Liezel pov
Ilang araw na 'kong nag iintay sa conformation text pero hanggang ngayo'y wala pa ring dumadating, siguro naman mag tetext sila kahit hindi ako natanggap diba?
Halos maya't maya'y nakatingin ako sa phone ko every time na maririnig ko 'tong tumutunog ay nag eexpect akong baka sila na yung nag text pero nauuwi lang ako sa pag kabigo.
"Oh! Ano? Nag text naba?" Tanong ni Mama, tumingin ako sa kaniya at bahagyang umiling.
"Ayos lamang 'yan baka mamaya hindi pa nila nakikita yung entry mo," sagot niya, tinapik niya ng bahagya ang balikat ko habang naka ngiti.
"Sus! Bakit ba kasi umaasa ka pang matatanggap ka? Eh! Malinaw naman na na hindi ka matatanggap no," singit naman ni Heaven, mukhang kakagising niya palang dahil medyo humihikab pa siya.
"Alam mo! Masyado ka talagang nega," singit naman ni Kuya, umupo siya sa hapag kainan at nakita kong tinarayan lang siya ni Heaven.
"Alam mo 'wag mo nalang pansinin yang si Heaven, if ever mang hindi ka jan matanggap okay lang marami pa namang ibang trabaho jan," sambit ni Kuya at ngumiti, tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.
"Teka! Hindi ba sasabay si Papa sa'tin?" Tanong niya, tumingin kami kay mama, inilapag niya ang kakainin namin ngayong umaga at umupo na sa palagi niyanv inuupuan.
"Hindi't maaga siyang umalis, may ipapa trabaho daw kasi si Aling Hena sa kaniya," sagot ni Mama, tumango-tango lamang kami at nag simula ng kumain.
Matapos ang umagahan ay agad akong pumasok sa kwarto para sana manood ng mga movies dahil wala naman akong gagawin buong araw kundi tumambay dito sa bahay.
Ngunit hindi pa 'ko nakaka puwesto ay isang notification nanaman ang pumasok sa phone ko, umupo ako sa kama at binasa 'to.
Unknown number:
Good morning Ma'am Liezel Aritza Alvarez, we've read your entry for the particular position and we're glad to inform you that you pass, please go to Escarra Mansion at 1pm for the final step (interview), congratulations!
Nagulat ako sa nabasa ko kaya binasa ko ulit 'yon at kinurot ko ang pisnge ko para malaman kung nananaginip ba 'ko o totoo 'yung nangyayari.
"Ah!" Sigaw ko, narinig ko naman ang mga mag mamadaling yabag ng paa na papunta sa kwarto ko.
"Bakit anong nangyari?" Tumingin ako kay Kuya na padabog na binuksan ang pinto, kita sa mga mukha niya ang pag aalala.
"N-Natanggap ako," nanginginig kong sabi, nawala ang bakas ng pag aaalala sa mga mukha niya't lumapit siya sa'kin para yakapin ako.
"Talaga? Kung gano'n ano pang hinihintay mo, mag bihis kana't lalabas tayo," bawas sa mukha niya ang excitement habang ang mga kamay ko'y nanginginig.
"M-May interview ako mamayang 1pm eh!" Saad ko, hinawakan niya ang kamay ko't tinapik tapik ang balikat ko.
"Sige! Mag ready kana't ihahatid kita," sambit niya, tumayo siya sa kama.
"Oh! Bakit anong nangyari?" Tanong naman ni Mama habang naka silip sa kwarto kasama si Heaven.
"Si Liezel natanggap at mag iinterview na daw," sambit ni Kuya, tiningnan ko naman si Mama at nakangiti siya.
"Talaga? Edi mabuti, anong oras ang interview mo? May susuotin kanaba?" Sunod-sunod niyang tanong, umiling lang ako't napansin ko si Heaven na naka simangot ang mukha.
"Sabi ko naman kasi sa'yo eh! Matatanggap si Liezel!" Sambit ni Kuya, nando'n na pala siya sa tabi ni Heaven, sinanggi niya ng bahagya si Heaven at tinarayan lamang siya nito.
"Oh! Siya iwan nanatin siya at hayaan nating makapag bihis," singit naman ni Mama at isinara na nila ang pinto.
Hanggang ngayo'y hindi parin ako makapaniwalang natanggap ako, dagli akong nag hanap ng maisusuot sa cabinet ko buti nalamang ay may formal attire ako na kami mismo ang nag tahi no'ng high school kaya sigurado akong kasiya pa siya sa'kin.
Lumipas ang ilang oras at dumating na ang oras ng interview hinatid ako ni Kuya gamit ang motor niya sa Escarra Mansion ngunit hindi siya pinapasok dahil ako lamang daw ang may appointment kaya ako lamang ang maaring pumasok.
"Oh! Basta tandaan mo be confident sa sagot mo sa gano'ng paraan makikitaan ka nila ng potential," payo niya, ngumiti ako't nag inhale exhale muna bago tuluyang pumasok sa loob.
Napaka laki ng Mansion na 'to, malaki ang gate at napaka laki din ng garden may malaking fountain sa gitna habang may mga curve na mga halaman sa paligid, isang golf car ang tumigil sa harapan ko.
"Ms. Liezel Alvarez right?" Tanong sa'kin nung lalaking nakasakay sa golf car naka tuxedo siya na black at maayos ang kaniyang buhok may katandaan na din at tantiya ko'y nasa 40+ na siya.
"Opo!" Tangi kong sagot, sinenyasan niya 'kong sumakay sa golf car kaya naman sumakay ako.
"Hinihintay kana po ni Konsehal Escarra sa meeting room," saad niya.
May kalayuan ang front gate sa front door kaya naman kailangan mo ng sasakyan para makarating dahil kung lalakarin baka mga 20mins na lakaran ang mararanasan mo.
Nakarating na kami sa front door at napaka laki nito sabay din siyang nag bukas at bumungad sa'kin ang dalawang maid naka bow sila't para bang hinihintay kaming pumasok, tumingin ako sa paligid at napaka daming body guards na naka kalat, napalunok ako nang makita ko loob ng mansion.
Pag pasok mo palang ay bubungad sa'yo ang malaking hagdanan at sa taas nito'y isang malaking family picture, kulay puti ang buong paligid at napaka aliwalas nito tingnan.
Nakita kong umakyat yung lalaking sumundo sa'kin kaya sinundan ko siya, medyo nakakahingal ang hagdanan dahil sa haba nito ngunit maganda naman dahil hindi madulas, tumingala ako't nakita ko ang mamahaling chandelier na nasa centro ng mansion.
Napansin kong pag akyat nami'y napaka daming pintuan dito sa taas, narito kami ngayon sa kaliwang pasilyo't tumigil kami sa ikalawanv pintuan, kahit dito sa taas ay may mga body guards jusko, binuksan nung lalaki yung pinto't namangha ako sa nakita ko.
Grabeng kwarto to punong-puno ng mga book shelves sa paligid at may malaki't mahabang lamesa sa gitna at sa tapat ng pinto'y may maliit na terrace.
Pumasok na ko at wala akong nakitang kahit sino sa loob, iginala ko muna ang mata ko sa buong silid.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...