Chapter 9

3.4K 138 5
                                    

Chapter 9: Ice S-Captain

NAGKATINGINAN sa mata sa mata sila Elaine at ang misteryosong lalake. Unang lumihis ng tingin ang lalake at naglakad papunta kay Diego.

Sinundan ng tingin ni Elaine ang lalake at napansin ang kanang kamay nito na umuusok dahil sa yelong nakabalot dito. Ang paghinga ng lalake ay may lumalabas din na usok sa lamig at ang tinatapakan niya ay kusang nagyeyelo.

Nang makita ng dalaga ang mukha ng lalake, doon niya lamang ito nakilala.

Siya 'yong lalakeng nakita ko bago kami umalis ng bayan, sa isip-isip niya. Tumatak kasi ang kulay asul na mga mata nito sa kanyang isipan.

Nawala ang kanyang pagkakausap sa sarili nang tumahan si Jacobe sa pag-iyak.

"Sila mama at papa. Si Ate Esang?" tanong ng bata habang kinukusot ang mga mata.

Ngumiti si Elaine at ginilid niya ang buhok na humaharang sa mukha ng kapatid. Ngumiti muna siya bago tumugon, "Sana'y nasa maayos si—" Ngunit siya'y napatigil nang sumabat ang misteryosong lalake.

"Ligtas sila."

Napatingin si Elaine sa lalake at nakitang huminto ito sa tapat ni Diego na nababalutan ng yelo. Ang bahaging katawan lamang ni Diego na hindi nababalutan ng yelo ay ang mga kamay nito ngunit hindi niya ito magalaw.

Kinuha ng misteryosong lalake ang hawak na baril ni Diego at pinalibutan niya rin ito ng yelo. Hinagis niya ito sa hangin, lumikha ng espadang yelo sa kanang kamay, at hiniwa sa gitna ang nagyeyelong baril.

Nasubaybayan ni Diego ang lahat ng nangyari sa kanya. Sadyang hindi lamang ito makapagsalita dahil nababalutan siya ng yelo at kumapit na ang lamig sa kanyang katawan.

"Ate Elaine!"

"Mga anak ko!"

Lumingon ang magkapatid at nakita ang kanyang mga magulang at si Esang na tumatakbo papalapit sa kanila. Agad na nagyakapan ang pamilya at napaupo sa lupa.

"Salamat naman at ligtas kayo," maluha-luhang sambit ni Duardo at hinigpitan pa lalo ang pagkakayap sa kanyang pamilya.

"P-papa! H-h-hindi k-kami makahinga!" nahihirapang sambit ni Jacobe na agad namang kumawala si Duardo sa pagkakayakap.

Nakahinga ng maluwag ang magkakapatid ngunit muling nagyakapan. Pinagmasdan ni Helena ang masaya niyang pamilya at bumaling ang tingin sa misteryosong lalakeng nakatingin lamang sa kanila. Napansin niya ang nagyeyelong kamay ng misteryosong lalake at gumawi kay Diego na nakita niyang nababalutan na ito ng makapal na yelo.

"Ikaw ba ang gumawa kanina sa tatlo?" tanong ni Helena ngunit hindi siya pinansin ng misteryosong lalake at tumalikod ito paalis.

Kanina'y nahihirapan makipaglaban sila Helena at Duardo ngunit bigla na lamang lumamig ang kanilang paligid at nabalutan ng yelo ang tatlo nilang kalaban. Gano'n din kay Esang na bago siya matalo, bigla ring nagyelo ang katawan ng kanyang katunggali.

"Salamat!"

Napahinto ang misteryosong lalake at lumingon sa nagsalitang si Elaine. Napatitig siya sa ngiti ng dalaga at ito ang nagpaalala sa kanya noong nag-enkantasyon ito.

Mahika Ah-bilidad, sa isip-isip ng misteryosong lalake at pinagpatuloy ang paglakad paalis.

Tumayo ang pamilyang Suarez at nilisan ang kagubatang bitbit ang mga nagyeyelong grupo nila Diego gamit ang wind magic. Dahil gawa sa mahika ang yelo, hindi ito basta-basta matutunaw ng normal na init ng araw.

Dinala nila ang grupo sa bayan at doon nila nireklamo ang ginawa sa kanilang pamilya. Sa kasamaang palad, walang naniniwala sa kanila dahil si Diego ay isa sa mga noble.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon