Chapter 56

1.1K 55 0
                                    

Chapter 56: The True Ruler is Back

"WIND Creation Skill, Sword of Zephyr!" enkantasyon ni Cielle at may lumabas na espada sa kanang kamay niya. Tumalon siya ng mataas at umatake sa isa sa mga kasamahan ni Twilight. Hindi niya ito nahiwa ngunit napuruhan sa pagsuntok niya. Tumalsik ito hanggang sa labas ng arena. Pinawalang bisa niya ang kanyang mahika at yumukom. Tinaas niya ang kanyang mga kamay at tumalon dahil sa saya. Nawala rin ito at napalitan ng pagtataka.

"Ano na kayang ginagawa ni ate?" tanong niya sa sarili. Nasagot naman agad ito nang makaramdam ng malakas na mana sa kanyang paligid. Paglingon niya, nakita niya si Elaine at Alaric na nilalabanan si Twilight.

"Cielle!"

Gumawi naman si Cielle sa gilid at nakita si Rai na siyang tumawag sa kanya. Kasama nito si Ivy at sa likod nila ay nakahandusay na ang dalawang kasamahan ng Haakun Team. Huminto sila Rai at Ivy sa harapan niya.

"Bakit?" masigla niyang tanong.

"Kailangan na nating tulungan sila Elaine. Mukhang tapos na ang oras na binigay sa kanya ni Captain Alaric," bungad ni Ivy.

"Siya na lang ang natitirang nakatayo sa grupo niya," sambit naman ni Rai.

Napatingin si Cielle sa apat na kalabang kalahok. Ang dalawa ay nasa labas na ng stage at ang dalawa ay nakahandusay sa gilid nila. Pagkatapos, napahawak siya sa kanyang baba at kuryos na gumawi kanila Elaine. Napatitig siya sa galaw nila na tila isang ritmo na tumutugma. Kapag nagkakasalubong, akala mo'y magbabangga ngunit isa lamang pala itong taktika.

"Makagugulo lang tayo sa team work nila," sambit niya at ngumiti. "Hintayin natin ang pagkakataon kung kailangan na nila tayo."

Samantala, sa pagitan ng dalawa laban sa isa, nahihirapan pa rin nila mapabagsak ang nag-iisa. Ang mga manonood ay nakatuon lamang sa magiging resulta. Sa ngayon, abala sila sa pagtitig sa bakbakan na kahit ang bibig nila ay hindi mapaliwanag. Masyadong mabilis ang nangyayari at nakakamangha sa mata nila. May mga ilang sumusuporta ngunit nanahimik na lang upang masabayan ang awrang bumalot sa buong arena. Lahat sila'y sabik na mamanman ang bawat bitaw ng mahika.

"Ice Sword," sambit ni Alaric at lumabas sa kanang kamay niya ang yelong espada. Tumakbo siya ng mabilis at binato ito sa ere. Nagtaka ang mga manonood ngunit nakita nilang tumalon ng mataas si Elaine at sinipa ng malakas ang espada para bumulusok papunta kay Twilight.

Bago pa sumalpok kay Twilight ang espada, gumilid na siya. Magka-cast sana siya ng spell ngunit naramdaman niya ang galaw ni Alaric sa gilid niya. Nakaiwas naman agad siya sa suntok na dala nito. Nakaiwas din agad siya sa paglitaw ng isa pang suntok kay Elaine. Magkabilaan na sa kanyang tinatapakan ang kanyang kalaban. Binibigyan na siya nito ng atake ngunit naiiwasan niya ito na parang wala lang sa kanya.

Nagulat si Twilight sa hindi niya inaasahang paghawak ni Alaric sa kaliwang kamay niya. Mahigpit ito ngunit kaya niyang makawala. Ang problema niya lang. . .

"Flame blow!" sigaw ni Elaine na nakaambang ang kamo niyang nababalutan ng apoy.

Dahil nakahawak si Alaric kay Twilight, hindi ito makatatakas agad ngunit matalino ang binata.

"Mimicry Skill, Shadow Like," enkantasyon ni Twilight at saktong tumagos sa katawan niyang naging shadow, ang suntok ni Elaine. May pwersa siyang tumalikod at kumuha ng bwelo para masipa si Alaric. Umiwas agad ang kapitan kaya kumawala ito sa pagkakahawak. Napangisi siya dahil ito ang totoo niyang plano, ang makawala sa pagkakahawak nito.

Mabilis na umatras at tumalikod si Twilight, kumuha ng bwelo, at sinipa niya si Elaine. Mabilis ding nadepensahan ng dalaga ang mukha niya gamit ang pag-ekis ng dalawang bisig niya subalit napaatras ito dahil sa malakas na pwersa ng pagsipa.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon