Chapter 24

1.6K 61 5
                                    

Chapter 24: Partial Battle

DAHIL sa wind magic, mabilis na napuntahan nila Elaine ang dulong bahagi ng Spirit Woodland. Kasalukuyan silang lumulutang kasama ang babaeng multo na hanggang ngayon, napapaso pa rin ang katawan nitong multo sa natamong sugat.

"Anastasia K-kingdom 'yang nasa. . . harapan n-natin," nahihirapang sambit ng babaeng multo.

"Paano tayo makakaalis dito?" tanong naman ni Elaine habang nakatingin sa labas ng Spirit Woodland.

Magkaibang-magkaiba ang masasaksihan sa dalawang lupain. Animo'y magkaibang lugar na pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Sa dako ay ang Anastasia Kingdom na puno ng sigla at napakaliwanag. Samantalang ang Spirit Woodland ay puno ng hamog at dilim na bumabalot sa kapaligiran.

"Hindi ba't ikaw ang Supreme Spirit? Bakit hindi mo subukan na makaalis rito?" saad ng babaeng multo na nakakaya na ang hapdi sa katawan nito.

Napansin naman ni Elaine na ang katawan ng multo ay unti-unti nang nawawala ang mahikang apoy at habang nangyayari iyon, lumitaw sa kanyang isipan ang senaryo kanina.

Kayang gumamit ng Dark Magic at Fire Magic ng babaeng 'yon, sa isip-isip niya.

"Halika," aya ni Elaine na pinagtaka ng babaeng multo. Lumapit naman ito sa kanya.

"Bakit?" tanong nito.

Tiningnan ni Elaine ng masinsinan ang natamong pinsala ng babaeng multo. Sa natamo nito, ang ilan sa multo nitong katawan ay nangitim na. Kanina'y lumiliyab ito ngunit ngayon, iilan na lang ang maliliit na apoy dito.

Kasalanan ko ito kaya dapat ko siyang gamutin ngunit paano? Pagkakausap niya sa kanyang isipan, kailangang may gawin ako.

Pumikit si Elaine at tinaas ang kanyang mga kamay. Sa madilim niyang paningin, namuo ang kanyang imahinasyon sa reyalidad. Lumikha siya ng pagliyab sa mga kamay at pagdilat niya, nakalikha siya ng apoy sa mga kamay na kinangiti niya.

"A-anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ng babaeng multo.

"Hindi ko alam pero magtiwala ka lang," tugon ni Elaine at pinaglaruan sa kanyang mga kamay ang apoy.

Namangha ang babaeng multo at napangiwi na lang na sumang-ayon. "Sige. Sabi mo eh."

Muling pumikit si Elaine ay pinawalang bisa ang nilihang apoy. Huminga siya ng malalim at marahas na bumuga ng hangin. "Make your imagination real. . . make your imagination real."

Muli, hinayaan niya na ang kanyang imahenasyon ay maglaro sa kanyang isipan. Mayamaya'y nakarinig siya ng pagsaboy ng tubig. Ang kanyang mga kamay ay nagkaroon ng tubig na naging hulmang bola. Lumitang ito sa kanyang palad kasabay ng kanyang pagdilat. hindi siya ngumiti o namangha dahil kailangan niyang magpokus sa pananatili ng mahika. Lumapit siya sa babaeng multo at dahan-dahang nilagay ng bolang tubig sa sugat. Huminga siya ng malalim kasabay nang pagliwanag ng tubig.

Ang sugat na nangitim ay mahinang lumiwag at ang maliliit na apoy ay naapula. Nawala ang liwanag at tumambad sa kanila ang natamong sugat.

Napaawang ang bibig ng babaeng multo dahil ngayon lamang ito nakakita ng ganitong klase ng mahika.

"Hindi ko pa rin akalaing ikaw ang Supreme Spirit," natatawang saad ng babaeng multo.

"Ngayon ko lang din nakayang gumamit ng ganitong mahika," natutuwang sambit ni Elaine.

Nawala ang pagkamangha ng babaeng multo. Kumingon siya at tinanaw ang kabuuan ng Anastasia Kingdom. "Kailangan mo ng umalis dito. Hindi pwedeng makuha nila ang mahika mo."

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon