Chapter 8

3.5K 145 10
                                    

Chapter 8: A Deranged Noble

SA ANASTASIA Kingdom, may isang malawak na bayan na matatagpuan sa pinakasentro ng lupain. Ito ay ang Tasia Capital na kung saan namamalagi ang mga royals, nobles, aristocrats, at ang lima pang mababang uri ng tao, at sila lamang ang pwedeng manirahan dito.

May siyam na klase ng estado para malaman ang pagkakakilalan-lan ng isang tao; royals, nobles, aristocrats, knights, guild, merchants, commoners, peasants, and slaves.

Ang estado ang naghuhusga kung paano ka tratuhin ng iba pang kapwa taoo. Kapag mas mababa ka sa unang limang nabanggit na estado, asahan mo na ang ituturing nila sa 'yo. May ilan namang normal ang pag-iisip at malayo ang kanilang pananaw sa diskriminasyon. Tulad na lamang na may ibang nobles na piniling manirahan kasama ang iba pang mababang uri dahil sa kanilang tungkulin. Halimbawa na lamang dito ay ang 'House of Adar' na layuning pangalagaan ang Bayan ng Dikub at Nayon ng Yalug.

Ang Tasia Capital din ang pinakasentro ng kalakalan at pamumuno sa Anastasia Kingdom. Dito rin matatagpuan ang mga sikat na royal knights at guild members na nangangalaga sa kaligtasan ng buong kaharian ngunit ang dalawa ay may malaking pagkakaiba. Ang Royal knights ay layuning maprotektahan ang palasyo at ang nasasakupan sa kaharian. Samantalang ang Guild ay isang samahan ng mga mages na sumasabak sa mga misyon na binabayaran ng kaharian. Parehas na may sahod ngunit magkaiba ang hangarin.

Kasapi si Joziah Suarez sa royal knights. Sa guild sana siya mabibilang ngunit dahil kay Diego, sapilitan siyang sumali sa royal knights. Malaki ang utang ng pamilya Suarez noon sa pamilya nila Diego dahil lumugi ang kanilang negosyong sakahan at ang nilapitan nila ay ang pamilya Ceasar. Nang makita nilang malakas si Joziah, sapilitan nila itong pinasali sa knights upang maprotektahan ang pamilya nila Diego at ito na rin ang naging kabayaran sa pagpapautang sa kanila.

Sa kasalukuyan, nasa karwahe ngayon si Joziah kasama si Jaguar at ang limang knights. Nakaposas pa rin ito na parang kriminal. Tila wala silang balak pakawalan ang binata dahil nagtatawanan lang sila. Nilagyan din nila ng tela ang bibig ng binata upang hindi makagamit ng enkantasyon.

Hindi rin nakapalag si Joziah dahil aminado siyang may pagkakasala siya. Ayaw niya ring mapahiya sa pamilyang Ceasar kapag napatumba niya si Jaguar. Kayanng-kaya niya itong gawin ngunit dahil sa hindi pa bayad na utang, hinahayaan niya na lamang ito.

"Papauwiin kita ng maaga," saad ni Jaguar na ikinalingon ni Joziah sa kanya. "Dahil nakakaistorbo na ang pamilya niyo lalo na ang maganda mong kapatid."

Lumaki ang mga mata ni Joziah sa kaniyang mga narinig. Namumuo ang konklusyong dawit ang kanyang pamilya sa pagkuha sa kanya. Lalong-lalo na si Elaine na alam niyang si Diego ang may kakagawan ng nangyari sa kapatid.

Ngumising bumaling ng tingin si Jaguar kay Joziah at nagdagdag pa ng salita, "Hindi ko akalaing mababaliw ng husto ang kapatid ko sa kapatid mo. Pero hindi ko akalaing may mas mababaliw pang tao sa kanya. Sino ba talaga ang kapatid mo?"

Napuno ng galit at pangamba ang buong katawang tao ni Joziah. Tumayo ito at nagsimulang sumugod ngunit mabilis siyang napabagsak ni Jaguar at pinahiga ito sa sahig. Malaki ding pagkahina ni Joziah na mawala ang kanyang mahika at nabalot na ng emosyon ang kanyang katawan na ang nasa isip niya na lamang ay sugurin si Jaguar.

Tumalim ang mga mata ni Joziah habang nakatingin sa kasamahang humalakhak sa kanya.

Kapag may nangyaring masama sa pamilya ko, lahat ng pamilya niyo ay hindi ko sasantuhin, pagkakausap nito sa kanyang isipan.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon