Chapter 26

1.6K 73 0
                                    

Chapter 26: The Graveyard

SA PALASYO ng Anastasia Kingdom.

"Your majesty, narito na po ang inyong mga kapatid," sambit ng isang knight na taga bantay ng pintuan sa silid ng emperor. Nasa labas ang mga bagong dating na ang tungkulin niya'y sabihin sa emperor bago ito papasukin.

"Let them in," utos ni Lunar.

Bumukas ang pinto at ang mga bagong dating ay nag-aalangang humakbang papasok.

"Hindi pwedeng humarap ako kay kuya nang hindi natutugunan ang utos niya," bulong ni Penumbra at yumukom ang kanyang mga kamay.

Katabi niya sila Equinox, Meralda, Kloro, at Mikhail. Lahat sila'y takot humarap sa emperor ngunit mas pinapakita ni Penumbra ang takot sa kanila.

Nang makapasok sila sa silid, laking gulat nila nang ang likod sa dingding ng emperor ay sirang-sira at kita na ang kabuuan ng Anastasia Kingdom. Mas lalo pa silang nagulat nang makita ang emperor na punit ang damit na may bahid pa ng pagkasunog at pagkabutas.

Kahit na gano'n ang sitwasyon ng emperor, nakangiti pa rin itong hinarap ang mga bagong dating.

"Anong nangyari?" tanong ni Mikhail at pinalibot ng tingin ang paligid. Habang tumatagal, mas lalong niyang naiintindihan ang kaganapan noong sila'y wala. Ang paligid nila'y halos masira na, at ang ilang tipak ng bato sa palasyo ay may nakapaligid na yelo at itim na apoy.

Ang yelo ay hindi natutunaw. Mukhang alam ko na kung saan galing ito, sa isip-isip ni Mikhail at muling humarap sa emperor na nagsuot ng pulang cloak.

"Your majesty!" sigaw ni Haring Jozwell no'ng siya'y pumasok sa silid. Nagkatinginan ang lahat sa kaniya dahil ito'y lumuhod at yumuko sa harap ng emperor— ito'y hindi gawain ng isang hari. "Delikado po rito. May natira pa kaming maayos na silid para sa inyo."

"Okay lang ako. Narito ako para magpabatid ng huling balita bago ang Lunar Tournament." Humarap si Lunar sa sirang dingding kung saan makikita ang ibang mamamayan na patingin-tingin sa magulong paligid. "Huwag kayong mabahala sapagkat tataasan natin ang inyong depensa. Sa tulong ko, papanatilihin nating ligtas ang inyong kaharian," malakas niyang sambit na ikinatingin ng mga mamamayan sa kanya.

Ngumiti sa saya ang mga nakarinig at nagdiwang sa pagkawala ng bahala sa kanilang saloobin.

"Maraming salamat sa pagtitiwala. Hanggang sa muli. Tayo'y magiging isa sa patimpalak na magaganap pagkatapos ng dalawang buwan sa pagsibol ng Lunar Eclipse. Inaanyayahan ko kayong manood at makisaksi sa aking patimpalak at ang mananalong grupo ang siyang maglalaban-laban para makuha ang aking. . . trono."

Napasinghap sa gulat ang mga nakarinig at ang iba'y napatakip pa sa bibig. Hindi sila makapaniwala na ang dating malaking premyong salapi ay isa na ngayong trono. Maraming umalingawngaw na kwestiyon sa mga nakinig at ang tanging laman nito ay tungkol sa emperor.

"Kapag nanalo ang aking grupo, mananatili ako sa aking posisyon. Kung ang iba ang mananalo, sila'y maglalaban at ang natirang nanalo ang siyang hahamunin ako para makuha ang trono. Huwag kayong mabahala, hindi ako nagpapatalo sa sinimulan kong patimpalak," huli niyang balita bago tumalikod sa kanila. Sa pagkakatalikod, gumuhit ang malawak na ngisi sa kanyang labi na tanging mga kasamahan niya lamang ang nakakita.

"Hindi mo po ba lalawakan ang paghahanap kay Alaric sa buong Sounth-West Land, sa mapangahas na paglaban sa inyo, your majesty?" mahinang tanong ni Haring Jozwell na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

Si Alaric pala ang may gawa nito, pagkakausap ni Mikhail sa isipan niya at pinanliitan ng tingin si Lunar.

"Bakit naman?" tugon ni Lunar.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon