S E V E N

2.5K 81 3
                                    

Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu. Thank you in advance.

Enjoy reading everyone.

...

Help

Hinihingal na napasandal ako sa isang locker nang makapasok ako sa school. Wala akong ibang sinabi kay Villegas matapos no'ng sinabi niya sa akin. It sounds so dangerous and threatening that I didn't answer him at all.

Tinulak ko lang siya saka mabilis na lumabas ng kotse. I know that if he tend to lock me with him inside his car, then I shouldn't have been able to get out from his car. Sadyang hinayaan niya lang ako na makalabas.

Napatingin ako sa paligid habang humihinga ng malalim. I can't say that I'm already safe from him, however I also can't say that I'm in danger. No one knows.

"Primm! Ba't hinihingal ka? Na paano ka?" tanong sa akin ng kakarating lang na si Carol. I look behind her to see if Rapha is around but she isn't.

Sumagap ako ng hangin bago siya sinagot. "Uhm..." Should I tell her? "Nothing. Akala ko kasi late na ako kaya nagmamadali akong pumasok dito."

Kumunot ang noo niya. It's as if she don't believe my excuse. Alam ko rin naman na sobrang lame ng excuse ko. It's just 11:30.

"Uh... okay?" aniya habang sinisipat ako. "So, anong ginagawa mo sa labas ng school? Diba, dito ka kumain ng lunch? Ba't ka pa lumabas?"

"Oh, I craved for kwek-kwek so I went out. Tapos I talked to the vendor, natagalan ang pag-uusap namin so I didn't noticed the time. Akala ko talaga late na ako. Also, I forgot na may wristwatch pala ako." I chuckled nervously which I do hope it didn't come out too nervous.

Hindi naman ako sinungaling, eh! I just don't want anyone to find out that I talked to Simour just minutes ago. I want people to spare me from their bullshits.

Tumango-tango siya. Feeling ko ay hindi pa rin siya naniniwala. "Oh, okay. Akala ko kung napaano ka na, eh. Anyway, sa Saturday may girl's outing kami! Sama ka?!"

Biglang nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya. I suddenly felt like floating in the air.

All my life, no one invited me for an outing. Iniimbita lang ako kapag school activities, advocacies and etc. Minsan iniimbita lang din ako kapag may birthday parties but of course kasama ang parents ko.

Yes, I am living that life in which no one tries to approach me.

Napasiklop ako sa dalawang palad sa may dibdib ko. "Oh my gosh! Really?! Sure! What time ba? I'll be there!"

Ngumiti siya saka pumalakpak. "Sabi ko na nga ba at sasama ka, eh! Mga ten AM. Tsaka sa Astra Beach tayo pupunta. Maganda doon. Doon na lang tayo mag-meet sa Saturday, ha?"

Agad akong tumango. Malawak ang ngiting nakaukit sa mga labi ko. Hindi ko mapigilan! Sobrang saya ko lang talaga!

"Sige, sige! I'll be there! Oh! By the way, anong isusuot ko?" out of excitement I asked.

Ngumiti siya. Sinuri niya ang katawan ko mula ulo hanggang paa bago pumalakpak. "Sun dress. Bagay na bagay 'yan sayo. Sure ako."

Tumango ako. "Okay! Thank you. Should I... uhm... bring foods? Snacks? Drinks? Anything?"

Malawak siyang ngumiti sa akin. "Ay, gusto ko 'yan! Sige! Magdala ka na rin. Damihan mo, ah! Sure ako na magugutom tayo since mags-swimming tayo."

"Yes, yes, I will. Uhm... wala ba'ng mga boys doon? Kasi diba girl's outing?"

I am just making sure. Baka kasi hindi ako pasamahin nina Dad at Mom kapag may mga lalaki.

Agad siyang umiling. "Nope. Wala. Talagang mga babae lang tayo doon."

Heart of Diamond (Heart Series #5)Where stories live. Discover now