Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.
Here's my wattpad second account: @thorn_heartu
...
Warning: Slight matured content.
Sayo lang
"Nanay Dina, can you teach me how to cook?" I asked one of our housemaid.
She's a great cook. Kahit madalas si Mommy ang nagluluto para sa amin, may mga times na siya ang nagluluto kapag walang time si Mom. And I definitely love her cooking. Sobrang sarap at sobrang galing.
She smiled at me. Nagpupunas siya ng mahaba naming mesa sa kusina. Kakatapos lang naming kumain at heto ako't iniistorbo siya.
"Bakit bigla-bigla yata ang pagtatanong mo tungkol diyan, 'nak?" aniya.
I pursed my lips. Because I want to cook something for Simour. Yeah, I know. It's so unreasonable to disturb her from her work just so I could cook for someone.
"Kasi... I want to cook for someone. You know... uhm... my boyfriend," wika ko sabay ngiti ng maiksi.
Agad na namula ang mga pisngi ko sa sinabi. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya, eh, alam naman nila na talagang may boyfriend na ako. Kahit sina Mom at Dad alam na.
I am so lucky to have someone like them who still supported me with my decisions. Kung iba lang siguro iyon ay baka pinagalitan na ako at pinahiya.
They trusted me too much that I don't want to disappoint them.
Malawak na ngumiti si Nanay Dina sa akin. May kaunting pang-aasar sa mga labi niya na mas lalo ko pa'ng kinapula. Hindi ko talaga mapigilang mahiya kapag inaasar nila ako.
"Hmm... nagdadalaga ka na talaga. Marunong ka nang gumawa ng mga bagay na bago sayo para sa isang lalaki," aniya.
"'Nay naman! Ngayon lang naman ito. And I also want to learn! Kasi college na ako but still hindi pa rin ako marunong magluto! Babae pa naman ako. It's such a shame."
Napailing siya saka mahinang natawa. Inilagay niya sa lagayan ng maduduming pamunas ang ginamit niyang pamunas sa mesa. She then faced me and smiled.
"Alam mo, Primmly hija. Hindi porque babae ka ay responsibilidad mo na ang pagluluto at ang mga gawaing bahay," aniya. "Sa makabagong panahon, sa panahon ninyo, sa panahong ito, hindi na nananatili sa bahay ang mga babae. Sila na ang nasa opisina at nagtatrabaho para sa pamilya. Sila na ang kumikita para sa pamilya. Kaya nang gawin ng mga babae ang nagagawa ng mga lalaki." She softly caressed my cheek. "Kaya ikaw, huwag kang mabahala kung hindi mo kayang magluto. Dahil iba ka sa mga babaeng marunong magluto. Kung sila kaya nilang gawin lahat ng gawain bahay, ikaw naman kaya mong gawin ang mga gawaing pang-opisina, pang-kompanya, pang-negosyo at iba pa. May iba-ibang kalakasan ang mga babae. At ikaw, iyon ang lakas mo."
Napangiti ako sinabi niya. Sa edad niya, akala ko isa rin siya sa mga naniniwalang ang babae ay dapat marunong sa gawaing bahay. I am so happy knowing that she has an innovative mind.
"Thank you po, Nanay," I said softly, "But I really want to cook for Simour. Kahit matikman niya man lang ang luto ko."
Napailing siya. "Itong nobyo mo ba ay tinutulak kang magluto para sa kanya, ha? Kasi sinasabi ko sayo, hiwalayan mo iyan. Kapag ang lalaki pinapagawa ka ng bagay na hindi mo kaya, hindi tunay ang nararamdaman niyan para sayo. Ang lalaking tunay ang nararamdaman sa isang babae ay kayang tanggapin ang kung anong kaya mo at kung ano ang hindi mo kaya."
Napangiti ako. Ang dami ko talagang natutunan sa kaniya. Sa kanila na mga housemaids namin.
"Hindi po, 'Nay. Ako lang po talaga ang may gustong magluto para sa kanya," sabi ko.
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
RomanceCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas