CHAPTER 14

1 0 0
                                    

Liezel pov

Tumigil kami sa isang maliit na bahay na may garden sa harap, maliit ngunit maganda naman ang pag kakadesenyo ng bahay, bumaba ako at tinanggal ang helmet nag side stand muna siya at parang may kinuha siya sa bulsa niya.

"Buksan mo yung gate," sambit niya, inilagay ko yung helmet sa gilid at binuksan yung gate saka siya tuluyang pumasok.

Kinuha ko na yung helmet at pumasok sa loob ini lock ko muna yung gate at saka inabot 'to sa kaniya.

"Dito ka nakatira?" Tanong ko, iginala ko ang mga mata ko, may maliit siyang garahe at malaki yung garden maliit lang ang bahay wala itong ikalawang palapag pero napaka aliwalas sa labas.

"Oo!" Maikli niyang sagot, isinabit niya ang helmet niya sa motor, nag lakad kami papunta sa loob.

"Okay lang ba sa may ari na mag patira ka ng iba?" Tanong ko, pag pasok mo palang ay living room ang sasalubong sa'yo at kapag ibinaling mo naman ang tingin mo sa kaliwa ay makikita mo ang kitchen at dining room habang sa kanan naman ay ang tatlong kwarto na mag kakadikit.

"Okay lang saka sabi ko hati naman tayo sa rent ditto," sabi niya itinaas baba niya ang kilay niya habang naka ngiti.

"Nga pala mag kano upa mo ditto?" Tanong ko, nag lakad siya papunta sa isang kwarto bitbit ang mga gamit ko.

"Dito nga pala yung kwarto mo," saad niya, dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto at agad niya namang binuksan ang pinto, maliit lamang ang kwarto at ka siya lamang siya sa isang tao.

May mini table sa tabi ng bed at may malaking beach painting sa head board ng kama, itinuro ko 'yon gamit ang hintuturo ko sabay ibinaling ang tingin ko sa kaniya.

"Ako nag drawing niyan," pag mamalaki niya, napangiti ako, "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya, tumango lamang ako.

"Salamat," sambit ko, tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa labi ko at ngumiti din siya sa'kin pabalik, itinaas niya ang kanang kamay niya at hinimas ang kaliwang bahagi ng ulo ko.

"Sige na mag pahinga kana, bukas pupunta tayo sa kumpanya dahil gusto kang makita ng magiging boss mo," saad niya, naguguluhan akong tumingin sa kaniya ngunit kumindat lamang siya saka tuluyang lumabas nap ailing lamang ako at natawa.

Huminga ako ng malalim saka humiga sa kama, napaka sarap sa pakiramdam na malayo ka dama ko yung freedom dito, tumayo ako at inayos ko ang mga gamit ko.

***

Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas, lumabas ako upang tingnan kung ano 'yon at si Ben pala nag luluto.

"Oh! Aga mo naman, nagising ba kita?" Tanong niya, tumingin ako sakaniya at bahagyang ngumiti.

"Hindi naman, hindi ko alam marunong ka palang mag luto," puna ko, dumiretsyo ako sa lababo at nag hilamos saka itinali ang buhok ko.

"Ngayon lang ako natuto alam mo na kapag mag isa ka kailangan alamin mo lahat," saad niya saka inilagay sa lamesa yung mga niluto niya.

"Nga pala bakit hindi mo kasama sina Tita at Tito?" Tanong ko, sabay kaming umupo sa hapag kainan at nag sandok ng pag kain.

"Masyado kasing malayo yung pinag tratrabahuhan ko sa nakuha naming bahay kesa naman ma hassle edi nag hanap nalang ako ng malapit," sambit niya.

"Sabagay," saad ko, tumingin ako sa kaniya at sinipa yung paa niya.

"Oh! Bakit ba naninipa ka!" SIgaw niya halata kasing nagulat siya sa ginawa ko.

"Yah! Akala mo ba nakalimutan ko yung tinanong ko kagabi? Mag kano nga yung upa mo dito!" Sigaw ko at tinaasan siya ng kilay, "At subukan mong ibahin ang usapan tatamaan ka sakin," pag babanta ko sabay tinutukan ko siya ng tinidor.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now