Liezel pov
Medyo nalate ako ng kaunti papunta sa opisina dahil hindi kami ni Ben sabay pumasok, nakasalubong ko naman si Jason sa elevator.
"Oh! Hindi kayo sabay ni Bosing? Tanong niya, lumingon siya sa'kin na parang may hinahanap sa tabi ko.
"Bosing? Si Ben?" Tanong ko, tumango siya.
"Hindi ba palagi kayong sabay?" Tumingin siya sa'kin.
"May mga inaasikaso kasi siya kaya hindi na kami nakakapag sabay lately," paliwanag ko, tumango-tango lamang siya na para bang sumasang-ayon.
"Nga pala hindi naba kayo nakatira sa iisang bahay ni Ben?" Tanong niya, lumingon ako sa kaniya na naka kunot ang noo.
"Nakatira parin bakit?" Tanong ko, kumunot ang noo niya.
"Talaga? Kasi kahapon hinintay ka niya sa labas ng pintuan no'ng opisina, buti nalang nando'n pa'ko dahil kung hindi mag hihintay siguro siya buong magdamag do'n," paliwang niya, biglang bumukas ang elevator at sabay na kaming lumabas.
"Nag kita naman na kami sa bahay," sagot ko, tumigil siya sa pag lalakad at tumingin sa'kin.
"Nag away ba kayo?" Tanong niya, ngumiti ako at bahagya siyang tinapik.
"Hindi no! Sadyang busy lang kami pareho kaya hindi na nag tatama yung sched naming," saad ko.
"Nakakapanibago kasi na hindi kayo nakikitang mag kasama sa halos limang taon namin kayong kasama nasanay na kami sainyong dalawa," nakangiti niyang saad, ngumiti lamang ako pabalik at sabay na kaming pumasok ng opisina.
Napahinto kami sa pag lalakad nang makita namin silang nag kukumpulan sa harapan, ibinaling nila ang tingin nila sa'min.
"Oh! Good morning Mr. Guzon and Ms. Liezel, tamang-tama ang dating niyo para sa announcement," pag bati sa'min ni Kale, nag lakad kami papunta sa kanila at tumabi ako kay Denise.
"Anong meron?" Bulong ko, lumapit sa'kin si Denise.
"Hindi ko alam, kakarating ko lang din," bulong niya pabalik, inayos namin ang upo namin nang biglang mag salita si Kale.
"Ehem!" Agaw niya sa pansin namin.
"Yesterday, Ms. Liezel and I closed a deal with Mr. Pascual," panimula niya, "And.... After the deal he offered me a vacation, it's a vacation for the whole team which is sila na sasagot sa tutuluyan natin and sa activities na puwede nating gawin sa resort nila and also sila na din sasagot sa foods, we just need to enjoy and give feedback for their resort."
Sandaling nag bulong-bulungan ang mga tao sa office at natigil 'yon nang biglang mag salita si Jason.
"Eh! Mr. Escarra ilang days naman po ba tayo do'n and kelan po tayo aalis?" He asked, Kale look at him and he draw a smile on his face.
"3 days and 1 night at sa Wednesday na tayo aalis," sagot niya, sumang-ayon naman lahat sa sinabi ni Kale.
"I want y'all to enjoy that particular day and also tanggalin muna sa utak ang work," dagdag pa niya, kitang-kita sa mga ngiti nila ang saya dahil sa sinabi ni Kale.
"So that's the announcement be ready on Wednesday," saad niya habang naka ngiti, bumalik na sa kani-kanilang table ang mga kasamahan ko gano'n narin ako, nakita kong nag lakad papalapit sa'kin si Kale ngunit hindi ako nag pahalatang nakita ko na siya nag busy-busyhan ako hanggang sa makarating na siya sa table ko.
"Nakauwi kaba ng maayos kagabi?" He whispered, tumingin ako sa kaniya at nabigla ako dahil napaka lapit niya pala sa'kin at muntik ng mag tama ang mga mukha naming dalawa, nakatingin siya diretsyo sa mga mata ko.
"Y-Yes p-po," I said while my voice is shaking, bahagya akong umatras upang mag karo'n ng konting agwat ang mga mukha naming dalawa., inayos ko ang tindig ko and I cleared my voice, my heart is beating so fast right know parang gusto niyang lumabas sa katawan ko, tiningnan ko si Kale sa mata at parang nag slow mo ang buong paligid naming dalawa kahit pa sobrang busy sa office ay wala akong ibang nakikita kundi ang mga ngiti at mga mapupungay niya lamang na mga mata.
"Liezel!" Naranig kong tawag sa'kin mula sa likod, bigla namang umayo ng tayo si Kale at umatras ng kaunti habang inaayo ang necktie niya, pinigil kong hindi matawa dahil sa reaksyon niya, he cleared his voice while fixing his necktie.
"Liezel, tingnan mo nga 'to~." Hindi na natapos ni Denise yung sasabihin niya dahil nakita niya si Kale, bahagya siyang nag bow.
"It's okay paalis narin ako, after niyong mag usap Ms. Liezel come to my office," may awtoridad niyang sambit, tumalikod na siya at nag lakad palayo, pinigilan kong ngumiti ngunit bigla nalang akong napangiti nang makita siyang dali-daling nag lakad papunta sa office niya.
"Anong ginawa dito ni Mr. Escarra?" Tanong ni Denise, tumingin ako sa kaniya at umiling-iling habang naka ngiti.
"Wala! May sinabi lang sa'kin, ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko, ibinaling niya ang tingin niya sa'kin.
"Medyo naguguluhan kasi ko dito sa file," sambit niya, habang nag papaliwanag siya ay napatingin ako sa opisina ni Kale at nakita ko siyang naka tingin mula sa mga blinds at nang makita niya akong naka tingin sa kaniya ay bigla niyang isinara ang mga ito, I can't help myself na ngumiti.
"Anong nakakatawa?" Naguguluhan na tanong ni Denise, ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at inalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Ah wala! Sige ituloy mo lang kung sa'n ka naguguluhan," saad ko, matapos siyang mag paliwanag ay ipinaliwanag ko na sa kaniya ang mga dapat gawin at nang matapos kaming mag usap ay kinuha ko na yung mga papeles na ginamit namin kahapon, ilalagay ko kasi 'to sa shelves sa loob ng office ni Kale.
Nakasara ang mga blinds kaya kumatok nalamang ako upang makapasok, wala akong narinig na boses ngunit bukas naman yung pinto kaya pumasok nalamang ako, nakita ko si Kale na naka higa sa sofa dahan-dahan kong ibinaba ang mga papeles sa lamesa.
Bahagya akong lumapit sa kaniya at maingat na umupo sa gilid ng sofa naka titig lamang ako sa kaniya, kay tagal narin no'ng huli kong matitigan ng ganito ang mukha niya, tumayo na'ko at aalis na sana nang biglang may humawak sa kamay ko.
Natigilan ako sandali, lumingon ako sa kaniya ngunit naka pikit parin siya, "Hayaan mo munang hawakan ko ang kamay mo ng hindi nag mamadali at nag aalala kung may makakakita ba," he whispered.
Hinawakan ko nang kanang kamay ko ang dibdib ko habang ang kaliwang kamay ko ay hawak niya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko tipong parang gusto na lumabas no'ng puso ko.
Naramdaman kong biglang umupo si Kale at hinila ako saka niya niyakap ang bewang ko, "It's been a tiring day. I need a rest." He said with a sweet and calm voice.
"Mabuti pa siguro kong aalis na'ko para makapag pahinga ka," sambit ko, kakalasin ko na sana ang pag kakayakap niya sa bewang ko ngunit lalo niya pang hinigpitan ang pag kakakapit niya dito.
"Pero ikaw yung pahinga ko Liezel, it's been 5 years pero ngayon lang ako nakapag pahinga ng gan'to." He said, while his voice was shaking. Is he crying?
Biglang may kumatok sa pintuan niya kaya agad kong inalis ang pag kakayakap niya sa bewang ko, kinuha ko yung mga papeles sa lamesa habang siya naman ay biglang tumalikod, inalis ko ang tingin ko sa kaniya at pinag patuloy nalamang ang ginagawa ko, binuksan ko ang pinto matapos kong ilagay lahat ng papeles si Denise lang pala yung kumakatok, lumabas na'ko kasabay naman ng pag pasok ni Denise.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...