T H I R T Y - T H R E E

2.4K 86 1
                                    

Like/Follow my Facebook page: @Thorned_heartu.

Enjoy reading everyone.

Getting married

Inis kong kinurot ang tagiliran niya nang biglang bumilis ang takbo ng ducati. Nabwebwesit talaga ako kapag nagpapasikat siya, eh.

“Slow down, Simour! We’re not in a damn race! Why are you in a hurry ba?! Darating din naman tayo doon!” asik ko sa kanya.

I wonder kung naririnig niya ba ako ng maayos? Masyado kasing malakas ang ihip ng hangin. I am the one wearing his helmet because that’s what he wants. I didn’t say no naman dahil para lang din naman iyan sa safety ko.

“Dumidilim na kasi, eh. Para makarating agad tayo doon. Tsaka baka hinahanap ka na ng mga magulang mo, pagabi na. Mas mabuti nang maiuwi kita agad,” sagot niya.

I couldn’t help but smile a bit. Seeing us riding on his ducati feels nostalgic. The cold breeze of the night air as if we’re in a winter at Japan, the calmness of the sea of lights in the city, the peaceful darkness, the night strolls… everything made me feel nostalgic about the past.

Years before, after we left and ran away, I never thought I could ride on his ducati again and have a night strolls with him. I didn’t expect to see us on the same ducati, the same city lights and the same air.

“My parents won’t be worried, don’t worry,” saad ko. “Maraming bodyguards ang nakasunod sa atin ngayon kaya hindi nila kailangang mag-alala. And also, you don’t have to worry about sending me home early kasi kapag may nangyari sa akin o kapag may ginawa ka sa akin, my bodyguards will kill you.”

Napasinghap siya. “Aba naman! Parang gusto mo yatang mamatay agad ako, ah? Tsaka wala akong gagawing masama sayo, ‘no! Good boy ako, eh!”

Agad na tumaas ang kilay ko. “Good boy? Hindi nga? Saan banda?”

“Huwag kang maraming tanong, nadi-distract ako sa pagmamaneho. Baka kung saan kita dalhin,” aniya.

Tumaas lalo ang kilay ko saka mahinang hinampas ang likod niya. “And where are you planning to take me, ha?! Don’t you dare, Simour! Makikita mo ang tikas ng mga bodyguards ko!”

Mahina siyang natawa. “Babe, mas matikas ako kaysa sa mga iyon. Ni-wala nga yatang mga abs ang mga iyon, eh. Samantalang ako meron.”

I rolled my eyes. Here’s his kahanginan again. Hindi na talaga maubos-ubos.

“Just stop talking, Simour. Hindi required sa bodyguards ang magkaroon ng abs,” saad ko.

“Ikaw kasi, eh!” aniya.

“What?! Anong ginawa ko, aber?!” asik ko.

“Kino-compare mo ako doon sa mga bodyguard mo, hindi naman hamak na mas gwapo ako sa mga iyon,” aniya.

I rolled my eyes. “Just hurry, okay? Ang dami mo pang sinasabi—”

Bigla niyang binilisan ang takbo kaya impit akong napatili at napayakap sa kanya. Pinagkukurot ko ang tagiliran niya na ikinatawa niya lang.

“—Simour! Slow down, you asshole! Baka mabangga tayo! You’re such an asshole talaga!” asik ko.

Tumawa siya. “Sabi ko ‘hurry’, eh. Edi binilisan ko. Tapos ngayong binilisan ko, galit ka naman? Ano ba talaga?”

“Ewan ko sayo! Stop talking and focus on driving na lang! Nakakainis ka talaga!”

“Yes, Ma’am.”

Ilang beses ko pa siyang nakurot, nahampas at nasigawan habang nasa biyahe kami. I am so annoyed with him and his driving skills. He’s telling me na his ability to drive a ducati fast is a skill at mas lalo akong nainis. Hindi ko rin alam kung bakit ang tagal matapos ng oras. Nakakabwesit siya!

Heart of Diamond (Heart Series #5)Where stories live. Discover now