CHAPTER 18

1 0 0
                                    

Liezel pov

Narito kami ngayon ni Kale sa opisina niya, may mga papeles kasi akong inaayos habang siya naman ay busy sa kaka type sa computer niya.

Pasimple akong tumitingin sa kaniya paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin din sa'kin minsan naman ay nag tatama yung mga tingin naming dalawa.

"Hindi pa kita nakakamusta simula no'ng mag kita ulit tayo, kumusta kana pala?" Tanong niya, lumingon ako sa kaniya para kumpirmahin kung ako ba yung kinakausap niya, naka tingin siya sa'kin ng seryoso.

"Okay naman ako, ikaw kumusta kana?" Tanong ko, umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinag patuloy ang ginagawa ko.

"Okay din naman, pag katapos kong grumaduate dito agad ako pumunta sa Manila," he said, naririnig ko ang mga keyboard siguro ay nag tatype na ulit siya.

"Ahmm.. Liezel about sa nangyari sa Quezon 5 years ago, im sorry if hindi ako nakapag paalam masyadong urgent lang kasi yung pag alis ko." Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya, bahagya akong lumingon sa kaniya at ngumiti.

"Ayos lang! Wala naman sa'kin 'yon," sambit ko, ngunit medyo gumaan ang loob ko nang malaman na naalala niya parin pala yung nangyari sa Quezon.

"Again im sorry!" He said with a calmly voice, he smiled at me.

"I know that we can't go back to the way we used to be, but I'm happy to know that you're doing fine," he said, ngumiti ako sa kaniya at umiwas ng tingin.

"Btw! Im glad na palagi mong sinusuot yung necklace na bigay ko sa'yo," dagdag pa niya, napa kapit ako sa dibdib ko kung nasa'n yung necklace.

"Maganda kasi siya sa kahit anong outfit kaya palagi ko siyang sinusuot," palusot ko, tumango- tango lamang siya.

"Who is Ben? Is he your boyfriend?" Tanong niya na ikinasamid ko kahit wala naman akong iniinom.

"H-Hindi Childhood friend ko siya, siya din yung tumulong sa'kin na makapasok dito," paliwanag ko, tumango lamang siya.

"Okay!" Maikli niyang sagot, natapos na 'ko sa gagawin ko kaya inayos ko na yung mga gamit ko at akma na sanang aalis kaso bigla siyang tumayo.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya, lumingon ako sa kaniya at sinusuot na niya yung suit niya.

"Lalabas na po Mr. Escarra," pormal kong saad.

"Samahan mo 'ko, may meeting ako kay Mr. Pascual," may awtoridad niyang sabi, tumango lamang kami at pinag buksan niya 'ko ng pinto, nauna akong lumabas at sumunod naman siya.

Busy ang iba sa mga ginagawa nila kaya naman hindi na nila kami napansing umalis, dala-dala ko ang ilang documents na nakalagay sa lamesa niya kanina pati narin ang bag ko.

Sumakay na kami sa elevator at pinindot naman ni Kale ang pinaka babang floor kung sa'n nado'n ang parking lot, tahimik lamang kami sa loob ng elevator at nang makarating na kami sa parking lot ay tumigil kami sa isang bmw black sports car, may pinindot lamang siya na hawak niya at biglang tumunog yung kotse.

Sumakay na kami at sa passenger seat nalamang ako sumakay katabi ng driver seat.

"Naayos mo nab a ang mga papeles na ibibigay natin kay Mr. Fernandez?" Tanong niya habang nag dra-drive.

"Yes po! Kagabi pa po gusto niyo po ba ipadala ko na din sa secretary niya?" Tanong ko, umiling siya at bahagyang tumingin sa'kin sabay baling ulit ng tingin sa kalsada.

"Wag na, tayo nalang mismo ang mag bigay sa kaniya, may mga ide-discuss din ako sa kaniya," saad niya, tumango lamang ako.

"Ise-set ko na po ba kayo ng meeting?" Tanong ko.

"Bukas nalang siguro unahin nalang muna natin 'tong si Mr. Pascual," paliwanag niya, nakangiti akong tumingin sa bintana, isinandal ko ang ulo ko sa gilid.

Mayamaya pa'y isang tapik ang gumising sa'kin, nakatulog pala 'ko.

"Ms. Liezel, wake up!" Mahinang boses na narinig ko, dahan-dahan kong binukas ang mga mata ko't nakita ko si Kale na nakatingin sa'kin, he smiled at me.

"Pasensya na po naka tulog pala ako," saad ko at dali-daling umupo nang maayos, hindi ko kinusot ang mga mata ko dahil may mascara ako baka kumalat.

"Nandito na tayo," saad niya, binuksan niya ang pintuan at gano'n din ako, kinuha ko yung mga gamit at sabay na kaming umakyat sa taas.

Nasa isang fancy hotel kami ngayon dahil dito gusto makipag meeting ni Mr. Pascual dahil sila ang may-ari niyo.

Nakarating na kami sa sinabing kwarto ni Mr. Pascual at sinalubong naman niya kami ng matamis na ngiti.

"Mr. Escarra!" Masayang sambit ni Mr. Pascual, may katandaan na si Mr. Pascual ayon sa info niya nasa 40 years old na siya, may dalawang anak na babae ngunit wala ng asawa.

"Mr. Pascual," sambit ni Kale, umupo kami sa harapan nila habang si Kale ay nakipag kamay.

"Grabe! Hindi ko inaakalang ikaw ang makaka meeting ko ngayon Rowan ang laki na ng pinag bago mo," sabi ni Mr. Pascual at tinapik ng bahagya si Kale.

"Thank you po! Btw this is Ms. Liezel Alvarez my personal secretary," pakilala sa'kin ni Kale, nag bow naman ako ng bahagya at ngumiti.

"Liezel po," ulit ko, ngumiti lamang si Mr. Pascual at pumalakpak bigla namang may dumating na mga waiter na may dalan mga tray.

"Kumain muna tayo bago tayo mag simula sa meeting okay lang ba?" Tanong ni Mr. Pascual, tumingin sa'kin si Kale na para bang iniintay ang desisyon ko, tumango ako sa kaniya.

"Thank you po," saad ni Kale, isa-isa ng ibinaba no'ng mga waiter yung mga pag kain.

Tumingin ako sa binigay na pag kain sa'kin at marami siyang beans, tumingin ako sa iba pang pag kain at gano'n din, kukuha sana ako ng tissue upang pag lagyan no'ng mga beans ngunit napansin kong walang beans yung nabigay kay Kale.

"Kumain na kayo," sambit ni Mr. Pascual, ngumiti lamang ako at ngumiti din siya pabalik, napansin ko namang nakatingin si Kale sa plato ko.

"Gusto mo ba palit tayo?" Tanong ni Kale na ikinabigla ko, tumingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa'kin ng diretsyo.

"Bakit hindi mo ba gusto 'yong ibinagay sa'yo ng waiter? Gusto mo palitan natin?" Tanong naman ni Mr. Pascual.

"Ahh! Hindi na po okay lang po," pag tanggi ko, mag sasalita pa sana ako kaso biglang nag salita si Kale.

"Hindi kasi siya kumakain ng beans pero okay lang mag papalit nalamang kami," nakangiting sambit ni Kale kay Mr. Pascual, kinuha niya yung plato ko at inilagay sa part niya habang yung plato niya naman inilagay niya sa part ko.

Hindi ko inaasahang naalala niya pa rin yung sinabi ko sa kaniya 5 years ago, nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagya siyang ngumiti kaya ngumiti ako pabalik.

Nag simula na kaming kumain at nag kwentuhan muna sila ni Mr. Pascual about sa mga sports car habang kumakain habang ako naman ay nakikinig lamang.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now