Chapter 12

2.8K 114 4
                                    

Chapter 12: Winter Squad

NOONG sumapit ang alas syete ng gabi, pumunta si Elaine sa cafeteria ng guild hall na maaari ring tambayan. Libre ang mga pagkain dito dahil binabayaran ang mga tindera ng buwis na kinukuha ng mga myembro sa kanilang natapos na misyon. Iilan lamang ang kumakain ngayon at ang iba naman ay natutulog. Kumuha lang si Elaine ng tinapay at maiinom kahit hindi pa siya nagugutom. Hindi siya nakakaramdam ng gutom, sadyang gusto niya lang kumain upang mapaghandaan ang pagsasanay sa sinasabi ni Alaric na training hall.

Kinagat ni Elaine ang tinapay habang iniisip ang mga katagang, nasaan na kaya si Captain Alaric?

Habang siya'y kumakain, naririnig niya ang bulungan sa katabing lamesa. Sumulyap siya rito at nakita ang dalawang lalakeng kumakain.

"Alam mo bang may bagong myembro si Captain Alaric?"

"Talaga? Bago 'yan ha!"

"Oo at tatlo ang nakuha niya." Lumapit pa ito sa kanyang kasama, "Iyong isa ay may apelyidong Hidalgos."

Halos mabulunan si Elaine sa kanyang narinig. Buti na lang, agad siyang uminom ng tubig at nakahinga ng maluwag.

Akala ko ba kaming tatlo lang ang nakakaalam na Hidalgos ako? Kinalat agad nila!

Yumukom ang kanyang mga kamay habang iniisip ang magiging bunga, ito ang mapahamak siya at ang kanyang pamilya.

Agad siyang tumayo at hinanap si Captain Alaric sa buong guild hall, ngunit nabigo ito. Dumiretso na lamang siya sa training hall at nadatnan ang mga myembro na nagsasanay ng kanilang mahika. Nawala ang kanyang galit dahil sa pagkamangha ng binibitawang mga mahika; may gumagamit ng hangin, apoy, bato, at iba pang tungkol sa kalikasan. Pumasok siya rito at nilibot ng tingin ang kabuuang malawakang silid. Lahat ng narito ay abala sa kanilang pagsasanay, may solo or duo, may maramihan, at ang iba naman ay nakatambay lang. Ang ibang mga mage ay may hawak na magic tools tulad ng wands at staffs. Ang iba naman ay lumilikha ng mahika sa kanilang mga kamay o hindi kaya sa paa upang makalipad.

Nakatitig lamang si Elaine sa mga mages habang naglalakad. Hindi naman bago sa kanya ito ngunit kung ikukumpara sa nakaraan niyang buhay, ibang-iba at puno ng pantasya. Hindi na pala ito masasabing pantasya dahil aktuwal na nakikita niya ang mga mahika.

Tuloy-tuloy lang siyang naglakad na hindi tinitingnan ang dinaraanan. Hanggang sa may nakabanggasiya na dahilan nang pagbagsak at pagkaupo niya sa sahig. Umangat siya ng tingin na may galit dahil sa sakit ng pagkakabagsak.

"Ano ba naman 'ya—" Napatigil si Elaine sa kanyang reklamo nang makita ang nakabangga. Parehas silang namilog ang mata dahil sa gulat.

"Lord Emmanuel?" - Elaine.

"Elaine?!" - Emmanuel.

Napakurap-kurap pa si Emmanuel, samantalang si Elaine ay tiningnan ang dalawa pang kasamahan ng binata sa bandang likuran nito at nagtatakang nakatingin sa kanya.

Bago pa makatayo si Elaine ay may nag-abot sa kanyang dalawang kamay. Nakita niyang ang isang kamay ay kay Emmanuel habang ang isa naman ay kay. . .

"Captain Alaric?" bulalas ni Elaine.

Nagkatinginan sila Emmanuel at Alaric bago tumingin sa dalaga.

Hindi alam ni Elaine kung kaninong kamay ang aabutin niya kaya tumayo na lamang siya ng mag-isa. Pinagpag niya ang kanyang pang-upo bago humarap sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito, Elaine?" tanong ni Emmanuel.

"Kilala mo?" tanong ng binatang kasama ni Emmanuel na si Rai.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon