Liezel pov
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pag babakasyon naming sa Hotel ni Mr. Pascual, pag balik agad namin ay natambakan kami ng trabaho ngunit kahit na gano'y masaya parin naming tinanggap ang mga trabaho dahil kahit papaano'y nakapag relax naman kami.
Busy kami ngayon dahil sa bagong ilulunch na clothing line ng kumpanya kaya naman inatasan kaming mag design ng mga damit na babagay sa theme, ang theme ng clothing line ay summer, pag tapos na kaming mag design ay iprepresent namin isa-isa kay Kale ang mga gawa namin at pipili kami ng dalawa at ipapakit sa head.
Ngayon ang araw ng presentation lahat ay may kaniya-kaniyang hawak na folder at usb, nasa meeting room kaming lahat habang inaayos ko ang projector at laptop na pag sasaksakan ng usb.
Nasa gitna si Kale habang naka tingin sa'kin, kanina lamang ay isa-isa naming isinulat ang pangalan namin sa papel at tinupi ito at inilagay sa bowl, bubunot si Kale kung sino ang unang mag pre-present and so on.
Matapos kong maayos ang projector ay sumenyas na'ko kay Kale, itinaas ko ang kanang kamay ko at hinlalaki ko, umayos ng upo si Kale at kinuha yung bowl, nag si tinginan ang lahat at binunot na ni Kale ang unang mag pre-present.
"Denise," sambit ni Kale, kinuyumos niya ang papel at tumingin kay Denise, tumayo naman si Denise at pumunta sa dako ko, umupo naman ako sa tabi ni Kale at hinayaan na si Denise sa unahan.
Nag simula ng mag present si Denise at nakikinig lamang kaming lahat hanggang sa matapos siyang mag present, magaganda ang mga design ni Denise at magaganda din ang napili niyang tela para do'n.
"Yon lamang po," sambit ni Denise, natapos na ang presentation niya at hindi muna nag salita si Kale, matapos ni Denise ay sumunod namang tumayo si Jason, siya naman ngayon ang mag pre-present.
Isa-isa na silang nag present at nakikinig lamang kami ni Kale, paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Kale at habang nag prepresent sila ay tumitingin din siya sa folder na hawak niya na ibinigay ng mga presentor.
Natapos na silang lahat ngunit nakatingin parin si Kale sa mga design's nila.
"Wala ka bang ipre-present Ms. Liezel?" Tanong ni Kale, isinara niya ang folder at nakataas ang kilay na tumingin sa'kin, napatingin naman ako sa kaniya.
"P-Po?" Tanong ko, biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba no'ng sinabi niya ang pag prepresent.
"Lahat sila nag present, ikaw wala ka bang ipre-present?" Tanong niya, lahat sila ay naka tingin sa'kin.
"M-Meron po," nanginginig ang boses ko pati narin ang mga kamay ko, kinuha ko sa bulsa ko yung usb at sa gilid ko naman yung folder, inabot ko 'yon sa kaniya at dahan-dahang tumayo saka pumunta sa harapan, ngayon ramdam ko na yung kaba nila.
Sinet up ko na sa computer yung presentation ko, I cleared my throat, tumingin ako sa kanila lalo akong kinabahan dahil seryoso silang naka tingin sa'kin.
Inumpisahan ko na ang presentation ko, agad din naman akong natapos dahil maikli lamang ang naihanda ko dahil 'yon lang ang kinaya ng mga design ko, tumingin ako kay Kale at tumango-tango siya habang tinitingnan ang folder ko.
"Pag aaralan ko pa ang mga folder niyo ng mas mabuti para makapili ako ng dalawa na ipapasa natin sa head," sambit niya, inayos na niya yung mga folder, "Meeting adjourned, you may now go," dagdag pa niya.
Isa-isa silang lumabas sa meeting room at kami ni Kale ang naiwan, inayos ko naman yung mga pinag gamitan habang si Kale ay inaayos yung mga gamit niya.
"Sabay na po ba tayong pupunta sa office?" Tanong ko, ibinaling niya ang tingin niya sa'kin.
"Hindi! Mauna kana may ime-meet pa kasi ko sa baba eh!" Sambit niya, tumango ako at kinuha na yung gamit ko.
"Nga pala Liezel," agaw niya sa atensyon ko, lumingon ako sa kaniya, "May gagawin kaba mamaya pag out mo?" Tanong niya.
Napalunok naman ako sa tinanong niya, "Wala naman po," magalang kong sagot, bahagya siyang nag smirk ngunit itinago din 'to agad.
"Napaka galang mo naman tayo lang namang dalawa dito," pabiro niyang sabi, tumingin ako sa paligid at kami na ngalang dalawa ang natira.
"Sorry nasanay lang," saad ko, tumango-tango siya at tumayo na.
"If okay lang sa'yo, puwede ba kitang ihatid mamaya?" Tanong niya, biglang naging seryoso ang expression niya at biglang tumahimik ang paligid natagalan ako bago sumagot.
"Puwede naman," maikli kong sagot, napangiti siya sa sinabi ko.
"Kung gano'n hihintayin kita mamaya sa parking lot," saad niya, nag lakad siya palabas ng meeting room habang ako ay pinipigilan ang kilig ko.
Kinuha ko na ang bag ko at nag lakad papunta sa department namin, sumakay na'ko ng elevator at sakto namang nakasalubong ko si Ben.
"Oh! Lie, san ka galing?" Tanong niya, pumasok ako at pinindot ang floor namin.
"Meeting room, ikaw? 'di ba sa 4th floor ang department niyo bakit pataas ka?" Tanong ko, bigla namang bumusangot ang mukha niya.
"May mga ipapasa akong papeles sa head," sambit niya, tinapik ko siya ng bahagya at ngumiti.
"Kaya mo 'yan ikaw paba," nakangiti kong sambit, ngumiti siya sa'kin pabalik.
"Nga anong oras ka uuwi? Sabay na tayo," sabi niya, tumingin ako sa kaniya.
"Mauna kana...ano kasi....ihahatid ako ni Kale," sambit ko, tumango-tango lamang siya at bahagyang ngumiti, nag bukas na ang elevator at tinapik ko siya sa braso.
"Mauuna na'ko, kaya mo yan fighting!" Sigaw ko bago tuluyang mag sara ang elevator, nakangiti lamang siya.
Nag lakad na'ko papunta sa opisina namin, pag pasok ko ay nagulat ako dahil bigla akong sinalubong ni Denise.
"Liezel!" Tawag niya sa'kin at dali-daling tumakbo papunta sa'kin.
"Oh! Bakit?" Tanong ko.
"May babae kasi do'n hinahanap si Mr. Escarra," saad niya, tiningnan ko yung babaeng tinutukoy niya, naka black siyang jacket at may gloves na pang motor sa kamay niya naka black din siyang sando at pants, naka rubber shoes naman siyang puti, black na black din ang buhok niya ngunit maputi at simple lamang tingnan ang mukha niya.
Tinitigan ko pa siyang mabuti, mag kasing tangkad lamang kami at matangos ang ilong niya, medyo singkit ang mga mata niya at meron siyang mahahabang pilik mata, kulay pink ang labi niya at maganda ang hubog ng katawan niya, nilapitan ko siya agad naman siyang tumingin sa'kin.
"Excuse me Miss, I heard hinahanap mo daw si Mr. Escarra, may I know kung sino ka?" Tanong ko, ngumiti siya sa'kin at inilahad ang kamay niya.
"I'm Vanessa, Rowan's fiancé," sambit niya, natigilan naman ako dahil sa sinabi niya, nakangiti siya sa'kin habang naka lahad ang kamay niya.
"Oh! Mr. Escarra." Napalingon naman ako sa likod ko ng banggitin ni Denise ang pangalan ni Kale, tininganan ko siya at mukhang gulat na gulat siyang makita yung babaeng nasa harap ko, binawi na no'ng babae yung kamay niya.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomantikSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...