E P I L O G U E

5.6K 186 8
                                    

To those people who continued supporting me from the very beginning, I can’t thank you enough. I am so lucky to have you as my readers.

To those who have read my stories, thank you so much for knowing my characters, my stories and my name. I will never forget how you flooded votes and comments on my notification. Thank you, peeps!

Love you, guys!


“Mom, ayoko nga na sumama doon. Dito na lang ako sa bahay, promise, matutulog lang ako. Wala akong gagawin,” wika ko kay Mommy.

“No. You’re coming with us to that particular party, SJ. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Do you understand?” aniya habang naghahanap ng pwede kong isuot.

Inis akong napakamot sa buhok ko saka patalong dumapa sa kama. Ayoko talagang sumama doon. Gusto kong dito na lang muna sa bahay tapos matulog. Pero pwede rin naman na pumunta ako kina Evs mamaya kapag wala na sina Mommy at Daddy.

“Get up, SJ! Get up and get dressed!” Sabay hampas sa hubad kong likod.

Napasinghap ako saka napapikit. Napahawak ako sa likod kong hinampas niya na alam kong namumula na ngayon.

Walang nagawang bumangon ako saka nakangusong tinanggap ang damit na inilahad niya sa akin.

“Mommy, bakit ba kasi kailangan kong sumama?” tanong ko habang nakasimangot.

“You’re already sixteen years old, SJ. You should know how to make friends with other people or how to interact with other people, specifically because your Dad is a businessman. Baka kapag kailangan ka niyang humawak sa kompanya, at least you know how to be a leader,” aniya.

Napakamot ako sa batok ko. “Mom, I don’t want to handle Dad’s business. Sixteen pa lang ako, wala pa akong plano sa buhay—”

“Iyon na nga, SJ! You’re sixteen, two years later and you’ll be eighteen! You have to know how to stand up for yourself. Kailangang may plano ka sa buhay sa edad na iyan,” aniya habang nakapamaywang sa harapan ko.

“I believe that I’m still young, Mom. Ayoko pa,” wika ko.

She glared at me. “Tumayo ka diyan at magbihis. Huwag mong hintayin na mapigtas ang pasensya ko, Simour Jeff!”

Well, one thing that you should know about my Mom is that whenever she calls me with my whole name then I must stand up and follow her.

“Ito na po, Mom. Magbibihis na.” Matamis ko siyang nginitian saka ako mabilis na pumasok sa walk-in-closet ko.

Minutes later and I found myself in the particular party that my Mom told me. Agad silang bumati sa mga kakilala nila samantalang ako ay nakasunod lang sa kanila saka ngumingiti kapag pinapakilala sa mga tao.

Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito? Ang plano ko talaga ay ang matulog o kaya ay ang pumunta kina Evs.

Hays.

“Hey there, Seleno!” bati ni Mommy sa isang businessman. “Where’s Parsia?” tanong ni Mom.

Ngumiti ito sa kay Mommy. “They’re on our table. I saw you so I come here to approach you. By the way, where’s Carlos? Bakit hindi kayo magkasama?”

Heart of Diamond (Heart Series #5)Where stories live. Discover now