T W E N T Y - T W O

1.5K 66 0
                                    

Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you.

Wattpad Second Account: @thorn_heartu.

...

Dream

"Babe?"

Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko saka tumingin sa labas ng bintana.

My eyes met with the extraordinary sunrise, the green trees and the blue seas. My mouth widened a bit as I roamed my eyes around the place.

"Where are we?" tanong ko sa kanya.

He smiled at me. "We're in Leyte, babe."

Kumurap ako. "Leyte? We're in Leyte already? Ilang oras ba akong tulog at hindi ko yata napansin na nasa Leyte na tayo?"

"Uhm... Hindi naman kalayuan sa La Seriah ang probinsiya ng Leyte, babe, eh. Kaya talagang napadali ang pagdating natin. Lalo na't gabi tayong umalis, wala masyadong sasakyan, walang traffic."

Tumango ako. Muli kong nilibot ang paningin sa paligid. Nasa loob man ako ng sasakyan ay naaamoy ko ang halimuyak ng mga nagbeberdehang punong-kahoy.

"It's beautiful in here," wika ko habang may munting ngiti sa labi. Nilingon ko siya, siya man ay may tipid na ngiti sa mukha. "I want to live here. It's so peaceful and so serene. Just look at the calm sea, Simour!"

"Ganda, 'no, babe? Sing-ganda mo," aniya.

Matamis ko siyang nginitian. Malawak ang ngiting binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka lumabas. Kinuha ko mula sa handbag ko ang cellphone ko saka kinunan ng pictures ang paligid.

Narinig ko rin ang paglabas niya mula sa kotse. I felt him on my back as he wrapped both of his arms around my waist.

"Saan mo gustong tumira, babe?" tanong niya sa akin.

I smiled. I don't know why I felt so calm amidst the matters I am facing. The place made me feel so calm. It makes me feel alleviated.

"Gusto kong tumira sa isang simpleng bahay lang, Simour. I want to live beside the seashore. I want to feel the calmness of the waves everytime I wake up. Saan mo sa tingin pwedeng tumira?" wika ko.

"Gusto ko rin iyan. Gusto kong tumira sa isang simpleng bahay. Iyong paggising ko sa umaga ikaw ang una kong makikita. Kayo ng anak natin."

I smiled and faced him. "Is this it?" tanong ko sa mahinang boses.

"Ang alin?" tanong niya.

"Is this our escape? Are we even sure that we're finally free?"

He sighed. Tipid niya akong nginitian. "Hindi pa rin naman sigurado na malaya na tayo, babe. Ang mahalaga magkasama tayo. Ang mahalaga malayo tayo sa mga taong balak tayong paghiwalayin."

I smiled a bit and nodded. "So, anong gagawin natin ngayon?"

Humiwalay siya sa akin saka pumalakpak. "Simple lang. Maghanap tayo ng matitirhan."

"You have money with you?" Gulat kong tanong.

Ngumisi siya. "Syempre, 'no! Nag-iipon rin naman ako no'ng nag-aaral pa lang ako."

Inakbayan niya ako saka bumaba kami sa may kahabaang sementong hagdan na magdadala sa buhanginan. While walking down the stairway, I can't help but admire the beauty of the place.

"Is this a resort or something?" I asked.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi pa ako nakarating dito noon. Basta ang alam ko, ang resort nadaanan na natin. Hindi na ito parte ng resort."

Heart of Diamond (Heart Series #5)Where stories live. Discover now