Chapter 53

1.1K 56 3
                                    

Chapter 53: Respect for Strongest

KASALUKUYANG nagtutuos si Rai— na may maskarang simbolong club sa baraha— sa isa sa mga kalahok ng Demi-Human City. Nahihirapan siyang mapatumba ito sapagkat lumalaban pa ito kahit pagod na.

"Para kay Master Aluma. . . para kay Master Aluma," paulit-ulit na sambit ng lalakeng katunggali ni Rai at pinaliyab nito ang kanyang kanang kamay.

"Tsk! Nagsisimula na akong mairita sa kakunatan mo!" singhal ni Rai. Gumawi siya sa iba pang kalaban na kahit bugbog na ang mga ito, lumalaban pa rin. Kapansin-pansin din ang mga mahika nila na iisa lang. Ito ay ang fire magic.

Sa kabilang dako, hindi matatangging talo ang ice magic sa fire magic. Wala naman iyon sa kaso ni Alaric— na may suot na maskarang simbolong spade. Nakakaya niyang makipagsabayan sa katunggaling gumagamit ng fire magic. Nasa gilid sila ng arena at ang kanyang katunggali ay nasa bingit na ng paghulog. Hindi na siya nagdalawang isip na hulugin ito gamit ang paghagis ng nilikha niyang malaking bloke ng yelo. Nang madeklara ni Yel na tanggal na ang kanyang kalaban, nakarinig siya ng malakas na pagsabog. Pagtingin niya sa gilid, nakita niya si Elaine na nahihirapang kalabanin si Aluma.

Sa sagupaan laban sa dalawang mage na ang sandata ay dagger, kailangan nilang mapalapit sa kalaban upang maka-score sa atakeng gagawin. Hindi tulad ng long sword na kayang abutin ang kalaban kapag malayo ito, ang dagger ay kailangang malapitan.

"Inferno Blooter!" sigaw ni Aluma habang nakaambang ang kanyang pagsipa. Dahil sa bilis nang pagkilos niya, natamaan niya si Elaine. Tumilapon ito ngunit agad nakabawi gamit ang pagtusok ng kanyang dagger sa lupa. Doon ay natigil ang pagkakatilapon niya.

Mabilis na sumugod si Elaine at nagpakawala ng sunod-sunod na atake gamit ang dagger. Nakakaiwas ang kanyang kalaban ngunit sa huling hiwa, natamaan niya ito sa gilid ng tiyan. 

Nang maramdaman ni Aluma ang hapdi, agad siyang napaatras at napahawak sa napuruhan. "Tsk!" Kahit na nakakaramdam na ng hapdi, nagawa niya pa ring makatayo ng maayos. Hinarap niya ang dagger at muling sumugod.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita, Supreme Being?!" may diing singhal ni Aluma habang naggigitgitan sila ni Elaine, hindi pa rin nawawala rito ang suot nitong maskara na may simubulong heart sa baraha.

"Para bawiin ang lahat!" pasigaw na sagot ni Elaine at inikot ang katawan. Nakabwelo ito at sinipa ang mukha ni Aluma.

Nasalag naman ito ni Aluma gamit ang pagharang ng kanyang bisig. Pagkatapos, hinawakan niya ang paa ni Elaine at binalibag sa sahig. Doon ay napuruhan si Elaine at napaduwal pa ng dugo.

Lumapit pa lalo si Aluma at tinapakan ang tiyan ng kalaban.

"Urgh!" reklamo ni Elaine nang madiinan ang pagkatatapak ni Aluma.

"Mababawi mo ba ang lahat? Sa kalagayan mo ngayon, hindi mo matatalo ang nakakataas!" singhal ni Aluma at lalo pang diniinan ang pagkakatapak.

Bahagyang napasigaw si Elaine dahil sa sakit ngunit nagawa niya pa ring ngumisi.

"May pagpipilian pa ba ako bilang maaasahan ng lahat?" nahihirapang sagot ni Elaine na nagpaburda ng pagtataka sa mukha ni Aluma. Ngumiti siya bago nagdagdag, "Kapag wala akong ginawa, lulubog ang Southwest Land sa kahirapan dahil sa bwiset na maling pagpapatakbo ng taong walang alam. Narito ako para bawiin ang lahat. Para matama ang balikong daanan."

"Ngunit huli ka na." Mas lalo pang diniinan ni Aluma ang pagkatatapak. Kaunti na lang, mamamatay sa pagkawala ng dugo si Elaine. "Lahat ng tao ay nawala na sa isipan nila kung sino ang totoong tinakdang mamuno. Kahit bumalik ka, wala nang susunod sa 'yo."

Ngunit hindi ito naging alintana kay Elaine. Nagawa pa niyang ngumisi na mas lalong nagpakunot sa noo ni Aluma.

"Pakealam ko?" nakangising saad ni Elaine.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon