Like/Follow my Facebook page: @Thorned_heartu. Thank you. Enjoy reading, peeps!
…
Forgiveness
“B-But I am still scared and scarred. You destroy the trust that I have in you. I love you so much but I just can’t trust you yet. Everything that happened to us was traumatic that I don’t think I’m ready to risk again,” wika ko kasabay ang mumunting luhang kumawala sa mga mata ko.
Natahimik siya sa sinabi ko. I could see how tears streamed down his cheeks as if he lost a small hope in him.
He tried to wipe his cheeks as he look away. Hindi siya makapagsalita at hikbi lang nang hikbi. Wala rin naman akong magawa kundi ang panoorin lang siya.
Muli siyang tumingin sa akin. “K-Kapag… handa ka na ba, tatanggapin mo ulit ako?”
It’s my turn to be silent. Honestly, I don’t know. I don’t know if I would still risk once again for him. Yes, my love for him might still be there, however the pain it caused me was enormous enough to make me take lesser risks.
I sighed and licked my lower lip. I breathed and smiled sadly. “I might. I might accept you wholly again if I am already prepared for another set of pain.”
He nodded and smiled a bit. Pinunasan niyang muli ang pisngi niya. He walked towards me as the small smile on his face didn’t faded. He held both of my hands and kissed it as he stared straight on my eyes.
“Nakahanda akong patunayan sayo ang pagmamahal ko, babe. Aayaw ka man o hindi, ilalaban ko ang pagmamahalan natin noon. I knew that we were young but I also knew that everything were real,” bulong niya. “Hindi ako susuko. Hindi kita susukuan.”
I small smile left my mouth. Tinaasan ko siya ng kilay. “We’ll see then, Simour. We’ll see.”
After we fought, we went back to our baby’s tomb and said sorry for fighting in front of her. Nagagawa nang magbiro ni Simour kahit pa namumugto pa ang mga mata niya sa kaiiyak. Ganoon din naman ako, kahit paano ay nagawa ko nang tumawa kahit pa paos ang boses ko.
“Pasensya ka na, ‘nak, kung nakita mo kami ni Mommy mo na nag-away kanina,” aniya. “Iyon talaga ang iniiwasan kong mangyari noon pa man pero nangyari pa rin. Pero huwag kang mag-alala, maayos na kami ni Mommy mo. Hindi pa nga lang niya ako tinatanggap ulit sa buhay niya pero at least magkatabi na kaming nakaupo nang hindi niya ako sinasaksak.”
I glared at him and pursed my lips. “I won’t make saksak to you naman, ‘no! I am not that evil kahit pa galit pa rin ako sayo!”
Mahina siyang natawa saka nilingon ako. “Galit ka?” May munting ngisi sa mukha niya.
“Oo!”
“Patingin nga ng mukhang galit,” aniya ng may pang-aasar.
“You’re such an asshole! Don’t talk to me! Naiinis na naman ako sa pagmumukha mo!” asik ko saka tinutulak siya ng mahina palayo.
Mahina siyang tumawa saka sinakop ang mga kamay kong tumutulak sa kanya. Napatili ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya sabay ang paghiga niya sa damuhan at ako naman ay bumagsak sa itaas niya.
“Simour! Ang gago mo talaga!” asik ko saka nagpumiglas sa hawak niya.
May munting ngising kumawala sa labi niya. “Babe, naman! Bakit naman pumatong ka agad sa akin nasa harap tayo ng baby natin, oh!”
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Gago ka talaga! Let me go, ha? Naiinis na ako, Simour! Bitawan mo ako!”
Tumawa siya saka binitawan ako. Agad akong bumangon saka inis na hinampas ang dibdib niya.
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
RomanceCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas