Liezel pov
Kagaya ng dati ay maaga kaming nagising at sabay naming pinanood ang pag sikat ng araw, nag take lang siya ng ilang picture habang ako ay nakaupo lamang sa batuhan.
"The sun rise is beautiful isn't it?" Tanong niya, napalingon ako sa kaniya at umupo siya sa tabi ko.
"Yes! It's beautiful," sagot ko, nakatingin lamang kami sa pakisat na araw, napaligon naman ako sa kanang kamay niya at nakita kong suot niya ang panali ko.
"San kana pupunta pag tapos mo dito?" Tanong ko, napalingon siya sa'kin at agad ko namang ibinaling ang tingin ko sa kaniya.
"I don't know! Sabi ni Tito ipapadala niya daw ako sa Canada para ipag patuloy yung pag aaral ko do'n, bakit mamimiss mo 'ko?" Pabiro niyang tanong, tiningnan ko siya at inirapan, tinapik niya ko at tumingin ako sa kaniya habang siya ay naka ngiti ng nakakaloko, itinaas baba niya ang dalawang niyang kilay.
"Tsss! Konti," sagot ko, narinig ko ang mahinang tawa niya, bigla naman niya akong sinabuyan ng tubig.
"Oy!" Sigaw ko, gulat siyang tumingin sa'kin at itinaas ang dalawa niyang kamay.
"Sorry!" Sabi niya sabay takbo papunta sa dagat, hinabol ko naman siya.
"Humanda ka sa sakin kapag nahuli kita!" Sigaw ko, tumawa lang siya.
Nang makarating kami sa dagat ay binasa ko siya at gumanti naman siya.
"Ano ba! Wala akong pampalit!" Sigaw ko pero parang wala siyang naririnig patuloy lang siya sa pag basa sa'kin kaya ginagantihan ko lang siya.
Ngayon ko lang nakita si Kale na gan'to kasaya, makikita mo sa mga mata niya ang kagalakan, patuloy lang kaming nag tampisaw sa dagat at nag basaan hanggang sa tuluyan na kaming dalawang lumoblob sa dagat.
Hinawakan niya ang kamay ko na may mga ngiti sa mga labi niya at sabay kaming sumisid.
Ilang minuto pa ang lumipas ay umahon na din agad kami dahil masyado ng tirik ang araw baka masunog kami, nag pahinga muna kami sa lilim habang iniintay ang Bangka na sasakyan namin.
"Oh! Baka mag kasipon ka," sambit niya sabay inilagay ang towel sa balikat ko, umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.
"Lalim no'n ah!" Puna ko habang tinutuyo ang buhok ko.
"Hindi naman mababaw lang," pag bibiro niya, nag tawanan kami at nag tama ang mga tingin namin sa isat-isa.
"Bakit?" Tanong niya, nakatingin lang siya sa'kin habang ako naman ay umiwas ng tingin.
"Wala lang! hindi ko kasi aakalain na magagawa ko 'yong mga bagay na ganto kasama ka," sambit ko, ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kaniya, ngunit umiwas naman siya ng tingin.
"Liezel! Labas naman tayo," sambit niya out of knowhere.
"Labas? What do you mean?" Tanong ko.
"Labas! Dinner gano'n, you know bago manlang ako umalis kain tayo sa labas," paliwanag niya.
"Date! Niyayaya mo ba kong makipag date?" Pabiro kong tanong.
"Puwede ba?" Tanong niya, natigilan ako dahil sa sinabi niya, nag katinginan kami at nakita ko ang pag ka seryoso ng mga tingin niya, napa lunok lamang ako.
"Friendly date," dagdag niya.
"Ahh! Sige kelan ba?" Tanong ko.
"Bukas? Susunduin kita," sambit niya tumango lang ako at tumayo na kami dahil dumating na ang sundo namin.
"Liezel! Master!" Narinig naming sigaw ni Mang Kiko.
Tinulungan kami ni Mang Kiko isakay ang mga gamit naming sa Bangka at tinulungan niya din kami sumakay.
"Kumusta naman po Master?" Tanong ni Mang Kiko.
