Liezel pov
Agad kong inalis ang tingin ko sa kaniya, hinawakan ko ang dibdib.
"Hindi 'to puwede," bulong ko sa sarili ko.
Nakita ko naming papalapit si Kale sa'kin habang hawak ang camera niya, umupo siya sa tabi ko at nilapag sa gilid niya ang camera.
"Ang ganda niya pag masdan no?" Tanong niya sa'kin, tumingin ako sa kaniya at naka tingin siya sa pasikat na araw, bigla naman siyang tumingin sa'kin at nag tama ang mga mata namin.
"Oo! Maganda talaga," sagot ko habang naka tingin sa kaniya, kitang-kita ko sa mga mata ang repleksyon ko bahagya siyang numiti sa'kin, bigla nanamang lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Ano yan?" Tanong niya, tiningnan ko kung san siya naka tingin at naka tingin siya sa notebook ko.
"Ah! Wala drawing ko lang," agad kong sagot.
"Puwede patingin?" Tanong niya, napatingin ako sa kaniya dahil inilahad niya ang mga palad niya.
"Sure!" Iniabot ko sa kaniya nag notebook ko.
Isa-isa niyang tinitingnan ang bawat pahina simula sa umpisa, nakangiti lamang siya habang naka tingin dito.
"Mahilig ka pala mag drawing," puna niya, masaya siyang naka tingin sa mga drawing ko.
"Yup! Bata palamang ako ay hilid ko na ang pag dra-drawing," sagot ko.
"Magaling ka." Tumingin siya sakin at ngumiti, bahagya niyang inabot sa'kin ang notebook, "Puwede mo bang isend sakin yung nasa pinaka huling drawing?" Nagulat ako sa tanong niya, tumango lamang ako.
"Puwede naman," sagot ko, kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at binuksan 'yon hindi ko na nakita kong ano yung ginawa niya at ibinalik niya na ulit yung phone sa bulsa niya.
"Hihintayin ko yang drawing na 'yan ah!" Sabi niya at tumayo.
Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na ang oras ng pag alis naming sa pulo.
***
Nakarating nako ng bahay at pag uwi ko ay humiga muna ako, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang wifi nito, andaming notification ang pumasok ngunit isang notification lamang ang umagaw sa atensyon ko.
ItsKaleEscarra followed you.
Agad kong binuksan ang instagram ko at tiningnan kong si Kale ba talaga yon, nag scroll ako sa feed niya at puro sunrise ang nakikita ko, mag mga post din siya na naka stolen siya.
ItsKaleEscarra message you.
ItsKaleEscarra: Dito mo nalang I send yung pic.
LiezelAl: Sige po sir *Sent a photo*
ItsKaleEscarra: Thanks!
LiezelAl: Always welcome po.
Ibinaba ko muna ang phone ko at tumayo muna para mag bihis, lumabas din muna ako ng kwarto para mag half bath para maayos ang tulog ko.
Habang papunta ako sa banyo ay nakasalubong ko si Heaven, tiningnan niya ko na para bang hinuhusgahan niya ang buo kong pag katao.
"Nakarating kana pala," she said.
"Obvious ba?" Sarcastic kong sabi sa kaniya, hindi ko nalang siya pinansin at dire-diretsyo nalang akong nag lakad papunta sa banyo.
Matapos kong mag half bath ay para akong naginhawaan sa pakiramdam, dumiretsyo nako sa kwarto at nag bihis na, matapos kong mag bihis ay itinapat ko ang electricfan sa'kin dahil mag papatuyo ako ng buhok.
Kinuha ko ulit ang phone ko at pumunta sa instagram habang nag scro-scroll ako ay biglang dumaan sa feed ko ang post ni Kale.
Picture ito ng mga sun rise na kinuhanan niya at sa kadulo-dulohan ay yung drawing ko tiningnan ko ang like at comments kahit sandaling oras niya palang 'tong pinost ay napakarami na agad ang nag likes at comments ditto, hindi ko na inisa-isang binasa ang mga comments, napatingin naman ako sa caption niya.
"The sun rise is beautiful isn't it?"
Pinusuan ko ang post niya at biglang may nag message sakin sa facebook, binuksan ko ang messenger ko at si Ben pala.
BenBenitez: *Sent a photo*
Tiningnan ko agad kung ano yung sinend ni Ben, litrato niya pala 'yon sa bagong tinitirhan niya, pinindot ko yung call at inilagay yung phone ko sa stand, agad niya naming sinagot yung tawag.
"Oh! Nakita mo ba yung sinend ko sa'yo?" Tanong niya, naka off ang camera naming dalawa.
"Oo! Nakita ko, nga pala kamusta ka jan kakalipat mo lang ba?" Tanong ko.
"Hindi! Kagabi pa 'ko nakalipat dito pero ngayon lang ako nag aayos, ikaw kamusta unang araw mo sa trabaho? Hindi kanaman ba pinahirapan no'ng boss mo?" Natatawa niyang tanong.
"Sira! Mabait naman si Kale eh!" Sagot ko, "Saka hindi niya naman ako pinapahirapan 'wag kang mag alala," dagdag ko pa.
"Buti naman! Nga pala kapag grumaduate kana dito kana sa Manila, tingnan mo dalawang kwarto na yung kinuha kong apartment para sa'yo," Sambit niya, inopen niya yung camera niya at pinakita sa'kin ang isang kwartong walang laman.
"Talagang pinag hahandaan mo na ah!" Pang aasar ko sa kaniya, inoff niya ulit yung camera niya.
"Oo naman! Maarte ka kaya," Bawi niya sa'kin.
"Sige na mag pahinga kana at mag aayos pa 'ko, tawagan kita kapag tapos na'ko," sabi niya, ngumiti lamang ako.
"Sige! Mag ayos kana bye!" Paalam ko sa kaniya.
"Sige bye! Ingat ka jan ah!" sambit niya bago niya pindutin ang end call button.
Humiga muna ako, inilapag ko yung phone ko sa side table at nakatulala lang sa kisame, bigla naming sumagi sa isip ko ang itsura ni Kale kanina habang nasa pulo kami, bigla nanamang kumabog ang dibdib ko, hinawakan ko ang dibdib ko at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko ngunit agad ko din 'tong iminulat at napa balikwas ako sa kinahihigaan ko.
"Hindi! Hindi puwede!" Bulong ko sa sarili ko, tinapik-tapik ko ang mukha ko at umiling-iling.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...