Liezel pov
Inikot ko muna ang buong silid bago tuluyang maupo, ngunit hindi pa 'ko nakakaupo ay biglang nag bukas ang pinto kaya dali-dali akong napatayo.
"Kanina kapa ba nag hihintay? Pasensya na may urgent call lang akong sinagot," sambit ng lalaki sa likuran ko, dagli akong humarap upang tingnan kong sino 'yon at si Konsehal Escarra pala.
"Ayos lamang po 'yon maganda naman po ang tanawin kaya nalibang din po ako," sagot ko, ngumiti ako ng bahagya no'ng tumigil siya sa tapat ko.
"Okay have a seat! Para makapag simula na tayo," sambit niya, hinila ko ang upuan sa harapan ko't sabay kaming umupo.
"I've read your entry and napansin kong it's quite good napaliwanag mo ng maayos kung bakit capable ka sa position na inooffer namin sa'yo but i have one question and if nasagot mo 'to and nagustuhan ko 'yong sagot mo ibig sabihin tanggap kana," paliwanag niya, tumango-tango lamang ako.
"Here's the question, anon gagawin mo para mag stay yung isang dayo dito sa bayan natin?" Tanong niya, huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sumagot, ikinalma ang sarili.
"At first po ipapakita ko muna sakaniya ang ganda ng Quezon, ang pamumuhay na meron sa 'ting bayan lahat 'yan ay ipapaalam at ipaparanas ko sa kaniya, ngunit kung tatanongin niyo po 'ko kung pa'no ko siya mapapanatili dito siguro po hindi ko kayo masasagot jan dahil na sasakaniya po ang sagot sa inyong tanong, kung nais niya po bang manatili sa kabila ng kaniyang mga nakita, naranasan etc. Siya lamang po ang tanging makakasagot niyan, dahil hindi naman po natin puwedeng pilitin ang isang tao na magustuhan ang isang bagay kung hindi naman po talaga nila 'to gusto," sagot ko, para akong naginhawaan sa sinabi ko.
Tumingin ako sa reaksyon niya't parang naalis ang kunot sa mga noo niya't bahagyang ngumiti.
"Congratulations Ms. Liezel tanggap kana," saad niya, bahagya akong natulala dahil sa sinabi niya ngunit agad ding bumalik ang ulirat ko ng iabot niya sa'kin ang palad niya upang kamayan ko siya, agad akong tumayo't hinawakan ang kamay niya.
"Maraming salamat po!" Mangiyak-ngiyak kong sambit habang kinakamayan siya, bumalik kami sa pag kakaupo.
"Bukas kana mag sisimula, bukas mo na din makikilala kung sinong magiging boss mo," sabi niya, tumayo siya't pumunta sa malapit sa terrace.
"Ahm! Konsehal Escarra maari po bang malaman kung sino yung magiging boss ko?" Tanong ko, sandali siyang natigilan sa sinabi ko, medyo kinabahan ako dahil sa naging reaksyon niya.
"Ang pamangkin ko," maikli niyang sambit.
Ilang minuto pa ang lumipas ay umalis na 'ko sa mansion upang ihayag ang magandang balita sa pamilya ko.
Inutusan ni Konsehal Escarra ang isa niyang body guard na ihatid ako hanggang sa'min dahil medyo mahirap kumuha ng masasakyan dito sa subdivision kung nasa'n ang Escarra Mansion.
Nang makarating na 'ko sa bahay ay napansin kong lahat sila'y nasa sala, teka hinihintay ba nila ako?
"Oh! Ayan na si Liezel!" Sigaw ni Kuya, sabay sabay silang tumingin sa'kin at awkward akong ngumiti sa kanila.
"Kamusta? Tanggap kaba?" Bungad na tanong sa'kin ni Mama, kita sa mga mukha niya at mga tingin niya ang pag aalala.
"Tch!" Narinig kong bulong ni Heaven, tumingin siya sa'kin at she rolled her eyes.
"Hoy! Ano? Natanggap kaba?" Singit naman ni Kuya hindi ko napansing naka tingin din pala siya sa'kin.
Bahagya kong inalis ang mga ngiti sa mga labi ko't tiningnan ang reaksyon nila at agad din 'tong ibinalik.
"Natanggap ako!" Sigaw ko, agad naman akong niyakap ni Mama habang si kuya'y parang gustong tumalon sa kinauupuan niya habang si Heaven ay halos maalis na ata ang mata niya sa kaka rolled eyes niya.
"Sabi ko naman sayo't matatanggap ka eh! Ibabalita ko 'to sa mga tita mo." Kita sa mga ngiti ni Mama na masaya siya para sa'kin.
"Oh! Siya kumain na tayo't nagugutom na 'ko," singit naman ni Heaven at padabog na pumunta sa lamesa, hindi nalang namin siya pinansin at sabay sabay kaming pumunta sa hapag kainan.
"Nga pala nasan si Papa?" Tanong ko.
"Nasa laot baka bukas pa ang uwi no'n," saad ni Kuya, inabutan niya ko ng pinggan at kinuha ki naman 'yon.
"Nga pala alam mo naba kung sino yung magiging boss mo?" Tanong ni Mama, tumingin ako sa kaniya habang kumakain.
"Yung pamangkin niya daw Ma," sagot ko, bigla namang nabuga ni Heaven yung iniinom niyang tubig dahil sa sinabi ko, nabaling sa kaniya lahat ng tingin namin dali dali siyang nag punas at tumingin sa'kin.
"A-Ano?" Gulat niyang tanong.
"Kadiri ka naman! Kababaeng tao mo ang balahura mo!" Sigaw naman ni Kuya, tumayo siya upang kumuha ng bagong pinggan natapon kasi sa kinakain niya yung tubig na galing sa bibig ni Heaven.
"Che! Teka nga anong sabi mo Liezel? Sinong magiging boss mo?" Tanong niya ulit habang titig na titig sa'kin.
"Yung pamangkin nga ni Konsehal Escarra bingi kaba," banat ko.
"Bakit ba ano bang meron jan sa pamangkin ni Konsehal Escarra at masyado kang oa ha?" Nakakunot na tanong ni Kuya.
"Oh! My! G! Hindi niyo kilala ang isang Rowan Kale Escarra?" Maarte niyang tanong sa'min with takip pa ng bibig, nag tinginan naman kami nina Kuya at Mama sabay tingin ulit sa kaniya at umiling.
"Hindi! Sino ba 'yon ang oa mo ha!" Sambit ni Kuya at tinaasan niya ng kilay si Heaven.
"Jusko po! Okay let me introduce to all of you ang future fiancé ko, si Rowan Kale Escarra, 20 years old tall not that dark but morena guy and specially handsome, kasalukuyan siyang nag aaral sa Oxford University i didn't know exactly kung anong course niya eh! Pero may connect siya sa law, pero ngayon habang bakasyon siya gusto niyang ikutin ang buong Pilipinas at hindi ko aakalaing dito sa Quezon ang uunahin niya," paliwanag niya with kilig pa, i rolled my eyes dahil na cri- cringe ako kay Heaven.
"Sa tingin mo mag kakagusto sayo yang tall, handsome, not that dark but moreno guy na 'yan? Eh! Nung narinig ko palang yung Oxford halatang matalino na, halata ding hindi papatol sa kagay mo," pang aasar naman ni Kuya.
"Excuse me! Maganda naman ako no!" Bawi niya, napailing lang kami ni Mama dahil sa kanilang dalawa.
"Excuse me kajan! Bakit dadaan kaba? Saka tigilan niyo na nga yang porke maganda gustuhin agad hoy! Hindi lahat ng lalaki tumitingin sa panlabas na anyo no! Yung iba ito at ito ang basehan," paliwanag ni Kuya sabay turo sa utak niya at puso.
"Che! Basta future fiancé ko siya, hindi nga lang niya alam," sambit ni Heaven, napailing nalamang kami nina Mama at Kuya dahil ke aga aga nananaginip 'tong si Heaven.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...