Chapter 15

2.5K 95 2
                                    

Chapter 15: Journey to Olga Kingdom

MAAGANG nagising si Rai at maaga rin itong nambulabog. Kumatok siya sa silid ni Ruby ng ilang beses. Hanggang sa malakas na binuksan ni Ruby ang pinto at sinamaan ng tingin si Rai. Nakita naman ito ng binata na agad napagtantong hindi naging maganda ang gising nito.

"Ang sama naman ng umaga mo," saad ni Rai.

Sumama ang timpla ng mukha ni Ruby. "Sinong hindi sasama ang umaga sa malakas na pagkatok mo?!"

Nilampasan lang ni Ruby si Rai at siya'y napahinto nang makita ang kanilang kapitan na naglalakad papunta sa kanila.

Bumukas ang pintong katabing silid ni Rai at niluwa nito si Emmanuel. Humikab muna ito bago tumingin kay Rai.

"Magandang umaga," masayang bati ni Rai.

Mapungay ang mga mata ni Emmanuel na tumingin sa kabigan. Itinaas lamang nito ang kanyang kamay at bumaling ang tingin sa kapitan na nasa tapat na ng dalawa pa niyang kasamahan.

"Anong meron? Bakit ang aga niyo?" tanong niya.

"May misyon kami," sagot ni Rai.

"Talaga?" Agad na nagkaroon ng buhay ang mukha ni Emmanuel. "Squad mission?"

"Oo. Ikaw ba? Kailan ang sa inyo?"

Bumuntong-hininga si Emmanuel at tumugon, "Baka mag solo mission lang ako."

"Gano'n ba?" Napansin ni Rai na nanlumo ang kaibigan.

Nagsimulang maglakad si Emmanuel paalis dahil kung magtatagal pa siya't makikita ang grupo nila Rai, baka mas lalong dumiin sa kanyang isipan ang squad niyang ayaw niyang alalahanin.

"Good luck sa misyon niyo," saad niya at kumaway bago tuluyang mawala sa kanyang paningin ang grupo nila Rai.

"Parang ang lungkot niya," sambit na lang ni Rai.

"Hindi parang. Malungkot talaga," saad naman ni Ruby.

"Si Elaine na lang ang kulang," wika naman ni Alaric.

"Malayo ba ang silid ni Elaine dito? O baka may sarili na siyang tahanan dito sa kapital?" tanong ni Rai sa kapitan.

Nagsimulang maglakad si Alaric para sundan siya ng dalawa papunta kay Elaine at hindi inaasahan ng mga ito na tatapat sila sa katabing silid ni Emmanuel.

"Nandito na tayo," walang gana niyang sambit.

"Huh!?" takang tanong ni Rai.

Samantala, ang natutulog na si Elaine ay unti-unting dumilat at tumatama sa nakapikit niyang mata ang liwanag ng araw. Dahil sa bagong gising at pagod na katawan, pagtingin niya sa kisame, wala itong naging reaksyon.

Kagabi, habang siya'y natutulog, binuhat siya ni Alaric at dumaan sa bintana niya. Pagkatapos ay pinahiga ito sa kama at umalis agad. Hindi na 'yon maalala ni Elaine kaya nagtataka ito ng bahagya kung bakit kisame ang bumungad sa kanya, hindi kalangitan.

Sa kasalukuyan, nakaupo na si Elaine sa kama na may mapupungay na mata. Nakakuba ito dahil sa pagod ng katawan.

Ang hirap patulugin ang katawan ko. Iyong multo kong katawan, parang nakakulong sa kabaong, sa isip-isip niya.

Ang kaluluwang katawan ni Elaine Hidalgos ay parang taong namayapa na at ang katawan ni Elaine Suarez ay parang kabaong. Kaya kapag ipapahinga niya ang katawan nito, ang multo niyang katauhan ay parang nilibing ng buhay dahil wala siyang makita sa panagimip kung hindi'y kadiliman at napakasikip na kapaligiran.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon