Third person pov
It's been a month matapos ang nangyaring pag aaway nina Vanessa at ng kaniyang ama, sa kabilang dako naman ay habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti ng napapalapit sina Liezel at Kale sa isa't isa, muli na rin nilang naibabalik ang kanilang dating comfortable na pakiramdam sa isa't isa.
Nag lalakad ngayon ang ama ni Vanessa patungo sa loob ng mansion ng Escarra, may hawak itong envelop at may kasama itong isang assistant.
Seryoso nilang nilagpasan ang mga guard at dire-diretsyong pumasok sa loob, sinundan naman sila ng mga maid patungo sa isang kwarto.
"Pasensya na po nag papahinga po si Ma'am~" Hindi na natuloy ng katulong ang kaniyang sasabihin dahil bigla nalamang silang pumasok, pag pasok nila ay nakakita sila ng isang babaeng nasa wheel chair na naka tingin sa bintana.
"Kanina pa kita pinag mamasdan mula sa labas, anong dahilan at naparito ka?" Tanong ng babae, sinenyasan niya ang babaeng naka tayo sa kaniyang gilid upang iharap siya, agad namang pumunta ang babae at tumungo sa kaniyang likuran.
"Isang buwan na ang nakakalipas matapos sabihin sa'kin ng aking anak na nais niya na daw itigil ang kasal sa pagitan nila ni Rowan, nasabi naba ni Rowan sa'yo ang bagay na 'yon?" Tanong naman ni Erik sa kaniya, kumunot lamang ang matanda.
"Base sa itsura mo'y siguro hindi niya pa nasasabi sa'yo," dagdag pa niya, lumakad siya papunta sa sofa at umupo.
"Baka nama'y may pinag awayan lamang sila ni Rowan kaya niya naisipang itigil ang kasal," sambit ni Lisa habang nakatingin ng diretsyo kay Erik.
"Yan din ang kutob ko no'ng una ngunit, ipinaimbistigahan ko ang anak mo at sa natuklasan ko nararapat lamang itigil ng anak ko ang kasal, wala pang kasal na nagaganap ay nag tataksil na agad yang si Rowan, Gawain ba ng isang matinong Escarra 'yan," buwelta ni Erik, kalmado lamang si Lisa habang nakikinig sa kaniya.
"Maari ko bang makita ang ebidensya sa mga sinasabi mo?" Tanong ni Lisa, iniabot ni Erik ang isang brown envelop at kinuha naman ito ng katulong saka ibinigay kay Lisa, marahan itong binuksan ni Lisa at inilabas niya ang bawat litrato.
"Hindi mo ba alam na maari kitang kasuhan sa ginawa mong pag papaimbistiga sa anak ko? Invasion of privacy ang ginawa mo, Gawain ba 'yan ng isang Zion?" Kalmadong tanong ni Lisa kay Erik, halatang naiinis na si Erik dahil sa ibinatong salita ni Lisa.
"Ngunit dahil partners naman tayo sa negosyo'y papalampasin ko nalamang 'yang ginawa mo, 'wag kang mag alala kakausapin ko ang anak ko na kausapin ang anak mo at upang pangaralan na din siya," saad ni Lisa, hinagis niya sa lamesa ang envelop.
"Kung wala ka ng iba pang sasabihin, puwede ka ng umalis iwan mo nalamang yang envelop na dinala mo," sambit ni Lisa, tumayo naman si Erik.
"Kausapin mo ang anak mo, alam mong malaking iskandalo 'yan kapag nalaman ng mga tao sa kumpanya," saad ni Erik, bahagyang tumingin sa kaniya si Lisa.
"Pinag babantaan mo ba 'ko? Kaya kong disiplinahin ang anak ko sana gano'n din ang anak mo, balita ko'y itinakwil kana niya bilang ama niya hindi ba mas malaking eskandalo 'yon?" Balik naman ng tanong ni Lisa kay Erik, ikinuyom ni Erik ang mga kamay niya na para bang handa nang sumuntok ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.
"Ayusin mo muna ang pamilya mo habang wala pang kasalang nagaganap, ayuko kasi ng merong kahihiyan sa angkan ko," sambit ni Lisa, sinenyasan niya ang katulong na ilapit ulit siya sa bintana habang padabog namang umalis si Erik.
Nang makaalis na si Erik ay pinapagmasdan lamang siya ni Lisa mula sa bintana, sinenyasan niya ang katulong na kuhanin ang brown envelop at tawagin ang isa sa mga guard nila, agad namang dumating ang guard at kumuha si Lisa ng isang litrato ni Liezel kasama si Kale na nakalagay sa envelop.
"Nais kong hanapin mo ang babae sa litrato na 'yan, gusto ko ding malaman ang background niya lahat lahat ng tungkol sa kaniya at kung pa'no siya nakilala ng anak ko," saad ni Lisa sa lalaki sa gilid niya, kinuha ng lalaki ang litrato at pinag masdan ito.
"Makakaasa po kayo na makukuha ko ang lahat ng impormasyon na nais niyo," saad ng lalaki, handa na sana siyang umalis ngunit pinigilan siya ni Lisa.
"May nais pa 'kong iutos sa'yo bukod jan," saad ni Lisa, sinenyasan niya ang katulong na kuhanin ang isang maliit na envelop na naka patong sa desk niya.
"Nais ko ding pamanmanan ang babaeng 'yan, alamin mo kung sino ang madalas niyang kasama at kung ano ang pinapag kaabalahan niya," uto ni Lisa, binuksan ng lalaki ang envelop at inilabas ang litrato ni Vanessa, tumango lamang ang lalaki at umalis na.
Bumuntong hininga naman si Lisa habang naka tingin sa bintana.
"Nais niyo po bang tawagan ko si Master?" Tanong ng babaeng katulong.
"H'wag na kapag nalaman ko kung anong relasyon niya sa babaeng 'yon ay ako nalamang mismo ang kakausap sa kaniya, nais ko ding makausap ang babaeng kasama niya sa litrato," saad ni Lisa, tumango lamang ang katulong.
"Oras na po ng pag inom niyo ng gamut," saad niya at inabot kay Lisa ang pinggan na may gamot at baso ng tubig, kinuha 'yon ni Lisa at ininom ang gamot.
***
"Bakit hindi niyo po sinabi kay Mrs. Escarra ang natuklasan niyo rin po tungkol sa anak niyo?" Tanong ng babae kay Erik, nasa sasakyan sila ngayon patungo sa kumpanya.
"Nahihibang kanaba? Anong sasabihin ko kaya itinigil ng anak ko ang engagement dahil may iba na siyang napupusuan at ano ang anak ko ang magiging masama," paliwanag ni Erik.
"Ngunit hindi po ba parehas lamang sila ni Mr. Escarra at Vanessa na may ibang iniibig kaya naman tie na po kayo," saad ng babae.
"Kailangan matuloy ang kasal kahit anong mangyari, ang Escarra Family lamang ang tanging susi upang maisalba ang mga negosyo na papalugi na at siya lamang ang tanging susi upang makasama ko ulit ang aking anak kaya naman gagawin ko ang lahat ng paraan upang matuloy ang kasal sa ngayo'y aasa nalamang muna tayo kay Lisa na kausapin ang kaniyang anak at sana'y hindi siya tulad ni Vanessa," paliwanag ni Erik, tumango lamang ang babae at nanahimik nalamang sa isang tabi.
***
Papabalik na si Liezel sa department niya galing sa isang meeting nang makita niya na wala na ang mga gamit niya, dali dali siyang tumakbo papunta sa puwesto kong saan nando'n ang table niya.
"Hala! Nawawala yung mga gamit ko!" Sigaw niya dahilan upang maagaw ang atensyon ng mga kasamahan niya, bumalaslas sila ng ngiti habang tinitingnan ang gulat na expression ni Liezel habang si Kale naman ay naka sandal sa pader habang naka ngiting pinag mamasdan si Liezel ngunit no'ng makita niyang naka tingin sa kaniya si Denise, he cleard his throat at iniaalis niya ang mga ngiti sa kaniyang labi.
"Ms. Alvarez!" Tawag niya kay Liezel, tumingin naman agad si Liezel, sinenyasan niya si Liezel na pumasok sa office niya, dali dali namang tumakbo papunta sa kaniya si Liezel, isinara ni Kale ang mga blinds at hinintay pumasok si Liezel sa loob.
"Kale alam mo ba nawawala~" Hindi na natuloy ni Liezel ang sasabihin niya dahil pag pasok niya palang ay nakita na niya agad ang desk niya.
"Bakit nandito 'to?" Tanong ni Liezel, lumingon siya kay Kale, itinaas naman ni Kale ang mga kilay niya habang naka ngiti.
"Nahihirapan kasi kong tawagin ka kaya naman pinalapit nalamang kita dito at saka para nadin madali kitang makita," saad ni Kale, nag lakad siya papunta sa likod ni Liezel at humawak sa mga balikat nito at bahagya siyang itinulak papalapit sa desk niya at inupo siya do'n.
"Ayan! Comfortable diba!" Nakangiting saad ni Kale, mag sasalita na sana si Liezel ngunit agad nang lumapit si Kale sa desk niya at nag busy-busyhan napa iling nalamang si Liezel ngunit bahagya niya ring itinago ang mga ngiti niya, kinuha niya ang mga papeles niya at iniayos 'yon sa lamesa.
Hindi niya namamalayang naka titig na pala si Kale sa kaniya habang naka ngiti.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...