Chapter 17

2.1K 88 0
                                    

Chapter 17: Loyal Servants

ALAS SINGKO y medya ng hapon na nakarating sa karwahe sila Alaric at Elaine. Makikita rin sa padilim na kalangitan na anumang oras, papatak na ang ulan. Ginilid ng kapitan ang mga kabayo sa karwahe malapit sa malaking puno upang sumilong. Pagkatapos niya itong matali, humarap siya sa kagubatan. Nagmamasid dahil ang usapan ay dapat nang maganap.

Nakita niya si Elaine na nagmamasid sa paligid. Tumabi siya sa dalaga at sinabayan din ito sa pagmasid subalit kinse minuto na ang nakalipas, hindi pa nila natatanaw ang dalawa pa nilang kasamahan.

Bumuhos ang malakas na ulan at dali-dali silang sumilong sa malaking punong katabi ng kanilang karwahe. Agad na tinanggal ni Alaric ang kanyang cloak dahil sa nabasa ito. Nabasa na rin si Elaine at ang itim nitong dress ay matamlay nang tingnan.

"Bakit ang tagal nila?" inis na saad ni Alaric habang sinasampay ang cloak sa likuran ng karwahe. Buti na lang ay fitted ang suot nitong pang-itaas.

Nilibot muli ni Elaine ang kagubatan at may naramdaman silang mahinang pagsabog. Agad silang tumingala at nakita sa himpapawid ang malaking kuryenteng gumapang sa hangin na ang direksyon ay pababa. Hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan ang nasaksihan at sabayan pa ng nakakatakot nitong tunog na maihahalintulad sa marahas na kidlat.

"Kay Rai galing 'yon, hindi ba?" gulat na sambit ni Elaine na napapapikit at napayuko dahil sa pagtama ng buhos ng ulan sa kanyang mukha.

"Tsk! Sumunod ka sa 'kin, Elaine!" pagalit na sambit ng kapitan at mabilis na tumakbo papunta sa naturang lugar. Agad naman sumunod si Elaine na kinakabahan sa mangyayari.

Samantala, kaharap nila Ruby at Rai ang isang malaking halaman na maraming malalaking baging at nagmistula itong galamay. Dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, hindi nagagamit ni Ruby ng maayos ang Fire magic kaya si Rai ang umako sa tunggalian.

Nakawala naman sila kanina sa pagpulupot ng baging sa kanilang katawan dahil sa Fire magic ngunit ngayon na maulan, iniiwasan nilang mahuli sila nito.

Mabilis na sumugod ang malaking baging papunta sa kanila.

"Electric Skill, Thunder Sphere!" enkantasyon ni Rai. Hinarap niya ang kanyang kanang kamay at nagkaroon ito ng malaking kuryenteng bilog. Mabilis siyang tumakbo at maliksing iniwasan ang mga baging na galit na humahampas papunta sa kanya. Pagkatapos ay bumuwelo siya't tumalon at ang thunder sphere na niliha ay binato niya sa pinakaugat ng baging sa lupa. Nagawa niya ito ng tama ngunit may ilang natira.

"Tsk! Kulang pa!" asar niyang sabi. Nilingon niya si Ruby para sana tulungan ito ngunit laking gulat niya nang makitang pumulupot sa katawan ng dalaga ang baging at inangat ito sa hangin. Pilit na tinatanggal ng dalaga ang baging ngunit wala siyang magawa. "Sh*t!" bulalas niya at mabilis na tumakbo papunta sa dalaga.

"Thou shalt grant thy power of fire, Ruby. . . Fire of love!" sigaw ni Ruby ngunit naapula agad ang palikha pa lang niyang apoy dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Si Rai naman ay muling lumikha ng thunder sphere. Tumalon siya ng mataas sa abot ng kanyang makakaya at may planong ibato ang nilikha niyang mahika sa baging ngunit isang mabilis na baging ang pumulupot sa kanya at parehas na silang nakaangat sa hangin.

"Ano ba naman 'yan?! Ayon lang ang kaya mo?!" singhal ni Ruby habang pinipilit na makawala sa baging. Basang-basa na ang buong katawan nito at ang buhok niya'y bagsak na bagsak na.

"Manahimik ka nga! Ikaw nga hindi ka makagamit ng mahika! Nagreklamo ba ako?" singhal din ni Rai. Hindi niya na magamit ang mahika dahil ang kamay niya ay nasama sa pagkakapulupot.

"Anong magagawa ko ha?! Ang lakas ng ulan!"

"Huwag ka na nga diyan magreklamo!"

Napatigil sila sa bangayan nang may isa pang malaking baging ang tumapat sa kanila. Nagkaroon ito ng butil sa tulis ng baging at ito'y namulaklak. Pagkatapos ay naglabas ito ng kulay berdeng usok na mabilis na kumalat sa paligid nila. Agad na tinakpan ni Ruby ang kanyang ilong at bibig ngunit ang kasama niya, nalanghap na ito at unti-unti nang bumagsak ang mga mata. Sa sandaling iyon, taimtim siyang nag-isip at nakumpirmang sleep powder ang usok. Hanggang sa hindi na siya makahinga kaya napilitan siyang lumanghap at unti-unting nakaramdam ng antok.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon