Chapter 35

1.5K 68 6
                                    

Chapter 35: Good Separation

NAPAGPASYAHAN ng tatlong pinunong sila Alaric, Haruna, at Pinunong Sol ang magiging plano nila sa darating na Lunar Tournament. Napapayag naman nila ang kapitan na manatili ang dalaga sa puder ng matanda nang mahigit isang buwan. Sa buwan na rin 'yon ay walang komunikasyon na magaganap sapagkat iniiwasan nila ang kapangyarihan ni Meralda. Maaari naman gawin ni Pinunong Sol ang ilusyon ngunit mas magpopokus siya sa dalaga.

"Pagkatapos ng mahigit tatlumpung araw ay magkikita tayo sa kabilugan ng buwan. Doon din malalaman ni Meralda ang katauhan ni Supreme Elaine. Hindi natin iyon maiiwasan ngunit matatago natin ang abilidad niya. Ang alam lang nila ay ang wind magic nito kaya ang iba pa niyang matutunan ay magiging alas. Hindi matutunton ni Meralda si Supreme Elaine dahil sa anti-magic barrier nito ngunit siya'y matutunton kapag dumikit sa grupo niyo," paliwanag ni Pinunong Sol at tinuro sila Captain Alaric. "Kaya mag-iingat kayo sa mga galaw niyo dahil nababasa kayo ni Meralda."

"Paano naman namin maiiwasan 'yon?" tanong ng kapitan.

"Kapag bumalik sa inyo si Supreme Elaine ang siyang balik ko rin. Tutungo kami sa palasyo ng Olga Kingdom at lalagyan ito ng anti-magic barrier."

"Hindi ba pwedeng ngayon mo na 'yan gawin?" tanong naman ni Haruna.

Nakapikit na bumuntonghininga ang matanda. "Kapag hindi na kayo namatahan ni Meralda, magtataka iyon at pipiliting pumunta sa palasyo niyo para malaman ang gagawin niyo. Mas mabuting narito ang Supreme Spirit para walang makaalam. Saka lang kami pupunta ro'n kapag alam kong may laban na si Supreme Elaine, na kahit pa hulihin nila ito, hindi na nila mapapantayan ang lakas niya."

"Gusto kong makita 'yan," nakangising saad ni Alaric, "Dalhin mo siyang handa sa 'kin at malakas dahil hindi ko sasantuhin si Elaine sa gagawin kong pagsasanay sa kanya."

"Maawa naman kayo oh," nakabusangot na saad ni Elaine. Kanina pa kasi sila nag-uusap ng pagsasanay na siya naman ang mabubugbog.

Limang minuto bago bumalik ang iba sa Olga Kingdom. . .

"Saglit ka lang naming nakita," malungkot na saad ni Rai, "Buwag na naman agad ang Winter Squad. Pero okay lang, at least gising na ang bubwisit ng buhay ko."

"Anong sinabi mo?" iritang saad ni Ruby.

Mahina na lang natawa si Elaine. Nasanay na kasi ito noon na laging nagbabangayan sa harapan niya.

Natigil lang ang dalawa nang paalalahanan sila ni Alaric na apat na minuto na lang bago sila umalis.

"Habang wala ka, magsasanay kami. Kailangan nating maghanda sa tournament," saad ni Rai.

"Gano'n din ako," sambit naman ni Ruby.

"Tatandaan ko 'yan," nakangiting tugon ni Elaine.

Muli siyang niyakap ni Ruby at humiwalay.

Pumagitna sa kanila si Alaric at humarap sa kanya.

"Ayoko na namang matatagpuan kang walang malay. Magpalakas ka at kung hindi, magmumukha kang mahina sa nasasakupan mo. Sasali tayo sa tournament para patunayang ikaw ang karapat-dapat na emperor at hindi si Lunar," paliwanag nito at maikling ngumiti. "At mag-iingat ka rin."

"Hindi na mangyayari 'yon. Kayo rin, mag-iingat kayo."

Humiwalay na ang grupo nila Alaric sa kanila at humawak sila sa balikat ni Karlo.

"Pakibantay si Supreme Elaine," saad ni Haruna kay Pinunong Sol. Lumapit pa ito lalo para bumulong, "Pabantay din ang Guardian ng Spirit Woodland."

"Makakaasa ka, Princess Harun, The Guardian of Sonja Forest," nakayukong saad ni Pinunong Sol.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon