Chapter 43

1.2K 55 0
                                    

Chapter 43: Most Powerful Elemental Magic

TINAKBO ni Emmanuel ang dalagang nag-aagaw buhay papunta sa clinic ng nayon at nakasunod naman si Elaine sa kanya. Nang makalayo, nakita nila sa dako sila Pinunong Sol at Cielle, at tinulungan sila nang walang kwestiyon. Sila rin ang sumisigaw ng 'tumabi' sa daan upang makaraan ang binata.

Nang matunton nila ang clinic, agad na pinahiga ni Emmanuel ang dalaga at agad ding kinunsulta ng doctor ang kalagayan nito. Sa isang tingin lang at paghawak nito sa dalaga, nalaman niya agad ang kalagayan nito.

"Nabaril siya sa gitna ng dibdib. Hindi naman natamaan ang puso niya ngunit kailangang matanggal ang bala dahil kapag humalo ang mana ng bala sa mana ng dalagang ito, baka ito'y sumabog sa katawan niya."

Nagkatingnan sila Elaine at Emmanuel na ang mukha ay may halong pangamba.

"Serena!" sigaw ng isang ginang mula sa pintuan ng clinic.

Napatingin ang lahat sa ginang na tumakbo papunta sa dalagang si Serena. Mas umiyak ito nang makita ang anak na nakahilata at may dugo sa dibdib.

"Anak ko!"

Pumasok naman si Pinunong Sol kasama sila Cielle at Pinunong Wol.

"Ano na ang nangyayari?" tanong ni Pinunong Wol at bahagyang nagulat nang makita si Emmanue., "Lord Emmanuel? Bakit ka narito? Akala ko ba'y nakaalis ka na?"

"Saka na po natin 'yan pag-usapan kapag nasa maayos na lagay na siya," sagot ng binata at hinarap ang nag-aagaw buhay na si Serena.

Lumapit ang dalawang pinuno kay Serena at hinawakan ang dibdib nito.

"Hindi ko kayang matanggal ang bala. Kailangan natin ng metal mage para matanggal ito," paliwanag ni Pinunong Wol.

"Wala bang metal mage d'yan?" sigaw ni Pinunong Sol sa mga nakikisosyong residente na nakatingin sa bintana.

Nagkatinginan lang sila na pahiwatig na naghahanap ng metal mage ngunit ni isa'y wala sa kanila ang nagrepresenta.

Lumingon si Pinunong Sol kay Elaine na taka ang pinakita ng mukha sa kanya. Pagkatapos, tumingin siya sa doktor at nagsalita, "Doktor? Maaari mo bang isara ang mga bintana? Nakahanap na ako ng metal  mage. Ayoko lang na ma-distract ito sa gagawin niya."

Tumango ang doktor bilang tugon at sinara ang mga bintana. Kaya ang mga residente ay napaatras ngunit hindi pa rin natapos sa pakikiusosyo.

Binuksan ng doktor ang ilaw, at nagkatitigan si Pinunong Sol at Elaine.

"Kaya mo bang matanggal ang bala sa dibdib niya?" tanong ni Pinunong Sol.

"Hindi ko pa nasusubukan ang metal magic," ani Elaine.

"Kung hindi mo ito susubukan, mamatay ang dalaga!"

"P-pero. . ." Napaatras si Elaine nang biglang lumapit ang matandang ina ni Serena.

"Ikaw ang Supreme Spirit, hindi ba?" pagmamakaawa nito.

"Paano niyo po nalaman?" gulat na tanong ni Elaine.

"Ako ang kanang kamay ni Pinunong Wol at mapagkakatiwalaan sa mga bagay. Alam ko rin ang katauhan mo dahil sa kwento ng aming dalawang pinuno. H'wag po kayong mag-alala dahil ako po'y mapagkakatiwalaan niyo. . . " Lumuhod ang ginang sa harapan ni Elaine na kinagulat nito. "Pakiusap mahal na Supreme Spirit. Iligtas niyo po ang anak ko."

Nakaramdam ng tensyon si Elaine ngunit nagkaroon ng determinasyon.

Pinatayo niya ang ginang at ngumiti. "Gagawin ko po ang lahat," saad niya at pumunta sa gilid ng nakahilatang si Serena.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon