Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.
Enjoy reading.
...
Ako lang
"Primm, manonood ka sa practice ng varsity mamaya?" tanong sa akin ni Carol.
"Yes. Why?"
Ngumiti siya. "Wala lang. Alam ko lang talaga na manonood ka dahil nandoon si Villegas."
Napailing ako saka mahinang natawa. "You're still at that, huh? How many times do I have to tell you na hindi ko nga boyfriend si Villegas. We're just different individuals na ginagawa ang mga bagay na dapat gawin."
"Sus! Walang maniniwala sayo. May freshman na nakakakita sa inyong dalawa na sobrang sweet doon sa labas ng gym. Kalat na kalat na oy!" tudyo niya.
I pursed my lips. "I know. Sobrang kalat na nga. Hindi naman 'yon totoo." May totoo ng kunti.
She laughed. Hinampas niya ang braso ko kaya napaigik ako. "Ikaw talaga! Masekreto ka! Wala kang maitatago sa mga tao ng paaralang 'to, Primm! Mga marites ang mga tao rito!"
I sighed. "Well, dahil sa sobrang ka-marites-san nila, sumobra na ang story. Hindi naman totoo."
Napailing siya. May ngisi pa rin sa mukha. "Ikaw. Basta kami, alam naming kayo ni Villegas. Una na ako sa gym. Sunod ka na lang. Babosh!"
Tipid akong ngumiti. "Sige. Take care."
Nang mawala siya sa paningin ko ay bumaba ang tingin ko sa braso kong hinampas niya. I could still feel the sting of her slap on my skin. And I could clearly see how red my skin is.
I sighed. I craned my neck twice as I arranged my things inside my locker. Plano kong manood mamaya ng practice. Palagi naman akong ganoon, eh. Lahat ng activities sa school pinapanood ko. As a President of the school council, I think it is just necessary for me to have my eyes on every activities.
"Hi, Villegas!"
"Oyy! Villegas!"
Hindi ko napigilang lumingon sa mga taong halatang nag-aasaran. My brows raised when I didn't see Villegas. Luminga-linga pa ako sa paligid para tingnan kung nandoon nga ba si Villegas pero wala.
But then I stopped when I noticed that their eyes are on me. Their eyes are full of teasing and taunting towards me.
I sighed. Naiiling na muli ko na lang na hinarap ang locker ko, but then they continued.
"Snob naman nitong si Villegas! Porque parehas silang sikat ng jowa niya!" ani ng boses ng lalaki.
I truly dislikes it whenever people calls me snob. Kasi hindi naman ako ganoon. In fact, I am always the one who approached them in any way that I can.
Huminga ako ng malalim saka isinara ang pinto ng locker bago ko hinanda ang ngiti ko. Then I look at where they're standing.
"Villegas who?" May ngisi kong sagot sa kanila saka humalukipkip.
Agad silang nagtawanan. Nag-high-five pa sila habang ang lalaki ng mga boses.
"Oy! Sino daw si Villegas?" tawa ng isa.
Tiningnan nila ako. "Sa dami ng manliligaw mo, Corpuz, si Villegas talaga ang sinagot mo? Bakit?" Mapanuyang tanong ng isa.
Tumawa ang isa pa. Tatlo silang lalaki at ang lalakas pa ng boses.
"Oo nga naman, Corpuz! Ang daming nanligaw sayo na matatalino at 'di hamak na mas mabait kaysa diyan kay Villegas pero si Villegas ang sinagot mo. Bakit? Anong nakita mo sa kanya?" ngisi ng isa.
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
RomanceCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas