Liezel pov
Nasa opisina kami ngayon ngunit wala pa si Kale dahil nasa meeting pa siya at ako lamang ang naiwan dito sa loob ng opisina niya, medyo maraming papers ang gagawin ko ngayong araw kaya naman busy din ako, nito kaming mga nakalipas na araw ay mas marami nang mga projects ang dumadating sa'min kaya natatambakan kami ng mga paper works.
Isang katok mula sa pinto ang pumukaw sa atensyon ko, tumungo ako doon upang pag buksan kung sino ito ngunit isang naka suit na lalaki na siguro'y nasa singkwenta na ang nasa harapan ko ngayon, tinitigan ko siyang mabuti hindi siya isa sa mga empleyado dito.
"Pasensya na po, maari ko po bag tanungin kong anong kailangan niyo? May appointment po ba kayo kay Mr. Escarra?" Tanong ko sa kaniya, tumingin siya diretsyo sa mga mata ko kaya naman bahagya akong napaatras.
"Ikaw ba si Liezel Alvarez?" Tanong niya, lahat ng katrabaho ko'y naka tingin sa'min.
"Yes po, sino po kayo?" Tanong ko.
"Im Johan, may nais pong kumausap sainyo, nag hihintay napo siya sa cafeteria," saad niya, nag give way siya upang makadaan ako at hinawi ang kamay niya kung saang direksyon ako dapat pumunta.
Kinakabahan akong sumunod sa kaniya, nang makarating na kaming cafeteria ay nagulat ako dahil walang katao-tao dito kundi ang isang matandang babae lamang na naka upo sa di kalayuan habang umiinom ng kape.
Tumingin ako don sa lalaki at sumenyas siya na mag patuloy lamang ako haggang sa marating ko ang kinauupuan ng matandang babae, ngayon ko lamang siya nakita ngunit parang familiar na siya sa'kin para bang nakita ko na siya kung saan.
Tumingin siya sa'kin at sinenyasan akong umupo sa harapan niya.
"Maari ko po bang malaman kung sino kayo?" Tanong ko, tumingin ako sa paligid at walang katao-tao sa paligid namin kundi kami lamang dalawa nawala na rin yung mga taong nag hatid sakin kanina, napansin kong naka upo siya sa wheel chair habang kalmadong umiinom ng kape, marahan niyang iniabot sa'kin ang isang brown envelop.
"Para po saan 'to?" Tanong ko, tumingin lamang siya sakin at sinenyasan akong buksan ko, pag bukas ko'y lumaki ang aking mga mata sa nakita ko, mga larawan namin ito ni Kale, narito yung larawan namin kung saan hinatid niya ako sa tapat ng bahay namin.
Kasama na ang iba pa naming larawan na halos kuha lamang noong mga nakaraalinggo.
"Maari ko po bang malaman kung bakit meron kayo nitong mga 'to? At kung sino po kayo?" Naguguluhan kong tanog.
"Pasensya na kung ngayon lamang ako mag papakilala, ako nga pala ang Mother ni Rowan, im Mrs. Escarra." Tumingin siya sa'kin gamit ang kaniyang seryosong mga mata.
"Siguro naman aware ka sa nalalapit na kasalan ng aking anak at nakakatiyak naman akong alam mo na ang bagay na 'yon Ms. Alvarez," saad niya, napatungo nalamang ako.
"I don't want to waste your time so sasabihin ko na kung anong punto ko," dagdag niya pa, tumingin ako sa kaniya.
"Dahil sa nalalapit na kasal ng aking anak ayaw ko siyang nakikitang may kasamng kung sino-sino lamang na babae bukod sa mapapangasawa niya, siguro naman aware ka na kami ang may ari ng mga malalaking kumpanya dito kaya malaki ang ikakasira ng chismiss sa apilyedo namin."
"Alam ko kung anong namamagitan sainyong dalawa ng anak ko kaya naman narito ako upang kausapin ka na kung ano man yang namamagitan sa inyo ay mas mabuting pang itigil niyo nalamang dahil sooner or later ikakasal na siya at siguro naman hindi ka papaya maging kabit hindi ba," sambit niya, bawat lumalabas sa mga labi niya na mga salita'y parang bala itong dumatama diretsyo sa puso ko.
"Ikaw ang kinausap ko iha dahil alam kong mapapakiusapan kita," saad niya, hinawakan niya ang kamay ko't tumingin ako sa kaniya.
"You don't know kung anong pinag daanan ni Kale makarating lang siya sa kinatatayuan niya ngayon kaya naman ayaw kong masira lamang lahat ng 'yon dahil dito," dagdag niya, tiningna ko ang hawak niya sa kamay ko, bahagya siyang naka ngiti sa'kin, sa mga puntong 'to ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...