Chapter 51

1.1K 51 1
                                    

Chapter 51: The Downfall of the Second

NOONG pumatak ang alas dose ng hapon, ang mga pagod na kalahok ay pinagpahinga ng isang oras bago muling sumalang sa susunod nitong laban. Sila-sila pa rin ang maglalabanan ngunit ngayon, iba na ang kahaharapin ng mga natalo sa Upper Bracket. Ang mga nanalo sa Lower Bracket ay haharapin ang mga natalo sa Upper Bracket. Sa pagkakataong ito, ang matatalo sa kanila ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon pang lumaban.

Samantala, habang nagpapahinga ang mga kalahok, nakita itong pagkakataon ni King Julyo para makausap ang emperor. Nasa magarbong silid si Lunar na nababalutan ng gintong disenyo ang kanyang paligid. Nasa upuan siya ngayon at nasa harapan niya si King Julyo. Pinagigitnaan nila ang lamesa na may nakapatong na kape para sa kanila. Humigop muna si Lunar ng kape bago humarap sa hari na nakita niyang hindi mapakali.

"Anong sadya mo rito, King Julyo?" panimula ng emperor.

Hindi sumagot ang hari. Mayamaya'y tumingin ito sa mata ni Lunar at pahampas na sinampa ang mga palad sa lamesa. Nakagugulat ang pinakita ng hari ngunit nanatiling kalmado si Lunar na hawak ang tasa na hinigupan ng kape.

"Hindi ba't masyadong malakas ang mga kalahok na may healing abilities? Kung tutuusin, mapakadaya. Sobrang daya!" singhal ni King Julyo na kaunti na lang, ilalabas na nito ang kanyang galit ngunit hindi maaari dahil isang lapastangan ang magpakita ng hindi kaaaya-aya sa harap ng emperor.

Hindi sumagot si Lunar bagkos, ngumiti pa ito habang binababa ang tasa. Ang kasamahan niya ay mabigat na ang paghinga at tila anumang oras, sasabog na ito sa kaba.

"Wala akong nakikitang mali sa pagitan ng kalahok mo sa Anastasia Kingdom," kalmadong tugon ni Lunar.

"Ngunit mahina sila! Mahina! Kumakapit lang sila sa healing ability ng isa sa kanila!" singhal ng hari at nagtiim-bagang. "Hindi sana sila mananalo kung wala ang healing ability ng isang babae sa kanila! Hindi ba't paglabag 'yon sa unang patakaran?"

"Wala akong nakikitang paglabag sa nangyari kanina." Nilapag ni Lunar ang tasa sa lamesa dahil wala na itong laman. "Kung ayan lamang ang sadya mo, makakaalis ka—"

"Hindi pwede! Hindi ako papayag sa pandarayang ginawa ni—" Napatigil si King Julyo nang pinanliitan siya ng tingin ni Lunar.

"Binigyan kita ng ilang minuto para kumalma ngunit parang ayaw mong makiramdam. King Julyo, binabalaan kita. Hindi ko na kailangan ipaliwanag sa 'yo ang binigay kong batas sa patimpalak na ito dahil dapat kayo ang umuunawa nito."

Napatulala ang hari bago umupo at yumuko sa pinakita niyang kahihiyan. "P-pasensya na po, mahal na em—"

"Ang kaharap mo ay ako, King Julyo. Kapag nagkamali ka lang bastusin ang mga batas at ang presensya ko, hindi mo magugustuhan ang kahihitnan mo," seryosong saad ni Lunar at ngumiti ngunit hindi mapapawi ang pinapakita ng mukha sa nilalabas ng kanyang awra. Tulad ni Haring Julyo, kaunti na lamang ay lalabas na ang galit na nararamdaman niya.

Umalis ang hari sa silid na kahihiyan sa dignidad ang dala-dala. Pinakita niya ang walang ka-respetuhan sa emperor dahil sa pag-iwas na matalo. Dahil ang susunod nilang kalaban ay ang Olga Kingdom na nakita niyang may healing ability din. Iniiwasan niya lang na ang katayuan niya sa iba ay hindi matapakan.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NANG matapos ang isang oras na pagpapahinga, muling bumalik ang mga kristal para mapakita ang nangyayari sa Lunar Tournament. Sumalubong sa mga manonood ang sampung kalahok na muling maglalaban para sa karangalan. Ngayon, sabay-sabay na silang magtutuos sa bawat silid na nakalaan para sa kanila.

Sa labanan ng Olga at Harold, agad silang nagpamalas ng galing. Ngunit mas umaangat ang kagalingan ng Olga sa kanilang team work dahil lahat sila'y may inaambag at walang tapon pagdating sa sagupaan.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon