Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thanks.
Wattpad Second Account: @thorn_heartu.
Enjoy reading.
...
Birthday Celebration
"Happy birthday, Primm!" Bati sa akin ni Kobe nang lumabas ako sa apartment namin.
Nasa labas siya ng pinto at nakaabang sa akin. Nakasabit sa leeg niya ang camera at sa kamay niya ay mga cupcakes na nakalagay sa isang box.
"For you," aniya saka inilahad sa akin ang cupcakes.
Napangiti ako. Napatakip ako sa bibig ko sa pagkamangha at gulat.
"H-How did you know that today's my birthday?" Gulat kong tanong ko.
Tipid siyang ngumiti. "Nakalimutan mo ba? Sinabi mo sa akin noon. Matagal-tagal na rin iyon. Ilang buwan na rin iyon, eh."
Hindi ko mapigilang matuwa. Tinanggap ko ang cupcakes na bitbit niya. "Thank you, Kobe. I appreciate this a lot. This means a lot to me. K-Kasi you're the very first person who greeted me today."
I can't help but feel sad. I was very excited yesterday knowing that today's my birthday. But unfortunately, I got disappointed when Simour did not even greeted me the moment he woke up.
Kahit noong hinahanda ko ang breakfast niya ay hinihintay ko siyang batiin ako pero hindi ginawa. It's as if he forgot what date today is.
Though, I understand him. He was too busy from school and work. Hindi ko siya masisisi na nakalimutan niya.
Kumunot ang noo ni Kobe. "Hindi ka ba binati ng asawa mo?"
I smiled sadly and shook my head. "Nope."
"At bakit hindi?" aniya.
I shrugged. "He must have forgotten that today's my birthday. Naiintindihan ko naman siya. He's busy, that's why."
I caressed my stomach softly. It's already six months. Ang bilis ng panahon. Mas lalo na itong malaki ngayon.
Kobe sighed. "Don't be sad. For sure ay maaalala niya na birthday mo ngayon. Come on, I'll just take a picture of you. Smile, okay?"
Tipid ko siyang nginitian. "Baka fake ang labas ng smile ko, Kobe. Kasi wala ako sa mood today."
Mahina siyang natawa. "Oh, ano naman ngayon? Having mood swings is normal. Kung makukuha iyon sa camera, hindi mo na iyon problema."
I smiled. "Alright then. Hahawakan ko ba itong cupcakes na binili mo? This is pretty! Nakakain ba itong mga tila diamond sprinkles?" tanong ko habang sinusuri ang cupcakes.
Mahina siyang natawa. "Nakakain, syempre. Alangan namang pakainin kita ng hindi pwedeng kainin. Ikasama mo pa at ng baby."
I chuckled. "Alright then. Sige na, take a picture of me. Remembrance ko na rin sayo ito."
"Alright, alright."
Agad niyang tinutok sa akin ang camera. I smiled as genuine as possible.
Agad namang natapos ang pangunguha niya ng pictures. Pinakita niya ito sa akin. At in fairness, hindi halatang wala ako sa mood doon.
"Libre kita, tara," yaya niya sa akin.
My brows raised. "What? Really? Saan mo naman ako ililibre?"
"Ewan ko sayo. Saan mo ba gusto?" tanong niya. "Hindi naman siguro magagalit ang asawa mo kung ilibre kita, 'no? Birthday mo naman tsaka healthy naman ang mga ipapakain ko sayo."
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
RomanceCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas