Chapter 4

5.2K 171 0
                                    

Chapter 4: Mahika Ah-bilidad

[Maharlika World is full of natural energy power. From the ocean, land, sky and volcanoes, everything in nature have energy power. The animals and plants are already adapted the energy power scattered around them so they acquire inexplicable power. Some of animals turns into beast and some of plants becomes Dryard or Fairy. Even humans are also benefiting the energy power but they're unique. The body and soul of a single human can be a weapon to use magic.

They converting the energy power into mana and producing a powerful magic.

To simplify, a person who can use mana is called mage and every mage has different skills: Generating, controling, mimicry, and creating.

For example: Fire mage is casting a spell to generate flames and controlling the fire attacks. They can cast a spell to be like Flames and creating swords or shield by flames.]

NAPATULALA si Elaine sa mga nalaman niya. Nasa labas sila ng hospital at nakaupo sa bench. Kasama niya si Esang na may dala-dalang libro upang basahin ang tungkol sa magic. Ito ang nagpaliwanag ng lahat-lahat sa kanya dahil sabi ni Helena kanina. . .

"Esang?! Ikaw ang maglibot sa ate mo para matulungan mo siyang maka-recover."

Napabuntong-hininga na lamang si Esang at inilahad ang kanyang kanang kamay.

"Wind Skill, Tiny Whirlwind," saad niya. Ito ay isang magic spell kaya lumabas sa kanyang palad ang maliit na ipo-ipo.

Gulat na gulat si Elaine na halos mapalayo na siya kay Esang. Hindi siya makapaniwalang totoo ang mahika na sa mga libro o palabas niya lang nakikita.

Saang lupalop ako ng mundo napadpad? Akala ko normal lang na mundo ito? Sa isip-isip niya.

Nawala ang ginawang mahika ni Esang at nakataas noo na tumingin kay Elaine.

"Kapag gagamit ka ng magic, kailangan mong mag-cast ng spell. Kapag Fire user ka, dadagdagan mo lang sa dulo ang salitang Fire ang Skill. Like, Fire Skill! Gano'n!"

Pumapasok naman sa utak ni Elaine ang mga sinabi ni Esang ngunit hindi pa rin siya makapaniwala. Noong maalala niyang isa pala siyang multo, nawala ang pag-aalinlangan niya at tinanggap ang nangyayari sa kanya.

Hindi na dapat ako magulat dahil una pa lang, naging multo na ako. Kaya expected na kakaiba ang mundong ito, ayan na lamang ang kanyang inisip para matanggap ang tungkol sa mahika.

"Ate Elaine!" Pumalakpak si Esang sa harapan ni Elaine na kinagulat nito. "Sa mga sinabi ko, may naalala ka na ba?

Umiling si Elaine na ikinabuntong-hininga ni Esang. Napahawak na lamang ito sa noo dahil sa pagkabigo.

"Bakit kasi kailangang ako pa ang magpaliwanag sa kanya!" bulong ni Esang ngunit narinig ito ni Elaine.

Kanina, matapos ang pag-obserba ni Mang Hernando sa katawan ni Elaine, napagtanto nilang nagka-amnesia ito at kailangang bigyan ng pansin para mabalik ang ala-alang nawalang memorya. Hindi alam ni Elaine kung bakit nangyari 'yon dahil nakakaalala naman siya sa nakaraang buhay niya. Pero buti na lamang ay walang nakaalam na inagaw niya ang katawan sa totoong Elaine. Sigurado siyang pagnalaman nila iyon, baka magkagulo at maghiganti ang pamilya nito sa kanya. Kaya naging tikom ang kanyang bibig sa kanyang totoong katauhan.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon