Chapter 11

3.1K 121 1
                                    

Chapter 11: New Members

NATAPOS ang pagpupulong nila Gilth, Alaric, at Elaine na pinaliwanag kung ano ang Midnight Guild— isa itong samahan na kung saan ay nagkakaroon ng kita ang mga mages sa misyong binibigay sa kanila.

Binubuo ang guild ng isang Guildmaster, isang Vice-Guildmaster, apat na S-Captain, at limampung myembro. Sa apat na captain ay may mga myembrong kasapi; ang Flower Squad ni Captain Fiore ay may sampung myembro, ang Crater Squad ni Captain Yong ay may labing-dalawang myembro, at may isa pang captain na hindi pa nalalantad at ito'y may labing isang myembro. Habang si Captain Alaric na walang pangalan ang squad dahil wala naman siyang myembro, hindi na ngayon dahil ang kauna-unahang niyang myembro ay si Elaine.

"Kung gano'n, dapat mag-isip ka ng pangalan ng squad," ani Elaine habang kasama niyang naglalakad si Alaric sa pasilyo. Kakalabas lang nila sa silid ng guildmaster at sila'y patungo sa pribadong silid para sa mga trainees.

"Nakakatamad," walang ganang tugon ng kapitan.

Sumimangot ang mukha ni Elaine.

"Masungit, napakalamig, at napakatamad. Sa loob lamang ng ilang araw ay kilala na kita."

Ngumisi ang kapitan at tumingin kay Elaine na napalunok sa kaba. Sa likod ng ngisi ay parang may gagawin itong masama.

"Hindi mo pa ako kilala at tama bang makipag-usap ng ganyan sa kapitan mo?"

Halos napatigil sa paglalakad si Elaine dahil sa pangamba. Nakaramdam na naman ulit ito nang paglamig na nagmumula sa katawan ng kapitan na mahahalintulad sa malice.

[Malice - the desire to do harm or mischief]

Nawala ang kaba ni Elaine nang ginulo ng kapitan ang kanyang buhok.

"Para hindi ka na dumaldal pa, hahanap pa ako ng ibang myembro. Ang boring pag ikaw lang ang nasa squad ko," sambit ni Alaric. Naglakad siyang muli at sumama naman ang timpla ng mukha ni Elaine.

Gumihit ang maikling ngiti sa labi ni Elaine dahil isa rin sa ugali ng kapitan ang pagkakaroon ng mabuting puso, hindi lang nito sinasabi. Sa halip, pinapakita ng kapitan ang mabuti nitong harangin sa masamang salita at aksyon.

Marunong din kumilatis ni Elaine, kailangan iyon bilang isang pinuno sa nakaraan niyang buhay. Lagi niyang tinatandaan na ang tao ay may iba't ibang ugali na kailangang mong respetuhin at intindihin.

Tumungo sila sa pangalawang palapag na kung saan ay makikita lamang ang mga silid para sa mga myembro. May nakikita silang mga mages doon at pinagtitinginan sila na may kasamang pagbulong.

"Dumating na si Captain Alaric."

"Sino 'yang kasama niya?"

"Bagong myembro."

"Himala! Ha-ha-ha."

"Sinabi mo pa."

Ang mga mages na nakapaligid sa kanila ay may mga hawak na wizard staff, wands, at magical weapons tulad ng sword, bow, spear, at shield. May mga suot din itong medieval coat at ang iba ay may suot na wizard hat. Karamihan sa kanila ay mga adventurer na nais lamang kumuha ng misyon at myembro na kailangan nila sa pagpasok ng dungeon.

Ang mga mata ni Elaine ay parang kumikinang dahil sa pagkamangha. Nababasa niya lamang ito sa libro ngunit ngayon, nasa harapan niya na.

Dahil sa pagkatitig ni Elaine sa mga mages, hindi niya namalayan na nauntog na siya sa katawan ng nakahintong si Alaric. Napahawak siya sa kanyang noo at hinimas ito upang mawala ang sakit.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon