Chapter 59

1.1K 51 2
                                    

Chapter 59: Lunar Eclipse

SA KASAGSAGAN nang mahinang paglindol sa palasyo— dahil sa dalawang nilalang na may pambihirang mahika, may isang dalaga ang walang humpay na tumatakbo at hinahalughog ang bawat silid na madadananan niya. Hinihingal na ito ngunit hindi niya pa rin siya humihinto. Sa isipan niya, ang pagtakbo ng oras ay ang pagtaas ng malaking posibilidad na ang kanyang ama ay mawala.

Naibsan naman ang kanyang pagod nang madatnan niya sa pinasukan niyang silid ang ama.

"Ama!" sigaw niya at lumingon ang kanyang ama sa kanya.

"Ruby? Ikaw ba 'yan?" tanong ng ama ng dalagang si Ruby. Pagkalingon niya, nakita niya ang mahabang pulang buhok ng dalaga, mga luhang unti-unting pumapatak, at ngumiti ito dahil sa wakas, ang pagod nito ay nagkaroon ng magandang resulta.

Tatakbo sana papasok si Ruby nang may lumitaw na limang armadong lalake sa likod ng kanyang ama. Ang isa rito ay may hawak na kadena na nakakonekta sa posas ng kanyang ama.

Walang pakundangang sinugod ng apat na armadong lalake si Ruby.

Agad na tumalim ang mga mata ng dalaga at nag-enkantasyon, "Fire Creation Skill, Flame Sword!" Nilapat niya ang kanang palad sa hangin at lumitaw dito ang kulay pulang magic circle na lumabas ang umaapoy na espada. Nang mawala ang magic circle, hinawakan niya ang espada at galit na sinugod ang apat na armadong lalake.

Ang apat naman ay walang mahika ngunit may hawak na espada. Sinubukan nilang hiwain si Ruby ngunit ito ang unang humiwa sa kanilang mga espada. Nahiwa sa dalawa ang espada nila at lumiyab pa. Dahil gumapang na ang init sa metal na espada, sila'y napaso at agad na binitawan ito.

Hindi na sumugod si Ruby sa apat at dali-daling tumakbo sa kanyang ama. Tinuon niya ang masamang tingin sa lalakeng humahawak sa posas at inangat ang nagliliyab niyang espada.

Bago pa tumama sa lalake ang espada niya, inangat nito ang kanang kamay at nakangising nag-enkantasyon, "Fire Creation Skill, Flame Sword!"

Napagtanto niyang ang kaharap niya ngayon ay isa ring fire mage.

Nagkagitgitan ang dalawang nagliliyab na espada. Walang gustong umatras at nanggigigil na diniinan nila ang pwersa sa gitgitan ng kanilang mga espada. Kumawala lang si Ruby at umatras para bumuwelo. Muli siyang sumugod na agad namang nadepensahan ng kanyang karibal gamit ang espada nito.

"Tss!" Umatras si Ruby at gumilid. Binaba niya ang espada at pwersahan niya itong inangat para makakuha ng buwelo. Nginitngit niya ang kanyang ngipit at sumigaw para makakuha ng lakas sa mabigat na espada niya. "Fire Skill, Blazing Slash!" Mas lalo pang nagliyab ang apoy at ito'y tatama sa kanyang kalaban ngunit sinalag siya nito gamit ang espada.

Ngumisi ang lalake sa dalaga at binitawan ang kadena. Habang nagkikiskisan ang espada nila ni Ruby, sinipa niya ang ama nito at umatras. Hindi pa rito natatapos ang lahat dahil tinutok niya ang espada kay Ruby at sumugod ng may ngisi sa labi.

"Fire Skill, Dragon Dance," enkantasyon niya at mabilis siyang nagpapalit-palit ng pwesto.

Hindi makita ni Ruby kung saan lilitaw ang kalaban. Dahil sa sobrang bilis nito, hindi na niya ito makita ng masinsinan. Nang mawala ang kalaban na parang bula, patingin-tingin siya sa paligid at hindi ito makita. Ang hindi niya alam, nakapunta na sa kanyang likuran ang kalaban at nakaangat na ang espada para hiwain siya.

Nanlaki ang mata ni Ruby nang maramdaman ang presensya sa kanyang likuran, pagkalingon niya, huli na para gumalaw dahil nakaambang na ang espada nito papunta sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi tanggapin na ang kapalaran. Ipipikit niya na lamang ang mata para hindi makita ang mangyayaring trahedya. Ngunit ang inaasam na kamatayan ay maiiba. Isang pigura ng liyong nagliliyab ang pumasok sa silid at sinalag ang espada ng lalake papunta sa kanya.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon