Chapter 60

1.2K 53 6
                                    

Chapter 60: Sweltan

ANG SUPREME Spirit ay isang tinitingalaang bathala na mula sa Planetang Earth. Ayon sa nagkalat na balita at librong mula pa sa mga ninuno, sila'y hindi mawawala sa sistema ng pamumuno sa kanilang mundo. Para makita ang bathala, kailangang may pambihira itong mahika na kung tawagin ay supreme magic at magpapakilala itong may apelyidong Hidalgos. Kapag meron ka ng dalawang katangiang nabanggit, lahat ay sasambahin ka at titingalaang bilang may karapatan at nagmamay-ari sa planeta nilang tinatawag na Maharlika.

Dahil ang Supreme Spirit ay pihikan at hindi basta-basta matatagpuan, kailangan ng pansamantalang maglilingkod sa nasasakupan. Ito ay ang mga anak ng nakaraang Supreme Spirit— sila ang mamumuno hangga't wala pa ang itinakda.

Sa kaso naman ng dalawang naglalaban sa gitna ng colossal arena, sila'y parehas na may karapatan na mamuno. Ngunit walang umuunlad ng dalawa ang utak sa isang nasasakupan. Dapat isa lamang at ito ang kanilang pinaglalabanan.

Hindi magiging makapangyarihan ang isang pinuno kung wala ang simpatya ng nasasakupan nito. Kaya sila'y nasa harapan ng libo-libong tao upang maging saksi kung sino ang nararapat sa kanila..

Sa mundo ng mahika, hindi ito madadaan sa simpleng pag-uusap lamang. Ang mahika ang siyang daan sa kalakasan ng isang indibidwal kaya ang dapat na gawin ay ang dahas.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAPASINGHAP ang mga manonood sa dalawang nagtutunggali dahil muntikan nang mahiwa ang dalagang may puting buhok at may suot na maskara. Buti na lamang, nakaiwas ang dalaga at dali-daling umatras. Pinuwesto nito ang sarili at muling hinarap ang kalaban nitong matipunong lalake na ang pang-itaas na suot ay wala na.

Sa colossal arena, ang ilang mga manonood naman dito ay taimtim lamang na nakamasid. Hindi sila pwedeng makialam sa patas na labanan ng dalawang pinuno. Ito'y legal at walang dapat na makialam. Kung gusto mong gumitna, haharapin mo ang mga mala-halimaw nilang mahika: Ang dalagang si Elaine ay may pambihirang supreme magic. Kaya niyang gumamit ng iba't ibang elemento tulad ng hangin, tubig, apoy, at bato. Ang kanyang katunggali naman ay si Lunar. Dahil sa Lunar Eclipse, ang dark magic niya ay nag-triple ang lakas. 

Huminto ang dalawa ng may layong sampung metro sa isa't isa. Hinabol ni Elaine ang kanyang paghinga habang mahigpit na nakahawak sa hanging espada niya. Si Lunar naman ay nakangising inaayos ang itim niyang espada. Pinagpapawisan na ang buhok niya na animo'y naligo. Pumapatak na ang pawis sa kanyang mukha papunta sa dibdib at sa tiyan nitong masasabing mapapabilang sa mga sining ng greek gods.

"Hindi ko akalaing kaya mong makipagsabayan sa akin ng harap-harapan," sambit ni Lunar at tumayo ng maayos. "Ngunit kahit anong gawin mo, nasa akin pa rin ang kapalaran."

Tiningnan ni Elaine ang kalangitan na natatakpan pa rin ng buwan ang araw.

Mas lalong lumakas ang mahika niya noon kaysa sa ngayon. Kung kaya ko lang gumamit ng dark magic, kaya ko ring abusuhin ang lakas na binibigay ng Lunar Eclipse, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Ang kaya niya lamang gawin sa dark magic ay ipunin ito ngunit hindi niya kayang gumamit ng skills. Ang bihasa niya lamang ay wind, fire, ice, at earth magic. Kaya niyang gumamit ng water magic ngunit hindi ganoon kabihasa— palabas lamang ang lahat ng mahikang nilikha niya kanina upang mapakitang siya talaga ang Supreme Spirit. Ngunit dahil na rin sa ayaw bitawan ni Lunar ang tronong para sa kanya, kailangan niya itong labanan at matalo.

Nawala ang galak sa labi ni Elaine nang biglang naglaho si Lunar. Tinaasan niya ang kanyang depensa at lumikha sa kabilang kamay ng isa pang espada na lumiliyab. Dalawa na ang hawak niya; isang apoy at hangin na espada. Pinalakas niya pa ang kanyang magic sense at nagulat nang biglang lumitaw si Lunar sa gilid niya. Namilog ang kanyang mga mata ngunit agad na tumalim. Mabilis niyang sinalag ang nagbabadyang hiwa sa kanya at gamit ang pinagkrus niyang dalawang espada, nasalag niya ang espada ni Lunar.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon