nakatungo itong natutulog sa tabi ng kanyang kama. Pinanliitan niya ito ng tingin at inoberba.

Sino ang babaeng ito? Sa isip-isip ni Elaine at hinawakan ang baba na animo'y nag-iisip. Isang batang babaeng nasa tabi?

Tumingin siya sa buhok niton angat dahil sa kakaiba nitong kulay.

Kulay puting buhok? Tanong niya sa kanyang isip at tumingin sa katapat niyang dingding na may malaking salamin. Nakita niya ang sarili niyang repleksyon na may mahabang puting buhok at mukha ng katawan ng kanyang sinapian.

Ngumisi na lamang siya at hinayaang ang batang babae.

Maarahan niyang hinawakan ang kanyang mukha habang pingamamasdan ang sarili sa repleksyon.

Totoo ngang nabuhay ako sa katawan ng iba.

Napansin din ni Elaine ang kanyang labing pulang-pula na sumasabay sa puting kutis ng balat niya. Kita niya rin ang itim na kilay at pilikmata na umaangat kapag tumatagal ang pagmasid. Ngayon lang niya nakita ng kabuuan ang mukha ng katawang sinapian niya. Naligo na kasi ito noon sa sariling dugo kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

Muling tumingin si Elaine sa natutulog na batang babae at dahan-dahang umalis sa kama upang hindi ito magising. Pagkatapos, tumapat siya sa salaming kita ang buong katawan niya. Ngayon niya lang napansin na nakasuot siya ng manipis na mahabang bistida at naramdamang walang saplot sa pinakaloob ng kanyang suot.

Tiningnan niya ang sarili mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo pala, Elaine Suarez," manghang pagkakausap niya sa kanyang sarili. Hinapit niya ang puting bistida sa kanyang katawan at nakita ang kurba ng bewang. Napatigil ito nang makita ang malaki niyang dibdib. Pinagkaitan kasi siya nito noon sa nakaraang niyang buhay kaya ito agad ang napansin niya.

Ang bigat! Nahihirapang saad niya sa kanyang isipan nang maramdamang mabigat nga ang kanyang dibdib.

"Ate Elaine?" rinig ni Elaine na boses ng babae sa likuran niya. Nakita niya sa repleksyon ng salamin na nagising na ang natutulog sa gilid ng kama niya.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon