Chapter 27

1.5K 68 3
                                    

Chapter 27: The Guardian of Spirit Woodland.

"ZYANIAH! Zyaniah!" sigaw ni Kriselda. Kasalukuyan niyang hinahanap si Zyaniah sa lawak ng sementeryo at hawak-hawak niya si Zianelle. Noong hindi na niya makita ang nakatatandang kapatid, agad niyang hininto ang pagtatrabaho at agad itong hinanap. Nagsumbong din kasi si Zianelle na nawawala raw ang kapatid niya.

"Nasaan na kaya 'yon?" pabulong na tanong ni Zianelle habang nahihirapang tanggalin ang makapit na kamay ng kanyang Tita. Bumitaw naman ito at hinarap siyang nakahawak ang mga kamay nito sa kanyang balikat.

"Dito ka lang ha? Hahanapin ko lang 'yong kapatid mo. Maliwanag?"

"Opo," tugon ni Zianelle at iniwan siya nito sa isang lapida. Agad namang umalis ang kanyang tita at napagdisesyunang kumuha ng natunaw na kandila.

Tinuon niya na ang kanyang tingin sa lapida at nakita ang petsang kakalibing lang nito noong nakaraang linggo. Napatingin siya sa kabilang nitso at nakita ang mag-asawang nakatingin sa kanya. Nagtataka ang mukha nila dahil siya lang ang batang makikita sa sementeryo na hindi natatakot ang mukha.

"Hindi ba siya natatakot?" mahinang sambit ng nanay.

"Napakabata niya pa para rito," mahina namang sambit ng asawa nitong tatay.

Una sa lahat, matagal na akong patay na masasabing matanda na ako para sa ganitong gawain. At pangalawa, bakit ako matatakot kung multo ako? Takutin ko kaya 'tong mga 'to, sa isip-isip ni Zianelle, na gusto niyang masabi sa mag-asawa. Inaalala niya lang na kailangan nilang hindi malabas ang kanilang katauhan sa iba.

"Nasaan na ang batang 'yon," pag-aalalang saad ni Kriselda nang siya'y lumapit kay Zianelle. "Nakita mo ba kung saan pumunta ang ate mo kanina?"

"Hindi ko po alam," sagot nito.

Dumaan ang isang lalakeng kasamahan nilang nangongolekta ng kandila.

"Nakita mo ba si Zyaniah?" tanong ni Kriselda. Halos tinanungan niya na ang iba ngunit wala silang nakuhang sagot.

"Kasama ni Pinunong Sol. Nakita ko doon," sagot ng lalake at tinuro ang bahagi ng pader na may nitso. "Naroon sila sa likod. Kinakausap ni Pinunong Sol si Zyaniah."

Nakahinga ng maluwag si Kriselda sa kanina niya pang pag-aalala sa pamangkin.

"Akala ko'y may gusto o may kumuha na sa kanya," sambit niya at nagpasalamat sa lalake bago ito umalis.

"Ang daya! Puntahan ko siya!" saad ni Zianelle at aalis sana para puntahan ang kapatid ngunit hinawakan siya ng kanyang tita sa braso.

"Hindi! Magtanggal ka rito ng kandila."

𔓎𔓎𔓎𔓎

NATAHIMIK ang paligid na sumasabay sa tinginan nila Zyaniah at ang matandang babaeng si Pinunong Sol.

Si Pinunong Sol ay ang hindi-tunay-na-kapatid ni Pinunong Wol. Nirerespeto nila ito dahil sa matalino at kakaiba nitong mahika. Tinatawag na rin nila itong Pinuno dahil sa malaking ambag nito sa kanilang nayon at tinuturing na ring parang kapatid ng kanilang Pinunong Wol.

Ang katahimikan ay nabasag nang napakamot sa batok si Zyaniah at pilit na ngumiti sa matanda.

"S-supreme S-spirit?" kinakabahan nitong saad at tumingin-tingin sa paligid. "N-narito po. . . ba ang Supreme Spirit?"

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon