Chapter 50

1.1K 47 0
                                    

Chapter 50: The Beginning of Lunar Tournament

SIMULA Match 1 hanggang Match 5; Emperor vs Harald, Anastasia vs Harold, Haakun vs Boris, Demi-Human vs Frederica, at Star-dust vs Olga. Ang mananalo ay aangat at ang matatalo ay kakalabanin ang mga nasa lower bracket. Sila'y maglalaban at mangyayari iyon sa isang araw lamang.

May kanya-kanya silang silid upang pribado silang maglaban at mayroon itong kristal para ibahagi ito sa buong Southwest Land.

"Sa pangatlong araw, magpapakita ang Lunar Eclipse. Sa oras na rin iyon magaganap ang labanan sa pagitan ni Emperor Lunar at isang kalahok na nagtagumpay na makatungtong sa tuktok," paliwanag ni Yel at tumalikod. Yumuko ito sa harapan ng tower na kung saan naroon ang emperor. "Maaari niyo na pong ibahagi ang iyong mga kalahok, your majesty."

Nawala ng parang bula si Yel at ang lahat ay napatingala nang makita ang emperor na nakatingin sa kanila. Yumuko ang lahat at kahit labag kay Elaine, ito'y ginawa niya.

Tinaas ni Lunar ang kanyang kamay at ang lahat ay nagtayuan. Mahina muna siyang umubo bago nagsalita, "Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyo sa paglahok sa aking patimpalak. Doon pa lang, nagagalak na ako at nasisiyahan. Masasaksihan nating muli ang kalakasan ng bawat isa. Ngunit ngayon, isa lamang ang ituturing na kapat-dapat na makaupo sa trono. Sana'y makalaban ko ang taong iyon."

Napasulyap si Lunar kay Elaine at muling bumalik sa pagbibigay ng lathalain.

"Muli, ako'y nagpapasalamat sa inyo at sa buong Southwest Land. Ang patimpalak na ito'y layuning mapakita na kapag ako'y nanalo, may karapatan akong maupo sa trono. Alam kong hindi mawawala ang inyong paggalang sa Supreme Spirit ngunit kung hindi siya lilitaw, walang magtataguyod sa inyo, mahal kong bayan. Narito ako para patunayan na ang aking titulo ay nararapat na mapunta sa akin at sa mga taong gusto itong mapasakamay. Kung nasaan ka man, mahal naming Supreme Spirit, basbasan mo ang aking kapangyarihan upang mas mapabuti natin ang ating nasasakupan."

Napayukom si Elaine at mas lalo pang nainis nang ngumisi sa kanya si Lunar.

Sulitin mo na ang araw mo, Lunar, sa isip-isip ni Elaine at Ngumisi.

Gumilid si Lunar at nilahad ang palad sa ipapakilala niyang kalahok.

"Bago magtapos ang panimulang ito, narito ako para ibahagi ang aking mga kalahok. . ."

Unang umabante si Penumbra at ngumiti. Kinaway pa nito ang kanang kamay na may bracelet na kulay pula.

"Ang aking kapatid na si Penumbra Hidalgos."

Nagpalakpakan ang ilan sa mga tao sa Colossal Arena.

Pumalakpak din ang Olga Team ngunit napahinto si Rai at patingin-tingin sa paligid.

"Nasaan na si Ruby?" tanong niya sa sarili.

Sunod namang umabante si Equinox na nakatayo lamang ng diretso.

"Ang pangalawa ay ang aking kapatid na si Equinox Hidalgos."

Napatingin si Elaine sa nakamaskarang si Equinox. Tulad nila, iniisip niyang nakatago rin ang katauhan nito.

Habang nagpapalakpakan, bumalik sa ala-ala ni Elaine noong hinuhuli sila nila Equinox at Penumbra sa Spirit Woodland— noong nasa ilalim ng stygian skill ang katawan niya. Hanggang ngayon, hindi niya mapaliwanag kung bakit nasira ang itim na sapot noon. Pinakawalan ba siya ni Equinox o talagang nasira ang sapot para makatakas siya?

"Pangatlo na mula sa Anastasia Kingdom, si Joziah Suarez na kilala sa pinakamalakas na knights sa kanilang kaharian. "

Nawala ang iniisip ni Elaine nang makita ang kapatid. Agad siyang napangiti at sumabay sa palakpakan. Ngunit agad napahinto nang makita ang mga pulso nitong may suot na metal na bracelet.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon