CHAPTER 7

2 1 0
                                    

Liezel pov

Nakarating na kami ditto sa pulo, nag set up naman kami ng tent ni Mang Kiko habang si Kale ay nag aayos ng camera niya.

Nakakarinig din ako ng flash at tunog ng camera, siguro sinusubukan ni Kale ang camera niya, natapos na kaming mag set up ng tent ni Mang Kiko.

"Mang Kiko! Mag hanap tayo ng mga kahoy upang may ilaw tayo dito mamaya," narinig naming sabi ni Kale sa hindi kalayuan, tumayo naman si Mang Kiko sa kinauupuan niya at sinundan si Kale.

Habang wala sila ay inayos ko naman ang mga tutulugan naming, tatlo ang tent na dala naming tig iisa kami, mayamaya pa ay dumating na sila hindi masyadong marami ang nakuha nilang kahoy pero ayos na rin yan.

Nag simula ng pausukan ni Mmang Kiko ang mga kahoy, ilang sandali pa ay binalot na ng kadiliman ang langit at tanging liwanag nalamang ng buwan at ng bon fire ang nag sisilbi naming ilaw dito, nakapalibot kami sa paligid ng bon fire habang hawak ang kaniya-kaniya naming bbq stick na may marshmallow sa taas.

Nag kwentuhan lamang kami sandal at nag tawanan, ilang sandali pa ay nauna nang matulog si Mang Kiko, pag katapos kong mag hilamos ay babalik na sana ako sa tent nang Makita ko si Kale na naka upo sa may batuhan.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya, "Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" Tanong ko, lumingon naman siya sa'kin.

"Hindi pa 'ko inaantok eh!" Maikli niyang sagot, nakatitig lamang kami sa mga bituin sa langit, tahimik ang dagat ngayon ngunit maririnig mo ang mahinang alon nito, malamig din ang hangin at makikinang ang mga bituin, bilugan din ang buwan.

"Nakapag camping kanaba before?" Basag niya sa katahimikan, tumingin ako sa kaniya at umiling.

"Hindi pa! Ikaw?" Tanong ko.

"Nope! First time ko palang mag camping sa ganitong lugar," he answered.

"Sa ganitong lugar? Means nag cacamp kanadin before pero hindi sa mga ganitong lugar?" Pag claclaro ko, tumango siya.

"Yup!" He answered with a smile in his lips.

"Napansin ko kanina may dala kang camera, mahilig ka bang kumuha ng mga litrato?" Tanong ko pa.

"Oo! Bata palang ako gusto ko ng maging photographer." Tumingin siya sa langit at bahagyang ngumiti.

"Ano-ano yung mga kinukunan mo?" Tanong ko.

"Sun rise, happy moments and etc." Tumingin siya sa'kin habang ako naman ay tuma tango-tango.

"Mahilig ka din pala sa sun rise," bulong ko.

"Bakit ikaw?" Tanong niya, nagulat ako dahil narinig niya pala 'ko.

"Bata palang ako, palagi akong gumigising nang maaga para lang maabutan ang pag sikat ng araw," paliwanag ko, tumingala ako at tumingin sa mga bituin.

"Bakit mo siya inaabangan? Ano bang ibig sabihin niya para sa'yo?" Tanong niya, tumingin ako sa kaniya at nagulat ako dahil the whole time naka tingin pala siya sa'kin.

"Para sa'kin siguro.... Tuwing nakikita ko kasi ang pag sikat ng araw may kakaibnag pakiramdam akong nararamdaman, para sakin kasi ang pag sikat ng araw ay panibagong pag asa," sagot ko, tumango- tango siya.

"Do you get bullied often like what happened earlier?" Tumingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya, bigla naman siyang umiwas ng tingin.

"It's okay kung ayaw mong sagutin," dagdag niya, ngumiti ako ng bahagya at tumingala.

"Oo! Buong buhay ko ata binibiro nila ako ng gano'n kaya siguro nasanay nalang din ako," sagot ko, nakatingin lamang ako sa kalangitan ito yung kauna-unahang beses na nag salita ako tungkol sa pambubully sa'kin.

"I know im not in the right position para mag bigay ng payo sa'yo about this pero I can't stand kasi na malamang hinayaan mo lang na ginagano'n ka nila, you know what iba yung joke sa insult okay, and if ever na nag jojoke sila about sa body mo don't tolerate them, kasi the more na tinotolerate mo silang ganunin ka, gagawin at gagawin nila sa'yo 'yan ng paulit-ulit,"

"To the point na magiging immune kana kaya tatawanan mo nalang pero deep inside tatanungin mo yung sarili mo kung anong mali sa'yo, but honeslty hindi ikaw yung mali eh! Sila cause you're beautiful in your own way, every woman/ girl is beautiful in their own way," paliwanag niya, diretsyo lang siyang naka tingin sa mga mata ko habang nag sasalita.

"Sometimes you need to know kung alin ang joke sa insult," dagdag niya pa, ngumiti ako ng bahagya saka bahagyang itinungo ang ulo ko.

"Alam naman naming kung ano ang insult sa jokes eh! Kaso kasi minsan mas mabuti nalamang na itolerate kesa masabihan ka na maarte at madamdamin," mahina kong sagot, naramdaman kong inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat ko at tinap ito ng bahagya.

"Always remember na hindi ikaw yung mali okay?" Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya, ngumiti din siya pabalik.

"Hindi ko alam na magaling ka palang mag advice Mr. Rowan Kale Escarra," pabiro kong sabi, inalis naman niya yung kamay niya sa balikat ko at tumawa.

"Bakit? Hindi ba halata?" Natatawa niyang tanong, umiling lang ako at parehas kaming natawa.

Nag kwentuhan pa kami ng konti no'ng gabing 'yon sa kakauting oras na 'yon ay marami akong nalaman tungkol kay Kale.

Hindi nanamin namalayan ang oras at hating gabi na pala kaya naman nag punta na kami sa kaniya-kaniya naming tent.

"Liezel!" Tawag niya sa'kin lumingon ako sa kaniya bago pumasok ng tuluyan sa tent ko.

"Goodnight," dagdag niya, ngumiti ako sa kaniya at ngumiti din siya sa'kin nauna akong pumasok sa tent ko, hindi ko namalayan na naka ngiti nap ala ako hanggang sa pag pasok ko sa tent.

Kinuha ko ang notebook ko at lapis saka idrinowing ang nangyari kanina, bata palamang ako ay mahilig na akong mag drawing.

Buong gabi akong gising dahil tinapos ko ang drawing na ginawa ko, umidlip muna ako sandali ngunit nagising din agad dahil may narinig akong kaluskos sa labas, kinukusot ko ang mata ko habang binubuksan ang tent.

Nakita ko si Kale na nag seset up ng camera niya, tiningnan ko ang oras at 3am palang ng medaling araw madilim pa sa buong paligid, umupo ako sa may batihan upang magising nag diwa ko.

"Nagising ba kita?" Narning kong tanong ni Kale, nakatingin na pala siya sa'kin.

"Hindi naman, nagising talaga ako," sagot ko, bumalik na siya sa pag aayos ng camera niya.

Ilang oras pa nag lumipas ay sumisilip na ang haring araw kaya naman kinuha ko ang notebook ko upang mag drawing, nagulat ako dahil si Kale nap ala ang drinodrawing ko, naka titig lang ako sa kaniya habang naka ngiti siyang hawak ang camera niya.

"Liezel! Smile," narinig kong sigaw niya, naka harap siya sa'kin at isang flash ng camera ang nag pagising sa diwa ko, teka naka smile bako do'n?

Tiningnan ko ang drawing ko at kahit lapis lang ang gamit ko'y makikita mo ang saya na ipinapahiwatig ng larawan.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinag mamasdan si Kale na masayang kinukuhanan ang haring araw, hinawakan ko 'to at parang gusto na niyang kumawala pa.

At nang tuluyan ng sumikat ang araw do'n ko napag tantong unti-unti na pala akong nag kakaro'n ng nararamdaman sa lalaking nasa harapan ko.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now