CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Liezel pov

Ilang linggo na ang nakalipas at malapit ng umalis si Kale, habang tumatagal ay lalong mas napapalapit ang loob naming sa isa't isa, hindi narin kami awkward para lang kaming mag kaibigan t'wing nag uusap.

Nandito ako ngayon sa Escarra Mansion dahil maaga niya 'kong pinapunta.

"Anong schedule ko ngayon?" Tanong niya.

"May meeting kayo kay Konsehal Escarra mamayang 10am kasabay naman no'n ay ang meeting niyo kay Mrs. Lopez para sa pag alis niyo next week," paliwanag ko.

"Anong oras yung meeting ko kay Mrs. Lopez?" Tanong niya.

"Mamaya po 2pm," maikli kong sagot, isinara ko na ang notebook kung sa'n nakatala lahat ng schedule ni Kale, medyo busy kami this week dahil nag hahanda na kami para sa pag alis niya, hindi ko lang pinapahalata pero puwede bang hindi nalang siya umalis.

"Liezel!" Tawag niya sa'kin, nakatulala lang pala ko, agad akong tumingin sa kaniya at itinaas ang dalawang kilay ko.

"Yes?" Tanong ko.

"Tinatanong kita kung may sched paba 'ko pag tapos no'ng meeting kay Mrs.Lopez," ulit niya, tumingin siya sa'kin na may pag aalala sa mukha niya.

Agad kong binuksan ang notebook pero wala na'kong nakitang kahit ano pang schedule niya actually yon na yung huli niyang schedule na nakalagay sa notebook ko.

"W-Wala na," nag mamadali kong sagot.

"Ayos kalang ba?" Tanong niya, tumingin ako sa kaniya.

"Oo!" Nakangiti kong sagot.

"Parang gusto kong pumunta ng pulo sa huling pag kakataon," sambit niya, tumingin siya sa'kin.

"Bakit gusto mo bang tingnan ulit ang sun rise?" Tanong ko, tumango siya.

"Sige! Mag papahanda ako ng Bangka at pag tapos ng meeting mo kay Mrs.Lopez ay pupunta na agad tayo sa pulo," sambit ko, kita sa mga mata niya ang ngiti.

"Sige, isang camera lang dadalhin ko," may galak sa mga boses niyang sabi.

***

Lumipas ang ilang minuto at natapos na din ang schedule niya, nakahanda na ang lahat ng gagamitin naming papunta sa pulo.

"Hindi po ba kayo sasama Mang Kiko?" Tanong ko, tinutulungan ako ni Mang Kiko sa pag lalagay ng mga gamit naming sa sasakyan.

"Hindi maari iha eh! Marami kasing inuutos sa'kin si Konsehal Escarra para sa pag alis ni Master," paliwanag niya, tumango-tango lamang ako, mayamaya pa ay bumaba na si Kale dala ang isang bag.

"Akala ko ba isang camera lang ang dadalhin mo bakit may bag ka?" Tanong ko, tuminging siya sa'kin at bahagyang ngumiti.

"Bakit hindi kaba mag swi-swimming," taas baba ang kilay niya habang nakangiti, inirapan ko alng siya at umiling-iling, inabot niya sa'kin yung bag.

"Iha! Ikaw na ang bahala jan kay Master paki bantayan nalamang dahil baka malunod," paalala ni Mang Kiko, tumingin naman si Kale na may kunot sa noo niya.

"Pakain ko pa yan sa mga salabay eh!" Natatawa kong sabi, isinara ko na ang tank, sabay na kaming pumasok ni Kale sa kotse, napansin ko naming inirapan niya ko at inirapan ko din siya.

"Ang taray mo!" Sigaw niya, tinapik niya 'ko sa braso at natawa lang ako.

Habang nasa biyahe ay umidlip muna ako.

Ilang minuto lang ang lumipas at naramdaman kong may tumatapik sa'kin, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Kale.

"Liezel wake up! Nandito na tayo," he said with a sweet voice, shet akala ko ginigising na ko ng isang anghel, bumaba na kami sa sasakyan at hindi na kami nag saying pa ng oras dahil nakaabang na din ang Bangka na sasakyan naming kaya sumakay na din kami agad.

Naunang sumakay si Kale at inalalayan niya ako sumakay, 5pm na nang makarating kami sa pulo, dahan-dahan ibinaba ni Kale ang mga gamit saka ko naman siya tinulungan, do'n lamang kami pumuwesto sa dati naming pinuwestuhan dahil sa bahaging 'yon ay kitang-kita mo ang pag sikat ng araw.

"Marunong kaba mag set up ng tent?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi eh!" Natatawa kong sabi, kita sa mukha niya ang pag ka dismaya, tinawanan ko lang siya at kinuha yung tent sa kamay niya.

"Syempre marunong," bawi ko, nag set up na'ko ng tent namin.

Sabay naming pinanood ang pag lubog ng araw kasabay no'n ang mga alon sa dagat, unti-unting binalot ng kadiliman ang langit at nag simulang kuminang ang mga 'to dahil sa mga bituin, nakaupo kami ngayon sa batuhan.

"Oh!" sambit niya, tumingin ako sa kaniya at inabot niya sa'kin ang isang bote ng coke, kinuha ko naman 'yon at umupo siya sa tabi ko.

"Napaka peaceful talaga dito no?" Tanong niya, malamig ang simoy ng hangin at napaka tahimik ng dagat.

"Sinabi mo pa," sambit ko, uminom ako ng coke habang naka tingin sa mga bituin.

"Hindi ko alam kung kelan ko ulit mararanasan yung ganito katahimik na paligid," sambit niya, tumingin ako sa kaniya at bahagya siyang napatungo.

"Puwede ka namang bumalik dito eh!" sagot ko, dahan-dahan siyang tumingin sa'kin at bahagyang ngumiti.

"Yon nga yung problema eh! Hindi ko alam kung kelan ako ulit makakabalik," sagot niya, sandali kaming natigilan at nag titigan lamang, kita ko sa mga mata niya nag lungkot.

Agad akong umiwas ng tingin at tumingala, "Edi sikapin mo!" Tangi kong sagot, hindi ako tumitingin sa kaniya ngunit siya ay nakatitig lamang sa'kin.

"Liezel!" Tawag niya sa'kin, lumingon ako sa kaniya.

"Mag kwento kanaman, marami na 'kong alam na gusto mo pero hindi ko pa alam kung ano yung mga ayaw mo," sambit niya, uminom siya ng coke at tumingala.

"San mo ba gusting mag simula?" Tanong ko, tumingin siya sa'kin at sa sandaling nag tama ang mga mata naming lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Kahit sa'n," maikli niyang sagot, umiwas ako ng tingin dahil baka marinig niya ang kabog ng dibdib ko.

"I hate goodbye's," sambit ko, napalingon siya sa'kin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Kasi once na nag paalam ka ibig sabihin hindi kana babalik kaya mas prefer ko ang hanggang sa muli kesa sa paalam," sagot ko, tumingin ako sa kaniya at nakatingin lamang siya sa kalangitan.

Naramdaman kong inangat niya ang kamay niya at naramdaman kong may humila ng panali ko sa buhok kasabay no'n ang hampas ng malakas ng hangin napa tingin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.

Tumingin siya sa panali ko sabay baling ng tingin sa'kin.

"Edi hindi ako mag papaalam," he said, nakatingin siya ng diretsyo sa mga mata ko, " I'll take this as a souvenir," bahagya siyang ngumiti at uminom ng coke niya, habang ako naman ay naka tulala lang dahil sa ginawa niya.

Ramdam ko ang mga pisnge ko na nag iinit na, lumingon ulit siya sa'kin at agad akong umiwas ng tingin hinawakan ko ang pisnge ko at pilit na itinago 'yon sa kaniya, narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya.

Buong gabi kaming nakaupo lamang do'n nag kwentuhan pa kami ng tungkol sa isat-isa at nag tawanan hanggang sa hindi nanamin mamalayan ang oras.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now