Chapter 30

1.6K 62 2
                                    

Chapter 30: Bonfire

DUMAAN ang dalawa pang oras sa pagsasanay na ginagawa ng batang si Zyaniah. Nanatili itong nakahiga sa lupa habang naka-relax ang kanyang kamay at paa. Ang tatlong enerhiyang nagrarambulan sa kanyang katawan—anti-magic barrier, mana, and spiritual body —ay naging pantay ang paghahati ng kanilang kapangyarihan sa dalaga. Kailangan niya lang panitilihin ang ganitong kaginhawaan hanggang sa mismong katawan na niya ang kusang magpapagaan nito.

Kung sa pisikal na pananaw, siya'y kalmado ngunit sa mentalidad, malalim ang kanyang iniisip at isa na rito ang kanyang pamilyang naiwan. Ngayon niya lang din ito naisip dahil abala siya sa mga nangyari sa kanya.

Kumusta na kaya sila? Mukhang pag-uwi ko, babatukan na naman akong muli ni Esang. Eh si Kuya Joziah? Kumusta na kaya siya? Si Jacobe? At sila ina't ama? Kumusta na rin kaya si Captain Alaric? Hinahanap niya na rin ba ako? Sila Rai at Ruby? Alam na rin ba nila ang pagkatao ko? Hindi ko na pala iintindihin si Lord Emmanuel. Nakita ko na siya. . . ngunit bakit siya malungkot?

Nasa gilid niya lamang si Pinunong Sol na nakatingin sa kanya. Nakangiti ito dahil ramdam niya sa kanyang magic sense na walang labis o walang kulang sa tatlong energy power sa loob ng katawan nito. Mas lalong naging sensitibo ang magic sense niya at pinapasalamat niya iyon sa matanda.

"Tumayo ka na riyan, lagpas ka na sa pinag-usapan nating oras."

Dumilat ang bata at dali-daling umupo. Bahagyang nagulat ang matanda dahil stable pa rin ang tatlong energy power nito, hindi tulad kanina na namimilipit siya sa sakit kapag ito'y na distract.

"Ilang oras na akong nakahiga?" tanong ni Zyaniah.

"Dalawang oras."

"Bakit hindi mo agad ako sinuway?!"

"Bakit naman?"

Napatingin ang bata sa kanyang mga kamay. "Gusto ko sanang masubukan ang iba pang mahika. Pakiramdam ko, kaya ko ng magamit ito nang walang kahirap-hirap."

Napabukas sara ang kanyang mga kamay bago tumingin sa matanda. May kamalayan siya sa kanyang talento. Hindi sa pagmamayabang, mabilis siyang matuto.

"Bakit hindi mo subukan?" nakangiting saad ng matanda.

Tumayo si Zyaniah at humarap kay Pinunong Sol. Tinapat niya ang kanyang kanang kamay dito at nag-imagine ng isang apoy. Kumuha ito ng lakas para ilabas ang mahika ngunit hindi ito gumana. Naguguluhan siya dahil tama naman ang ginawa niya.

"Anong nangyari?!" takang tanong ni Zynaiah at tiningnan ang kamay. Inulit niya itong muli ngunit siya'y nabigo. Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya ito'y napaupo sa lupa. "A-anong nangyari. . ."

"Dahil pinapawalang bisa ng anti-magic barrier ang paglabas ng mana mo. Hinaharangan at pinapalaho niya ito kaya walang nalilikhang mahika," paliwanag ng matanda habang siya'y naglalakad papunta sa bata at huminto lang nang malapit na siya rito. "Kaya ang pagsasanay ay hindi pa rito natatapos."

"Ngunit kailangan ko nang umalis bukas," nakakunot-noong saad ni Zyaniah. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit siya nagmamadaling matuto sa lahat, gusto niya nang makapiling ang pamilyang pinagkait sa kanya noon ng tadhana.

"May plano ka ba talagang umalis?"

"Oo," mabilis nitong sagot.

Sumeryoso ang tingin ng matanda sa bata. "Mamili ka. Aalis ka nang hindi nakakagamit ng magic o aalis ka na tatanggalin ko ang barrier? Sa dalawang pagpipilian, walang makakabuti sa—"

"Bakit niyo ba ako laging pinapapili?"

Napaatras ng kaunti si Pinunong Sol nang makita ang seryosong mukha ng bata at matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon