Epilogue

2.7K 79 10
                                    

[The New Era is just the beginning of her reign but remember, this is not the end. . .]

PAGKATAPOS ng koronasyon, ang mga matataas na opisyal sa Empire ay humiling na harapin ang bagong pinuno. Malugod itong tinanggap ni Elaine kahit dis oras na ng gabi.

Kasalukuyan nasa Royal Council si Elaine kasama ang ilang mga matatas na opisyal sa Mount Olimpus; Minsters, Royals, and etc.

Makikitang nakasuot pa rin ng purong puting maskara si Elaine na ngayon ay buong mukha ang natatakpan. May malalim siyang dahilan kung bakit niya ito ginagawa at hindi niya muna ito sinasabi sa lahat.

Pabilog ang naturang silid at ang bawat gilid ay may upuan at lamesa na mahahalintulad sa hagdanan. Nakatayo siya sa dulo nito na sentro ng silid. Nakaobserba siya sa bawat opisyal habang nag-uusap ito ng pabalang. Halos karamihan dito ay lamang ng bibig ang pagiging misteryo ng dalaga dahil sa maskara. Pinagkukumpara nila ito kay Equinox na ganito rin ang ginagawa.

Pinanliitan niya ito ng tingin at kinausap ang kanyang isipan, Hindi sila masaya na narito ako.

Habang hinihintay ang Prime Minister, walang emosyong nakatingin si Elaine sa mga opisyal. Taliwas man sila sa kaniya, wala silang magagawa sa pinatupad na batas— na kapag nakita ang supreme magic sa isang tao, siya ang magiging Emperor ng Southwest Land.

Bumukas ang pinto at ang mga opisyal ay tumahimik. Tumingin sila sa bagong dating na pinagtaka ng dalaga.

Si Yel ang Prime Minister? Gulat niyang sambit sa kanyang isipan. Alam niyang ito'y pinuno ng Hidalgos' butler ngunit hindi niya inaasahan na ito ang Prime Minister.

May tindig at kadakilaang naglakad si Yel papunta kay Elaine habang may paggalang na nakatingin sa kanya ang mga opisyal.

Tumabi si Yel kay Elaine at pinalibutan ng tingin ang silid.

"Bago natin simulan ang pagpupulong, mangako kayo sa harapan ko at ng ating Empress na ang lahat ng lalabas sa inyong bibig ay makakatulong lamang sa ating lupain. Ang lahat ng walang kwentang bagay ay hindi ko pinapahintulutan," panimula ni Yel at humarap sa dalaga na may ngiti sa labi. Yumuko ito bilang pagbigay ng awtoridad na magsalita.

"Empress? Hindi ba't Empe—" Hindi na natapos ang imumungkahi ng isa sa mga opisyal dahil nakatikim siya ng unang paglaki ng mata ng bago nilang pinuno.

Hindi naman kinabahan si Elaine dahil sanay na siya sa ganitong eksena. Mahahalintulad niya ito sa pagharap sa mga Board of Directors noong Ceo pa lang siya sa nakaraang buhay.

Peke siyang umubo para makuha niya ang atensyon nila at nagtagumpay naman ito. "Nagpatawag kayo ng pagpupulong ng dis oras ng gabi. Bilang paggalang na rin sa inyo, ito'y pinahintulutan ko kahit na marami pa akong gagawin. Ngayon, ilathala niyo sa akin ang nais niyong pag-usapan natin," sambit ni Elaine sa seryosong tono.

Lihim na nagtiim-bagang ang mga opisyal ngunit hindi ito makakatakas sa mga mata ni Elaine. Ramdam niya ang pagkagulat nila sa agarang koronasyon at problemado, na gusto niyang malaman.

Isang malakas na hampas mula sa isang galit na opisyal ang gumimbal sa lahat.

Napatingin si Elaine sa gumawa ng eksena at nakita ang isang hindi gaanong matandang opisyal ang hinampas ang mga palad sa mesang nasa harap nito. Tumayo siya at masamang tumingin sa dalaga.

"Hindi maaaring magpatupad agad ng koronasyon sa ganitong panahon!" singhal niya.

Pinanliitan ni Elaine ng tingin ang matandang opisyal ngunit hindi ito natakot sa kanya.

"Kawalang galang ang hindi pagpapakilala sa akin, ginoo. Ako'y bago lang kaya hindi ko kayo kilala ng lubusan," kalmado ngunit may diing salita ni Elaine. Ang pinakaayaw niya ay 'yong may galit sa kanya ang isang tao na wala pa naman siyang ginagawa sa kanila.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon