Like/Follow my Facebook page: Thorned_heartu.
Here's the link:
https://www.facebook.com/104381232172609/posts/149760800967985/?substory_index=0&app=fblEnjoy reading, tiniks and rosas da barumbados 🥲.
...
Pagod na
Katok ang nagpatigil sa akin sa pagwawalis ko sa loob ng bahay. Nilagay ko sa gilid ng ref ang walis at dustpan na hawak ko. Pinunasan ko ang mga kamay ko bago ako pumunta sa pinto saka ito binuksan.
Nginitian ko ang matandang babaeng nasa labas. "Hello po, good afternoon," saad ko. "Pasok po muna kayo."
Tipid siyang ngumiti saka umiling sa akin. "Hindi na, hija. Ibibigay ko lang sayo itong bills ninyo. Aalis rin ako agad dahil marami-rami pa itong mga hahatiran ko."
Agad akong napatingin sa kamay niyang nakalahad sa akin. Tinanggap ko ito saka siya nginitian.
"Thank you po sa paghatid nito sa amin. Nag-abala pa po kayo. Ako na lang po sana ang kumuha nito doon sa bahay ninyo," wika ko.
Ngumiti siya. "Naku, ayos lang, hija, wala naman akong masyadong ginagawa. Kaya ako na lang ang naghatid ng mga ito at nang makapag-ehersisyo naman ako. Oh, siya, aalis na ako at ihahatid ko pa itong mga ito sa mga kapit-bahay mo."
Tumango ako. "Sige po. Ingat. Thank you po."
Tipid siyang tumango saka agad nang umalis. Nang makaalis siya ay agad kong isinara ang pinto. Naglakad ako patungo sa sofa saka sinuri ang bills na hawak ko.
I massaged my temple. Ang laki na naman ng babayaran namin ngayong buwan. Ang bill sa tubig ay 600, ang bill sa kuryente ay 2,700 at idagdag pa ang renta namin dito sa apartment na 700. Tapos hindi pa namin nabayaran ang bills noong nakaraang buwan dahil kinulang kami sa pera.
I sighed. "Oh, God, guide me," bulong ko.
Hindi sapat ang kinikita ni Simour na pera mula sa trabaho niya. Nauubos lang din agad ang mga iyon sa pagbabayad namin sa bills at sa pamimili ng mga pangunahing pangangailangan. Lalo pa ngayong buntis ako at kinakailangan kong bumili ng mga masusustansiyang pagkain.
Nagtatrabaho pa rin naman ako sa laundry shop pero ang liit-liit lang din naman ng kinikita ko doon. Hindi rin sapat. Nauubos lang din iyon sa pagbabayad ko sa utang namin kay Kobe.
These passed months, I had been shell-shocked. Everything that are happening around me exhausts me to the point that I would just end up crying silently. I feel so lonely amidst living with Simour.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong napatingin doon. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Simour pero agad rin naman siyang nag-iwas.
Those eyes no longer resembles the Simour that I was used to. A lot has changed.
Naglakad siya palapit sa akin saka nilagay ang bag niya sa pang-isahang sofa na malapit lang sa akin. Wala siyang imik.
I sighed. "Dumating dito ang land lady kanina. She gave me the bills. Just like before, malaki na naman ang bayarin natin. Uhm... do you have enough money to pay it?"
I heard him sighed. I know that he's exhausted too. I know that he's just trying to keep on going even though a part of him is already giving up.
Actually, hindi na kami gaya ng dati. We lost the relationship that we fought so hard for. But we still hold on.
Napapadalas na rin ang away namin dalawa. Maliit na bagay ay pinag-aawayan namin. Though, I changed na rin naman these past months. Hindi na ako gaya ng dati na kahit anong bagay pinapalaki ko. Madalas ang pinag-aawayan na lang namin ay ang mga malalaking bagay.
YOU ARE READING
Heart of Diamond (Heart Series #5)
RomanceCOMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone doesn't have." -Simour Jeff Villegas