"Ayos naman!" sagot ni Kale, ibinaling naman ni Mang Kiko ang mga tingin niya sa'kin, tumango-tango naman ako at nag thumbs up, napangiti naman si Mang Kiko.
"Nga pala Master nais kayong makausap ni Konsehal Escarra," singit ni Mang Kiko, tumingin ako kay Kale at kita sa facial expression niya ang pag ka seryoso.
Hindi siya sumagot sa sinabi ni Mang Kiko, dumaong na ang Bangka at isa-isa nanaming ibinaba ang mga gamit, tinulungan ko silang isakay ang mga gamit sa kotse.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Kale ang kamay ko, "Basa ka maligo kana pag alis naming, sunduin kita bukas 10am," sambit niya, napalingon ako sa kaniya tumango lamang ako at binitawan nananiya nag kamay ko.
Tuluyan na siyang pumasok sa kotse at kumaway naman si Mang Kiko sa'kin bago sila umalis, nang matiyak kong nakaalis na sila ay umakyat nako, nakalimutan kong nasa'kin papala yung towel ni Kale, ibabalik ko nalamang bukas.
Pag akyat ko'y sinalubong naman ako ni Heaven, naka pamewang pa siya habang naka kunot ang noo.
"Anong meron sainyo ni Kale? Bakit hinawakan niya nag kamay mo at may pa bulong pa?" Nakataas ang mga kilay niyang tanong sa'kin.
"Wala kana do'n," bara ko sa kaniya, hindi ko na siya pinansin at dire-diretsyo nalang ako sac r.
"Nga pala! Dumating na sila Tita at balak nilang dumalaw dito next next week," sambit niya, natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
"Edi pumunta sila," sabi ko na may inis sa tono ng boses ko, padabog kong isinara ang pintuan ng banyo.
Matapos kong maligo ay dumiretsyo na'ko sa kwarto at nag check ng instagram, may bago nanamang post si Kale, litrato 'to ng pulo at buhangin kita ang kanang kamay niya kung nasa'n ang pampuyod ko walang caption ito at puro emoji lamang.
Pinusuan ko 'to at pumunta ako sa post ko at pinost ko ang kinuhanan ko kagabi na kalangitan at ang anino niya at nilagyan ko ng caption na " Hanggang sa muli" sinet ko din na lockscreen ng phone ko ang anino niya.
Napabalikwas naman ako ng biglang tumunog ang phone ko, "ItsKaleEscarra like your post" napangiti ako dahil sa nabasa ko.
Tinuyo ko na agad ang buhok ko at chinarge ang phone ko saka humiga at umidlip hindi kasi ko masyadong nakatulog sa pulo.
***
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil mamayang 10 am ay susunduin na ako ni Kale.
Red dress ang sinuot ko dahil baka sa fancy resto kami kumain kaya nag dress nalang ako nag ayo ako ng konti para naman presentable tingnan, mayamaya ay may narinig na 'kong busina mula sa labas.
Dali-dali akong bumaba at lumabas, nakita ko si Kale na naka suit tumigin ako sa paligid at hindi ko mahanap si Mang Kiko teka siya ba mag dra-drive?
"Ikaw lang?" Tanong ko, binuksan niya ang pintuan ng passenger seat katabi ng driver seat.
"Yap! May mga pinaasikaso ako kay Mang Kiko eh!" Sambit niya, sumakay na'ko at sumakay na din siya.
May ibabot siya mula sa likod ng kotse at ibinigay sa'kin 'yon, isang banquet ng red roses.
"For you," sambit niya, bumilog ang mata ko dahil sa gulat ngunit kinuha ko na din 'yon inistart na niya nag kotse.
"Wow ah! May pa roses kapa," natatawa kong sabi, tumawa lang din siya, kinuhaan ko ng litrato yung roses ng palihim, pati narin ang mga kamay niya na naka hawak sa manibela.
"Mahaba yung biyahe kaya okay lang if umidlip ka muna," sabi niya.
"Thank you!" sambit ko, bahagya kong inamoy yung bulaklak at maamoy mo ang pabango niya.
Nag kwentuhan lamang kami sa biyahe at napa idlip muna ako dahil papunta pala kami sa lucena.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...