Chapter 47

1.1K 54 0
                                    

Chapter 47: Exhibition

NOONG matapos ang pagpupulong, inanyayahan sila sa isang silid para sa munting salo-salo bago ang magaganap na exhibition. May kanya-kanyang lamesa't upuan ang bawat pinuno upang maiwasan ang pagkakatalo-talo. Tahimik lamang ang bawat mga hari't reyna ngunit ang ilan sa mga kalahok ay masayang nag-uusap at isa na rito ang kwelang si Asher na mula sa Star-Dust Kingdom. Hindi matatangging may hitsura ito ngunit bagay lamang ito sa pangmukhang pampubliko.

Kausap niya ngayon ang dalawang dalagang kalahok ni Reyna Barbara na hindi siya pinapansin.

"Napakaganda niyo naman! Maaari ko ba kayong maaya ngayon sa balkonahe par—" Hindi na natapos ang kanyang sasabihin nang sinamaan siya nito ng mga tingin. Kusa na siyang lumayo at napagawi kay Elaine dahil sa ganda ng puting buhok nito.

"Hi gand—" Muli siyang naputol nang hinugot siya ng kasamahan niyang kalahok. Tinangay siya nito papunta sa kanilang lamesa at pwersahang pinaupo. Napabuntong hininga na lamang ang kanilang hari na si Cleorio at yumuko-yuko sa ibang pinuno na naabala nito.

Si Elaine naman ay nakatuon ang atensyon sa kanyang Kuya Joziah. Dahil sa suot niyang maskara, walang sino man ang nakapansin sa kanya.

Ngumiti ang dalaga nang makitang mahinang tumawa ang kanyang kapatid ngunit napawi agad ito nang mapatong ni Joziah ang mga kamay nito sa lamesa. Kapansin-pansin ang suot nitong metal na pulseras na nagpabagabag sa isipan ni Elaine.

Humigop muna siya ng tsaa bago bumaling sa katabi niyang si Captain Alaric.

"May problema ba?" tanong nito sa kanya.

Sumulyap ang dalaga sa pulso ni Joziah. Ginaya siya ng kapitan bago tumingin kay Princess Haruna.

"Alam mo ba ang tungkol sa pulseras na iyon?" tanong ni Elaine sa guardian.

"Hindi ko alam," mabilis na sagot nito, "Ngayon ko lamang nakita ang pulseras na iyon. Bakit mo natanong?"

Huminga muna ng malalim si Elaine bago tumugon, "Si Joziah ay kapatid ko at ang pulseras niya sa magkabilaang pulso ay mayroon din ang iba kong pamilya."

Ang dalawang nakikinig sa kanya ay tumalim ang tingin at atensyon. Parehas na nagtataka at kalkulasyon.

"Ibig sabihin, may kakaiba sa pulseras na iyon," dugtong ni Captain Alaric.

Tumango ang dalaga bilang tugon.

"Hawak ni Emperor Lunar ang pamilya mo at sigurado akong isa iyong patibong para mahuli ka nila. Ang pulseras na iyon ay kahina-hinala at isa lamang ang nasa isip ko, mapanganib iyon," paliwanag ng prinsesa nang pabulong.

"Sa ngayon, kailangan natin malaman kung ano ang pulseras na 'yon. Kailangan muna nating makisama rito at iwasang gumawa ng eksena," saad naman ni Captain Alaric at sila'y tumango bilang tugon.

Pinanatili nila ang tindig at katahimikan habang nakamasid sa paligid. Napuno ng usapan ang paligid sa kani-kanilang agenda. Hanggang sa natapos ang salo-salo at umalis sila ng silid. May sampung minuto pa sila bago ang magaganap na exhibition ngunit sa kalagayan ng mga taga Olga Kingdom, kailangan nilang harapin ang obserbasyon batay sa batas ng pagkakaroon ng maskara sa patimpalak.

Sila'y tumungo sa silid at pagpasok nila, si Emperor Lunar ang sumalubong sa kanila. Nakaupo ito sa isang magarbong upuan, nakapahalumbaba, at ngumisi nang makita sila.

"Maligayang muli ako sa pagsali niyo sa aking patimpalak. Maaari ko ng maobserba ang totoo niyong katuhan. Upang maiwasan ang pagdoble ng pagsali ng isang kalahok sa iba pang grupo. Tama ba ako, Princess Haruna o kilala sa tawag na Guardian Sonja."

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon