Like/Follow my Facebook page: @Thorned_heartu. Thank you and enjoy reading, people!
…
Pagkukulang
“Hey, Shaina. Ikaw na muna ang magbantay rito, okay? Aalis muna ako,” paalam ko sa empleyado kong nagbabantay sa counter ng café ko.
She nodded and smiled. “Sige po, Ma’am. Saan po ba ang punta ninyo?”
“I’m going home. Ilalabas ko si Precy later, eh. Ikaw na lang din ang magclose ng cafe, ha?” wika ko.
She nodded. “Sige po, Ma’am. Ingat po.”
I nodded. I then picked up my hand bag and carried it as I went out of the café. I went inside my car, started the engine and drove towards our house.
It’s been a year and Precy grew up too fast. She’s already one year old and her father is so fond of her that sometimes he would bring her to his office to show Evs that he has a daughter.
Madalas talaga ay nag-iinisan silang dalawa sa katotohanang wala pa ring anak si Evs at naunahan niya ito kahit pa mas nauna itong nag-asawa. Hinahayaan ko na lang din siya na dalhin si Precy dahil iyon naman ang kasiyahan niya. Besides, I noticed how he would act matured whenever Precy is with him.
Kanina lang ay tinawagan niya ako. He’s asking if we could visit him to his office during lunch. Who am I to say ‘no’? So, I told him we’re coming.
Nang makarating sa bahay ay agad kong hinanap si Nanay Ernesta. She’s the one taking care of baby Precy while I and Simour are away.
“Nanay? Nanay, are you there? Where’s my baby?” tanong ko.
“Andito ako sa garden, hija. Kakatapos ko lang kasi bihisan dahil napuno ang diaper niya. Gusto kasing maglaro rito sa labas kaya hinayaan ko na,” rinig kong sabi ni Nanay mula sa garden.
My lips then lifted into a smile as I walked towards the garden. I then saw my baby and Nanay Ernesta there, lying on the picnic blanket with pillows surrounding it.
“Hey, baby!” tawag ko rito.
Agad itong lumingon sa akin. She then cooed and lifted her arms as she excitedly crawled to my direction. Natatawang naglakad ako palapit sa kanya para salubungin siya. Agad ko siyang binuhat ng makalapit ako saka pinaghahalikan.
“Miss me, baby? You miss Mommy?” Nanggigigil kong tanong sa kanya.
She giggled and wrapped her cute and small arms on my neck as she went near to me and kissed my cheek. I giggled and kisses her chubby cheeks back.
“Alright. Bihisan na kita, okay? We’ll go to your father,” wika ko.
“Aalis kayo, hija?” tanong ni Nanay Ernesta.
Tumango ako. “Yes po. We’re going to Simour’s office because he asked me to. Bihisan na po natin si baby.”
“Hindi ba kayo manananghalian muna?” tanong niya habang nakasunod sa akin.
Umiling ako. “Hindi na po. We’re going to eat inside Simour’s office na lang. Sure naman akong naghanda na siya ng foods doon.”
Tumango siya. “Oh, siya, sige. Tara na at nang mabihisan na natin iyang maliit na dalaga.”
Baby Precy cooed as if she knew that we’re both talking about her. She’s adorably kissing my cheeks again and again as she kept on giggling.
Agad kaming umakyat sa kwarto. “Pakihawak po muna siya, Nay,” saad ko.
Agad naman siyang binuhat ni Nanay Ernesta. She giggled as she started kissing Nanay’s cheek as well. Napailing na lang ako saka mahinang natawa.
I then went inside of the walk-in-closet. Naghanap ako ng pwede niyang isuot. I made sure na parehas kami ng kulay ng damit na isusuot.
Nang matapos ay bumalik ako sa kanila tapos ay binihisan namin siya. She was giggling while we were changing her clothes. It’s as if she knew that we’re going for a ride and that we’re going to visit her father.
Siguro ay nasanay na rin siya na madalas umaalis ng bahay. Dahil sa palagi siyang sinasama ni Simour, mas natutuwa na rin siya sa tuwing nasa labas kami.
“Alright, let’s go,” wika ko nang matapos siya.
I carried her on my arms and then made her face Nanay Ernesta. “Say bye-bye to Nanay.”
Agad naman siyang nag-wave kay Nanay na kinatawa ko. Gigil na hinalikan ko ang pisngi niya.
“Mauna na po kami, Nay. Kumain na lang po kayo, ah,” wika ko.
Tumango siya. “Sige. Ingat kayo sa biyahe.”
Agad kaming sumakay sa kotse. Sa lap ko pinaupo si baby Precy just to make sure. I then started the engine and then drove towards Simour’s office.
Nang makarating kami ay muli kong binuhat si baby. We entered the building and walked towards the long hallway. Binabati kami ng mga nakakakilala sa aming mga empleyado.
Nang makarating kami sa location ng office ni Evs ay natagpuan ko siyang tila ba problemado. I knocked on his still opened door and smiled.
“Hey,” wika ko.
Napaangat ang tingin niya sa akin. Agad siyang ngumiti saka bumaling ang tingin kay baby Precy.
“Hey, Primm. Hey, baby! Nandito ka na naman! Naglalakwatsa. Mana ka talaga sa tatay mo,” aniya saka lumapit sa amin.
Kinuha niya sa akin si baby saka binuhat. Pinaghahalikan niya ito at tawa naman nang tawa si baby.
“Lagi ka na lang naglalakwatsa, ha. Nasasanay ka na,” wika ni Evs.
I chuckled. “Have you seen, Simour? Nasa office ba siya?” tanong ko.
He nodded. “Oo. Bakit? Sabay kayong magla-lunch?” tanong niya.
Tumango ako. “Oo, eh. He called me awhile ago na he wants us to have lunch together.”
Tumango siya. “Edi, sana all, sabay nagla-lunch.”
Mahina akong natawa. “Talk to Harriet na kasi para magkaayos na kayo. Stop being a pussy.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa akin. “Bad word ka, Primm! Nakikinig ang bata!”
Inirapan ko siya. “Whatever. Akin na si baby. We’ll go na.”
Bahagya siyang ngumuso saka muling hinalikan ang pisngi ni baby bago niya ito binigay sa akin. “Kapag lumaki ka, baby, palagi kang maglakwatsa, ha? Pasakitin mo ulo ni tatay mo.”
Napailing ako saka mahinang natawa. “She’s not going to be like that!”
Umismid siya. “Kung sa bagay. Mukhang nagmana iyang batang iyan sayo, eh. Tsaka, mas mabuti na rin na magmana sayo para ma-stress si Sim kasi hindi nagmana sa kanya.”
Napailing ako. “We’ll get going na. Bye, Evs.”
Tumango siya. “Sige, ingat. Bye, baby!”
I smiled and then walked in the hallway towards his office. I knocked thrice on the door before I went inside.
“Hey, Simour—”
But I stopped when I realized that it wasn’t Simour who is sitting on the swivel chair. It’s a woman. And it’s not simply just a woman, it’s someone I knew from the past.
Kumunot ang noo ko. Even after seeing us enter the office, she didn’t even bothered standing up. Naupo lang siya doon at may munting ngisi sa labi habang nakatingin sa amin.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
My eyes roamed around the area to see if Simour is around but he wasn’t .
She raised her brows at me. “Eh, ikaw, what are you doing here?”
I scoffed. “Excuse me, Miss? But I am the wife here. It gives me all the right to be here in this particular location. Now, may I ask you why you’re her?”
Mahina siyang tumawa saka dumekwatro. “Ano pa ba ang ginagawa ng isang babae sa opisina ng lalaking kasado na?”
Kumunot ang noo ko. I could literally feel my face and head burning and my ears smoking but I tried to control it since I’m carrying Precy. I don’t want her to see me create a scandalous action.
“Naghahabol?” saad ko.
She smirked. “Pinupunan ang pagkukulang ng isang asawa. Paano ba naman kasi, mukhang hindi makontento si Sim sayo. Maybe, you were still the nagger girl that I knew. Kaya siguro, napapagod talaga si Sim sayo.”
I glared at her. Who would forget this woman? I know the very first time I saw her that she’s really secretly lusting on my husband. She may be a genius woman who knew every mathematic equation and formula, or she may be able to memorize the periodic table but unfortunately she couldn’t see her worth as a woman.
“Be thankful that I am carrying my daughter,” kalmado kong sabi. “Kasi kung hindi, I could have thrown you out of the building without using stairs.”
She smirked. “Kung ako sayo, hindi mo iyan gagawin. Kasi doon mo lang malalaman kung gaano ako kahalaga sa buhay ng asawa mo.”
I chuckled. “You know, Miss Whoever-you-are. I have known you for being a smartass woman who had been into brainstorming competitions plus a Cum Laude. But I was wondering why you can’t be smart enough to see your worth as a woman?”
Biglang nawala ang ngiti niya. Hindi siya nakapagsalita. Nginisihan ko siya.
“Maybe, I am lucky enough. I have the brain, the beauty, the money and the Simour Jeff Villegas that every woman wanted to have. Hindi ko pinagyayabang ang mga bagay na iyan sa kahit kanino, but I think I have to slap that on you,” saad ko.
“Hindi ko kailangang mainggit sayo dahil ako naman ang nagpapaligaya sa asawa mo kapag wala ka. You’re nothing but a wife waiting for her husband to come home without even knowing that his husband had been inside the skirt of another woman.” Ngumisi siya sa akin.
Nginisihan ko rin siya. “At least I know my worth. I know how to respect myself. I have my own delicacy. And I am the rich wife. Actually, I don’t need Simour to make my life easier. Eh, ikaw? You probably are sticking to him because you knew that if he slip for just a second, you would definitely tell the world about it not just to destroy him but destroy us as well.” I sighed. “But does that make you a successful woman? Lusting on a married man, chasing him around and waiting for him to notice you. Do you really have to stoop so low just to have what you want? Don’t you know your own worth? Why are you settling for less when you could be more than great—”
“Shut up!” sigaw niya bigla sabay hampas sa mesa.
Agad akong napabaling sa anak ko. Tiningnan ko kung nagulat ba siya sa ginawa ng babae pero wala naman. I placed her arms around me to make her hug my nape just to make sure.
Nginisihan ko siya. “Masaya ba ang maging substitute ng isang asawa—”
“At least ako, binabalik-balikan! Eh, ikaw? Binabalik-balikan ka ba?” aniya.
Ngumisi ako. “Ako ang inuuwian niya. Ang niyayakap niya tuwing gabi. Ang hinahalikan niya sa umaga. At ang dala-dala ang apelyido niya. Eh, ikaw? You’re just a random woman who wants to get inside my husband’s pants.”
She glared at me. Kita ko ang pag-usok ng tenga at ilong niya pero nginisihan ko lang siya. Pansin ko ang pamumula ng buong mukha niya.
Agad siyang tumayo mula sa swivel chair ng asawa ko. I was a bit alarmed since I don’t know what this woman might do to us. Sinigurado kong yakap-yakap ko ang anak ko.
She walked towards us as if she’s ready to tear us apart when suddenly the door of the office opened, revealing Simour with a bunch of blueprints and staring at us curiously.
Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa babaeng ito. I saw how the woman’s facial expression changed, from livid to a scared little cat.
“Hey, babe!” bati sa akin ni Simour nang siguro’y napansin niyang wala naman kaming ginagawa ng babae.
He walked towards me and then held my chin as he kissed me with tongue. When he let go, I raised my brows at the woman, showing her what she needs to see.
I could see how her expression change from being a scared cat to a livid tiger. But sorry, I am the lion.
“Baby ko!” wika ng walang kaalam-alam na Simour sa nangyayari sabay buhat sa anak namin. “Naglalakwatsa ka na naman? Hindi ka nagpapaalam sa akin. Sinong kasama mo, hmm? Saan mo natutunan iyan? Saan ka nagmana, hmm?”
Baby Precy cooed as she started slapping her Dad’s face again. Walang nagawa si Simour kundi mag-iyak-iyakan na lang sa harap ng anak niya.
“What are those?” tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip at nakatitig sa blueprints na hawak niya.
“Ito?” tanong niya. “Sa kanya ito, babe. Pakibigay nga sa kanya.”
I licked my lower lip as I took the papers from him then walked slowly but intimidatingly towards her. I stopped in front of her. Ipinaling ko ang ulo ko saka may munting ngising tiningnan siya sa mga mata.
“Here’s your blueprint, Miss. Kindly check it,” wika ko saka nilahad sa kanya ang blueprint.
Kita ko ang panggigigil niya sa akin pero alam kong wala siyang magawa. Padarag niyang tinanggap mula sa akin ang blueprints saka mabilis na lumabas ng opisina.
Nang makalabas siya ay agad na nawala ang ngisi sa labi ko. I then walked towards Simour who was having fun making his daughter laugh. Agad kong kinuha sa kanya ang anak ko.
Kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata niya. “Bakit, babe? Gutom ka na? Kakain na tayo?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Busog ako. Busog kami ni baby.”
Inis na naglakad ako patungo sa pinto para lumabas nang bigla itong sumara. I sighed and faced him. Galit ko siyang tiningnan samantalang siya ay painosenteng tumingin sa akin.
“Open the damn door, Simour,” may banta kong sabi.
Tinaasan niya akong kilay na tila ba napaka-inosente niya. “Bakit, babe? Nakita mo ba na isinara ko ang pinto?”
Tinuro ko ang nakasarang pinto. “Open the damn door or you won’t see us again.”
Matunog siyang ngumisi. “Paanong hindi ko na kayo makikita eh hindi nga kayo makalabas, eh.”
Napapadyak ako sa inis. “Why are you with that woman, huh?”
Kahit gustong-gusto ko siyang sigawan ay pinanatili kong kalmado ang boses ko. Ayokong matakot o magulat si baby sa akin.
“Hindi kami magkasama. Nakita mo naman, diba? Ngayon lang ako pumasok dito sa opisina—”
“And why did you let her sit on your swivel chair?” Gigil kong tanong.
“Hindi ko siya inutusang maupo sa swivel chair ko, babe. Teka, naupo siya sa swivel chair ko?”
Kumunot ang noo niya saka naglakad palapit sa swivel chair niya. He then picked a wipes and wiped his swivel chair.
“What was that for?” taka kong tanong.
Ngumiti siya. “Wala na. Pwede na ulit maupo ang reyna at prinsesa ko.”
Inis ko siyang tiningnan. “Hindi mo kami madadala diyan, Simour. Buksan mo ang pinto, ha. Naiinis ako, ha!”
Ngumuso siya. “Ikaw lang, babe, huwag mong isali ang anak natin. Diba, baby ko? Diba, love-love mo si Daddy?”
Agad namang humagikhik ang anak ko na kinangisi ng huli. Inis akong naglakad palapit sa kanya saka tumingin sa computer niya. Hinanap ko doon ang pambukas ng pinto. I hurriedly clicked it but then he caught my waist and wrapped his arms around me.
“Nagseselos ka na naman, babe. Hindi ko iyon babae, babe. Ikaw lang ang babae ko—”
“Oh really? So ako ang babae mo?” asik ko sa kanya.
“Ang ibig kong sabihin ay ikaw lang ang babae sa buhay ko at saka syempre ang baby natin. Huwag ka na nga mainis diyan, nagpapagawa lang talaga siya ng bahay.”
“Sinabi niya sa akin na pinupunan niya ang pagkukulang ko. Ano ba ang pagkukulang ko, ha, Simour?”
I felt him squeezed my breasts dahilan kaya napasinghap ako. Inis ko siyang nilingon saka dumistansya sa kanya. Galit ko siyang tiningnan.
“You’re such an asshole, ha!” asik ko.
“Babe, huwag kang magmura sa harap ng anak natin—”
“You’re so bastos!” asik ko saka binuksan ang pinto gamit ang computer.
Mabilis akong naglakad patungo doon saka naglakad palabas. I could feel my cheeks reddening.
Agad ko namang narinig ang sigaw niya mula sa likod ko. “Babe, saan ka ba pupunta? Babe, kakain pa tayo.”
“Kumain kang mag-isa mo! I don’t really know why I’m here. Nakakainis ka talaga.”
“Ha? Hindi, sabay na tayo, babe. Baby naman, huwag kang tawa nang tawa diyan. Kausapin mo ang Mommy mo. Lambingin mo. Sabihan mo na kausapin niya ako,” wika niya sa anak niyang hagikhik nang hagikhik.
Now, I’m sure na nagmana sa kanya ang anak namin. Hindi naman ako ganyan. I’m more of a serious woman. Hindi ako humahagikgik kapag may nakikitang nag-aaway.
Binuhat ko ng maayos ang anak ko. Sinigurado kong sa harap siya nakatingin hindi sa likod para hindi siya hagikhik nang hagikhik kapag nakikita ang Dad niya.
“Babe? Babe, hinaan mo naman ang lakad mo, ang hirap mong habulin,” aniya.
I rolled my eyes and continued walking. Bwesit ako sa kanya kaya hindi ko siya kakausapin.
“Babe, nasabi ko na ba sayo na ang sexy mo?” tanong niya bigla.
Mas lalo akong napairap. Parang tanga talaga ang gago.
“Sabihin mo, babe na ang hot ko rin,” aniya.
Hindi pa rin ako nagsalita. Mas binilisan ko ang lakad ko saka agad na pumasok sa kotse ko. I saw him tried to open the car’s door but it’s already locked kaya wala siyang nagawa kundi ang kumatok na lang sa bintana.
Hindi tumigil sa paghagikgik si Precy habang tinitingnan ang Daddy niya sa labas ng bintana. I sighed and just started the engine.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dere-deretsong pumasok sa bahay. I went upstairs and went inside the room then locked it.
Agad kong binihisan ang anak ko ng pambahay saka siya pinadede sa akin.
Minutes later, I heard knocks on my door. “Babe?” Isang malambing na tawag ang nagpairap sa akin sa hangin.
Agad na sumama ang timpla ng mukha ko saka napatitig sa pinto. Even my baby looked at the door as if she knew that her father is out there.
She then looked at me while still drinking on my milk. I raised my brows at her. “Yes, that’s your Dad but don’t giggle.”
She smiled at me as if she knew what I’m doing or as if she knew that I am annoyed at the moment.
“Babe?” muling tawag ni Simour sa akin sabay katok. “Babe, mahal na mahal kita. Wala akong babae, babe. Nagpagawa lang iyon ng bahay, babe. Ikaw lang nakakahawak sa katawan ko, babe, don’t worry.” Sobrang lambing ng boses niya.
I don’t know why I find myself chuckling while listening to him. I heard Precy giggled as well. I kissed her forehead and whispered…
“Let your daddy suffer.”
Well, I guess I and my Precy would be a great accomplice when she grow up. We would definitely gang up on our man.
…
©️thorned_heartu
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
Storie d'amoreCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas