CHAPTER 29

1 0 0
                                    

Liezel pov

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang araw na 'yon, parati akong hinahatid ni Kale ngunit never niya akong kinulit about sa paliwanag niya, tuwing ihahatid niya ko'y nag papaalam lamang siya at sinasabi niyang bukas nalamang ulit ngunit hindi niya inoopen ang paliwanag niya about sa engagement, ilang araw na akong wala masyadong tulog dahil do'n gusto ko nang marinig ang paliwanag niya ngunit natatakot ako sa sasabihin niya.

Narito kami ngayon sa isang resto dahil birthday ni Jema kaya naman matapos ang trabaho ay dumiretsyo kami dito, nag iinuman ang iba habang ang iba naman ay nag kakantahan kami naman ni Kale ay pasimpleng sumusulyap sa isa't isa.

"Kanta kanaman Lie!" Tawag sa'kin ni Denise, lumingon ako sa kaniya at umiling.

"Hindi ako marunong," saad ko, sumimangot lamang sila at itinapat ang mic kay Kale, tumingin si Kale ng may pagkabigla dito.

"Ikaw nalang Mr. Escarra," saad ni Denise, lumingon sa'kin si Kale at ibinaling ulit ang tingin kay Denise.

"Pass muna," maiksi niyang sabi.

"Hoy Denise! Wag mo ngang kulitin sina Mr. Escarra jan," singhal naman ni Jason, inirapan lamang siya ni Denise at saka padabog na pumunta sa kanila.

Napansin kong tumayo si Kale, napatingin naman sila kay Kale.

"Oh! Mr. Escarra aalis kana?" Tanong ni Jema, bahagyang ngumiti si Kale.

"Hindi mag papahangin lang," sambit nito, tumango lamang sila habang ako ay umiinom lang.

Lumabas na si Kale, ilang minuto na nag lumipas at hindi parin bumabalik si Kale kaya naman napagdesisyonan ko na lumabas na din.

"Oh! Lie san ka pupunta?" Tanong ni Denise.

"Hahanapin ko lang si Mr. Escarra," saad ko, tumango lamang siya at tuluyan na 'kong lumabas, hinanap ko si Kale sa hallway ngunit wala siya do'n, hinanap ko din siya sa garden at wala din siya do'n, tumingin ako sa labas at naro'n pa naman yung kotse niya, tumingala ako at nakita yung rooftop baka naro'n siya, nag madali akong pumasok at sumakay sa elevator pinindot ko ang boton patungo sa pinaka taas na building saka ako lumabas sa fire exit at dumiretsyo sa rooftop.

Pag bukas ko ng pinto ay napalingon naman si Kale na naka tayo habang naka lagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya, halata sa itsura niya na nagulat siya sa pag dating ko.

"Hinahanap kasi kita, malapit na daw tayong umalis," palusot ko.

"Eh! Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nakikisaya sa loob?" Sunod-sunod kong tanong, lumapit ako sa kaniya at tumabi sa kinakatayuan niya.

"Wala lang, may mga iniisip lang ako, gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin," saad niya, "Na may konting polusyon," pabiro niyang sabi, bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Panandalian kaming natahimik, simula sa oras nato'y paulit-ulit ng umeeco sa utak ko na tanungin na siya about sa engagement ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Ang ganda pag masdan ng mga bituin no," sambit niya, napalingon ako sa kaniya.

"Oo nga! Ang ganda nila pag masdan," saad ko, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya, bigla siyang lumingon sa'kin, nag tama ang mga mata namin at para bang nag uusap ang mga ito.

Iniwas ko ang tingin ko at tumingala, ngunit ramdam ko parin ang mga titig niya sa'kin.

"Alam mo ba, may mga sabi-sabi na kapag daw maraming bituin sa langit hindi uulan," pag aalis ko sa tension na namumuo saming dalawa.

"Talaga? Sino namang nag sabi?" Natatawa niyang tanong.

"Sabi ng mga matatanda," sagot ko.

"Tara na? Hinahanap na ata nila tayo," saad niya, tumalikod siya ngunit hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga bituin.

"Puwede ko na bang marinig yung explination mo about sa engagement?" Natigilan siya dahil sa sinabi ko, lumingon siya ng bahagya kasabay ng pag tungo ko.

"Maari ko na bang sabihin sa 'yo?" Tanong niya, lumingon ako sa kaniya nakaharap nap ala siya sa'kin, bahagya akong tumango, nag lakad ulit siya pabalik sa'kin.

"Hindi ako mag rereac habang nag kwe-kwento ka, makikinig lamang ako," saad ko, bahagya siyang ngumiti, mag katapat na kaming dalawa ngayon.

"Nakilala ko si Van no'ng nag aaral ako sa Canada, we become friends," panimula niya.

"Pinakilala ko siya kay Mommy bilang kaibigan nagustuhan naman siya ni Mommy, not until dumating yung araw na kinatatakutan ko, lalong lumalala yung sakit ni Mommy and she want me to get merried bago siya mamatay, gusto niya kong makitang mag pakasal kaya naman kinausap niya yung Daddy ni Van na nag kataon namang kaibigan niya rin at pinag kasundo kami," saad niya, para akong nabunutan ng tinik no'ng marinig ang paliwanag niya.

"Yung Mommy mo ba ang dahilan kung bakit bigla kang umalis sa Quezon?" Tanong ko, tumingin siya sa'kin at tumango.

"No'ng araw na umalis tayong dalawa, si Mang Kiko yung tumawag then sinabi niya na isinugod daw sa ICU si Mommy kaya dali-dali akong napalipad sa Canada and hindi na'ko nakapag paalam," saad niya, bahagya kong tinapik ang balikat niya at ngumiti.

"Ano namang sabi ni Vanessa about sa engagement?" Tanong ko.

"Syempre hindi kami pumayag at first but yung Daddy niya gumawa ng contract at tinakot si Van upang pumirma do'n kaya naman napa pirma siya kasi wala siyang choice, habang ako naman hindi ko pa 'yon pinipirmahan, gusto ko muna sanang i- settle kung anong meron samin ni Van bago ko sana sabihin sa'yo but okay na rin na nalaman mo, nawala na yung bigat sa pakiramdam ko."

"Anong gagawin mo para maayos yung engagement?" Tanong ko.

"I have so many plans in my mind but I just need the right timing para amg work," saad niya, tumango lamang ako.

"Ayusin mo muna 'yan.......saka natin ayusin yung sa'tin," saad ko, tumango lamang siya, napansin kong nakakuyom ang mga daliri niya para bang pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin ako.

Bahagya akong lumapit sa kaniya at niyakap siya, dama ko ang lakad ng kabog ng dibdib niya, naramdaman ko ang higpit ng yakap niya.

"I'm sorry," he whispered, marahan kong hinagod ang likod niya.

"Sorry for what?" I asked.

"For hurting your feelings again, I promise I won't hurt you anymore," saad niya, kumalas ako sa pag kakayakap sa kaniya at hinawakan ang pisnge niya.

"I know," sambit ko, narinig ko namang biglang nag bukas ang pintuan no'ng rooftop kaya dagli kaming napahiwalay sa isa't-isa.

"Oh! Mr. Escarra, Lie narito lamang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap," saad ni Jason.

"Pababa narin kami," saad ni Kale, lumingon ako sa kaniya, nauna na siyang mag lakad at sumunod na ako.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now