Third Person pov
Ilang buwan na ang nakalipas at habang tumatagal ay nag kakaro'n na ng distansya sina Kale at Liezel, distansya pero hindi sa maling paraan kundi sa mabuti, malinaw narin sa kanilang dalawa ang feelings nila sa isa't isa ngunit dahil sa nasabing enagagement ay pinili nilang mag karo'n muna ng distansya sa isa't isa upang maging respeto na din kay Van at habang hindi naayos ni Kale ang mga bagay-bagay.
Ngunit sa kabilang dako naman ay habang tumatagal ay napapalagay na din ang loob nina Ben at Van sa isa't isa mas naging malapit sila hindi na rin ni Ben masyadong sinusungitan si Van.
Kasalukuyan silang nasa opisina ngunit pinatawag sila sa Direstors' Office dahil may mahalaga silang Project.
"Sa tingin mo bakit kaya tayo pinatawag ng Director?" Tanong ni Van kay Ben habang nag lalakad sila papunta sa elevator.
"Hindi ko alam, dapat tinanong mo, Tito mo 'yon 'di ba," sagot naman ni Ben, umirap lamang si Van at sakto namang bumukas na ang elevator, nagulat sila nang makita sina Liezel at Kale sa loob nito. Panandalian silang natigilan. Si Ben ay napatingin kay Liezel habang si Van naman ay napatingin kay Kale.
"Hindi ba kayo papasok?" Tanong ni Kale, natauhan naman ang dalawa at pumasok na, umisod naman sa mag kabilang gilid sina Kale at Liezel kaya naman napapagitnaan sina Van at Ben.
Tahimik ang loob ng elevator na pati pag hinga ay maririnig mo, patuloy na tumataas ito mula sa pinaka tuktok na parte ng building.
"Teka Lie, Saan ba kayo papunta?" Tanong ni Ben, lumingon sakaniya si Liezel at napalingon narin si Van ngunit hindi naman lumingon si Kale at naka tingin parin siya sa kaniyang harapan.
"Papunta kaming Directors' Office, kayo?" Tanong ni Liezel.
"Oh! Sakto namang pala eh! Do'n din kami papunta," saad ni Ben, bahagya niyang tinapik si Liezel at ngumiti.
"Talaga? Bakit kaya tayp pinatawag no?" Tanong ni Liezel, itinaas baba naman ni Ben ang dalawang balikat niya.
"Hindi ko alam," sabi niya, nag bukas na ang elevator at sabay-sabay na silang lumabas, naunang mag lakad sina Kale at Van habang nahuhuli naman sina Ben at Liezel.
"Nakausap mo na ba siya about sa engagement?" Tanong ni Van kay Kale, diretsyo lamang ang lakad nila at hindi sila lumilingon sa likuran.
"Oo, it took me time bago ko tuluyang mapaliwanag sa kaniya and we agreed na aayusin ko muna yung family matter ko bago naming ayusin kung ano yung naudlot naming dalawa," paliwanag naman ni Kale, bahagyang inilingon ni Kale ang kaniyang ulo upang hanapin si Liezel, natigilan siya sa pag lalakad no'ng makita niyang masyado siyang napabilis at napag iwanan na sina Ben at Liezel sa likod.
"Kelan kaya tayo ulit iinom?" Tanong ni Ben kay Liezel.
"Sus! Puro ka inom eh! Mahina kanaman," pang aasar ni Liezel ay Ben, bahagya namang napatawa si Ben.
"Wow ah! Nag salita ang tumba na matapos uminom ng isang bote," natatawang bawi ni Ben, tinulak siya ni Liezel sa braso.
"Ang yabang mo!" saad ni Liezel sabay irap, natawa lamang si Ben.
"Bakit ba! Nag sasabi lang ng totoo eh!" Natatawang saad ni Ben,inirapan naman siya ni Liezel.
"Gago kaba! Panong hindi ako tutumba e soju ininom natin tapos sakin pa yung last shot, tuktukan ko ngalangala mo eh! Ginugulangan mo ko," may inis sa mukha ni Liezel habang si Ben ay tumatawa, bahagya uling itinulak ni Liezel si Ben ngunit this time ay medyo napalakas kaya muntik nang masubsub si Ben kaya dali-daling inalalayan siya ni Liezel habang tumatawa.
"Nakakarami kana ah!" Sigaw ni Ben, natatawa namang inalalayan siya ni Liezel.
"Sorry!" Natatawang saad ni Liezel habang hawak ang braso ni Ben, pag lingon nila sa harapan ay nakita nila sina Kale at Van nakahinto.
Agad namang napabitaw si Liezel sa pag kakakapit niya kay Ben no'ng makita niya ang seryosong itusra ni Kale, nag madali rin silang nag lakad.
"Masyado kayong mabagal mag lakad baka hinihintay na tayo ni Director," seryosong sabi ni Kale habang nakatingin nang diretsyo kay Liezel tumalikod siya at inilagay ang isang kamay sa kaniyang bulsa.
Nang makarating na sila sa pintuan ng Direstors' Office ay si Kale na ang kumatok habang silang tatlo ay nasa likuran niya, agad ding nag bukas ang pinto at pumasok na silang lahat.
Sabay-sabay silang nag bow upang mag bigay galang sa Director at umupo na sila sa sofa.
"Mabuti naman ay sabay na kayong pumunta dito," saad no'ng Director.
"Maari po ba naming malaman bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ni Kale, bahagyang napangiti ang director sa kaniyang narinig.
"Kaya gustong-gusto kita para sa pamangkin ko Mr. Escarra dahil straight to the point ka," saad nong Director, nag katingin naman silang lahat at panandaliang natahimik.
"Oh! Siya tutal mukhang marami pa kayong gagawing trabaho nais ko nang pabilisin itong usapan na 'to," saad pa niya, tumayo siya at inabot sa kanila ang isang folder, kinuha naman 'yon ni Van.
"Mag kakaro'n tayo ng isang malaking event at nais kong kayo ang humawak nito, hindi basta basta ang magiging guest natin sa event na ito kaya naman hinahangad ko ang inyong kooperasyon, Kale bilang head ng Design Department kasama na din ang Secretary mo na si Liezel nais kong kayo ang mag lead sa gaganaping event na ito," paliwanag niya, inabot naman ni Van kay Kale yong folder.
"While kayo naman Van and Ben bilang member and manager ng Marketing Department gusto kong kayo ang mag manage sa mga guest, ito ang pinaka important roles kaya umaasa ako sainyong dalawa," dagdag pa niya, nag katinginan lamang si Van at Ben.
"Do you think kaya niyo ba?" Tanong nong Director at tumingin sa kanila.
"Yes! Kaya po namin," saad ni Kale, tumango naman silang tatlo.
"Kong gano'y goodluck, makakaalis na kayo,"
"Lie! Sabihin mo sa mga member natin na mag kakaro'n tayo ng meeting mamayang 4pm," utos ni Kale habang nag lalakad sila papunta sa elevator, tumango lamang si Liezel at sumabay na ng pag lalakad kay Kale.
"Hindi ba dapat iisa lang ang meeting natin tutal nasa iisang project lang naman tayo," singit naman ni Ben, napatigil naman sa pag lalakad si Kale dahilan upang mabangga siya ni Liezel sa kaniyang luikuran dahil hinahabol siya ng lakad nito, bahayang napalingon si Kale kay Ben.
"Yes! Nasa iisang project tayo but we have different task kaya naman hindi na 'yon necessary," sagot naman ni Kale.
"But I think tama si Ben, paano naming ihahandle yung mga guest if hindi namin alam yong gagawin niyo," sagot naman ni Van, napatingin naman silang lahat sa kaniya, napalingon naman agad si Kale kay Liezel na para bang hinihingi ang kaniyang saloobin.
"Siguro I meet nalang muna natin yong mgakasamahan natin at sabihin sa kanila yong project then mag meet as a group,okay ba 'yon?" Tanong ni Liezel, tumango naman silang tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/310034797-288-k323263.jpg)
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...