Liezel pov
"Maraming salamat Lie, hindi ko inaasahang gan'to kagarbo ang surprise mo," masayang sambit ni Ben, inabutan niya 'ko ng wine glass na may wine na, kinuha ko naman 'to at ngumiti.
"Ako nga dapat ang mag pasalamat sa'yo eh! Kasi kung hindi dahil sa'yo hindi ako makakaabot kung nasa'n man ako ngayon," saad ko, itinaas ko ang wine glass ko at pinag dikit naming dalawa ang mga wine glass namin at sabay na uminom.
"Nga pala nabanggit sa'kin ni MIco na hindi na daw si Francis ang boss niyo, nakilala niyo naba kung sino yung bago niyong boss?" Tanong niya, tatigilan naman ako sa sinabi niya at bahagyang tumungo.
"Pinakilala na kanina ni Francis yung bago naming boss," saad ko, tumingin siya sa'kin na para bang iniintay kung ano yung susunod kong sasabihin.
"So....Sino yung bago niyong boss?" Tanong niya, uminom muna ako at umiwas sakaniya ng tingin.
"Si Kale," maikli kong sabi, halos maibuga niya naman yung iniinom niyang wine nang marinig ang sinabi ko.
"S-Sino?" Tanong niya ulit, I rolled my eyes.
"Si Kale," ulit ko, tiningnan ko siya, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, nakakunot ang mga noo niya habang naka tingin sa'kin.
"'Kale? Yung boss mo na pamangkin ni Konsehal Escarra?" Tanong niya, tumango lamang ako at inubos yung alak na nasa wine glass ko.
"Akalain mo nga naman, napakaliit pala talaga ng mundo no? Anong sabi niya sa'yo no'ng makita ka niya?" Tanong niya, kinuha ko yung wine sa lamesa at sinalinan ang baso ko.
"Wala! Nag ka titigan lang kami na parang walang nangyari," sagot ko.
"Ayos kalang ba?" Tanong niya, tiningnan ko siya at bakas sa mukha niya ang pag aalala, bahagya akong ngumiti bago inumin yung alak na nasa wine glass ko.
"Oo naman! Kung wala na sakaniya yung nangyari before edi wala na din sa'kin 'yon atsaka limang taon na din ang lumipas," paliwanag ko.
Natapos ang kasiyahan at oras na para umuwi nauna na sina Tita at Tito na umuwi habang yung mga kaibigan ni Ben ay isa-isa na ding nag sisiuwian.
"Sabay na tayo umuwi," sambit ni Ben habang inaayos yung mga lamesa.
"Syempre kanino paba 'ko sasabay kundi sa'yo lang naman," pabiro kong sambit.
"Nga pala bakit hindi mo sinama sina Denise saka yung iba mong ka office mate?" Tanong ni Ben.
"May dinner sila kasama si Kale eh! Kaya hinayaan ko nalang," sagot ko, tumango laamng siya at sabay na kami lumabas.
Pag labas naming dalawa ay may napansin akong parang familiar na motor na naka park sa tapat namin.
"Wait! Hindi ba motor 'yon ni Jason?" Tanong ko kay Ben, itinuro ko yung pulang click na motor na naka park sa harapan, tinitigan naman 'to ng mabuti ni Ben.
"Oo nga no!" Sagot niya, nagulat ako dahil biglang lumabas sina Denise at yung iba pa kasama na si Kale.
"Oh Liezel!" Tawag sa'kin ni Denise, kumaway siya mula sa gate, tiningnan ko si Kale at agad naman siyang lumingon nang tawagin ni Denise yung pangalan ko.
Nag tinginan kami ni Ben at lumapit naman sila sa'min.
"Oy! Dito din pala venue niyo dapat nag sama-sama nalamang tayong lahat," pabirong sabi ni Jason.
"Happy birthday nga pala pre!" Bati niya pa kay Ben saka kinamayan 'to.
"Hindi ko naman alam na jan din pala venue niyo," saad ko, nakatayo lamang si Kale habang naka tingin sa'kin pinipilit kong hindi tumingin sa kaniya ngunit minsan ay nag tatama ang mga tingin naming dalawa.
"Happy birthday Ben!" Bati ni Denise, ngumiti lamang si Ben at tumango, "Nga pala si Mr. Escarra, siya na yung bagong boss namin," dagdag niya pa, nag step forward si Kale at inilahad ang kamay niya upang makipag shake hands.
"Rowan Kale Escarra," diin niya, napapagitnaan nila akong dalawa dahil sa harapan ko sila nakatayo.
"Ben Benitez, manager ako ng Marketing Department," sambit naman ni Ben, tumaas naman ang kilay ni Kale at tumango, nag shake hands sila, tumingin naman sa'kin si Kale agad akong umiwas ng tingin at napansin ko ding tumingin din sa'kin si Ben.
"Pauwi naba kayo?" Tanong ko, ramdam ko ang tension sa kanilang dalawa kaya bigla kong iniba ang usapan, inalis nanila ang mga kamay nila sa harapan ko at bumalik sa kaniya-kaniya nilang puwesto.
"Yup! Kayo?" Tanong ni Denise.
"Same lang pala," sagot ko.
"Gusto mo ihatid na kita Ms. Liezel?" Tanong ni Kale, hinila naman ako ni Ben at tiningnan ng seryoso si Kale, halos mahilo na 'ko kakatingin sa kanilang dalawa.
"Ay nako! Mr.Escarra hayaan na po nating si Ben ang mag hatid sa kaniya total iisa lamang naman po yung tinitirhan nilang dalawa," singit naman ni Denise, halata sa itsura ni Kale ang pag kabigla ngunit hindi niya nalamang pinahalata.
"Gano'n ba? Sige mag ingat nalamang kayo," saad niya, tumalikod siya at nag lakad papunta sa kotse niya.
"Sige na mauuna na kami, kita kits nalang bukas," paalam ko sa kanila, sumakay na si Ben sa motor at inabot sa'kin yung helmet, kinuha ko 'yon at sinuot saka sumakay na sa huling pag kakataon ay muli kong sinilip si Kale ngunit nasa loob na siya ng sasakyan.
***
Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa wine na ininom namin kagabi ni Ben, ngunit kailangan ko paring pumasok dahil maraming pinapagawa si Kale sa'kin marami kasing naiwan na trabaho si Boss Francis e kaya si Kale nalamang ang nag tuloy.
"Goodmorning Lie!" Bati sa'kin ni Denise, lumingon-lingon siya sa paligid na para bang may hinahanap, papasok palamang kami ng company.
"Aba! Himala hindi ka ata hinatid ni Ben," pang aasar niya, araw-araw nalamang lagi nilang inaabangan ang pag dating ko kasama si Ben.
"May aasikasuhin siya eh! Kaya naka leave siya ngayon hindi na'ko nag pahatid," sagot ko, tumango lamang siya ngunit nag taka naman ako dahil bigla siyang ngumuso, kumunot ang nook o, lumapit siya sa'kin ng bahagya.
"3 o'clock ," bulong niya, tumingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko si Kale na papasok lamang din ng opisina, sasabihan ko sana si Denise na 'wag nang tawagin ngunit huli na'ko.
"Mr. Escarra!" Tawag ni Denise, napapikit nalamang ako at bumuntong hininga, lumingon naman si Kale at tumigil sa pag lalakad, ngumiti ako at kumaway upang hindi niya naman maisip na iniiwasan ko siya.
Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator ngunit walang nag sasalita sa'min, tahimik lamang kami sa loob ng elevator.
"Malapit lang ba ang tinitirhan mo dito Ms. Liezel?" Basag niya sa katahimikan, tumingin ako sa kaniya ngunit hindi siya naka tingin sa'kin.
"Opo! Kaya po isang sakayan lamang," sagot ko, umiwas ako ng tingin at napansin kong naka tingin pala siya sa'kin mula sa salamin nang elevator, tumungo ako nang bahagya.
Bumukas ang elevator sa ika lamang palapag ngunit hindi pa do'n ang opisina namin, lumabas si Kale ngunit nakarang lamang siya sa pintuan.
"Btw! Nice necklace Ms. Liezel," sambit niya, bahagya niyang ibinaling sa'min ang ulo niya at napansin kong nag smirk siya saka tuluyang nag lakad palayo, hinawakan ko ang necklace na binigay niya at nakalabas na pala 'to, suot ko ito palagi ngunit tinatago ko lamang sa loob nang damit ko.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomantiekSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...