CHAPTER 13

1 0 0
                                    

Liezel pov

Tatlong buwan na ang nakalipas at sa wakas naka graduate na din ako, nag usap na kami ni Ben no'ng nakaraang araw tungkol sa magiging trabaho ko sa Manila at nasaktohan ko namang hiring ang pinga tratrabahuhan niyang kumpanya kaya naman siya nalang daw ang mag papasok sa'kin do'n.

Unti-unti ko na ding sinisimulan ang pag didiet ko at nag jojogging ako tuwing umaga upang ito na din ang mag mistula kong exercise, unti-unti na ding napapansin ng karamihan ang kaunting progress sa ginagawa ko, marami na ding nakakapansin na medyo pumayat daw ako and I'll take it as a motivation para ipag patuloy pa ang lahat.

Ngayon na din ang araw ng pag punta ko sa Manila maaga akong umalis para hindi traffic iisang bus lang ang sasakyan ko dahil diretsyo na 'to sa MOA kung saan kami mag kikita ni Ben, hinatid ako nina Mama at Papa sa paradahan ng bus hindi na 'ko nahatid ni Kuya at Heaven dahil may mga pasok sila sa trabaho at school.

Nasabi din ni Ben kila Mama na may nakahanda na din daw na matutuluyan ako do'n dahil pansamanthala muna akong titira sa inuupahan niya habang nag sisimula palamang ako kaya naman kampante sila Mama an magiging maayos ang tutuluyan ko habang nasa Manila ako.

May katagalan ang biyahe dahil kahit maaga na 'kong umalis ay inabutan parin ako ng traffic kaya naman mga hapon na ng makarating ako sa MOA, kinuha ko ang bag ko at nag online.

LiezelAlvarez: Nasa'n kana? Nandito na'ko sa entrance.

BenBenitez: seen

LiezelAlvarez: Hoy! Bakit siniseen mo lang ako ah! Kaltukan kita eh!

BenBenitez: Sandali papunta na'ko jan.

Inalis ko ang tingin ko sa phone ko at tumingin sa paligid ang dami kong nakikitang dumadaan kaya naman hinanap ko si Ben at hindi nga nag tagal ay nakita ko na siya sa hindi kalayuan, kinakawayan niya ko at tumatakbo na siya papunta sa'kin.

At nang makarating siya sa kinatatayuan ko'y agad niya akong niyakap na akala mo'y limang taon kaming hindi nag kita samanthalang araw-araw kaming mag ka vc nitong past few weeks.

"Kanina kapa ba nag hihintay?" Tanong niya sa'kin, kumalas naman siya sa pag kakayakap at kinuha ang mga bag na nasa kanang kamay ko.

"Hindi naman kakarating ko lang din, aba! Parang lumalaki ata yang mga muscle mo hindi ko yan nakikita sa vc ah! Puro noo mo kasi nakikita ko," pang aasar ko sa kaniya naka t-shirt lang kasi siya na black at medyo fitted ito sa kaniya kaya naman bakat ang mga muscle niya sa braso.

"Syempre nag gy-gym na 'ko eh!" Pag mamalaki niya, nag lalakad kami ngayon papasok sa MOA.

"Kumain kana ba? Kumain muna tayo bago tayo umuwi," sambit niya, tumango lamang ako, nag lakad lakad kami sa loob ng MOA at nag hanap ng makakainan.

Tiningnan ko siya at gaya ng dati ay mas matangkad pa din siya sa'kin ng kaunti, Moreno parin gaya ng dati ang pag kakaiba lang ay nag ka muscle siya dati kasi'y hindi ganyan ang katawan niya medyo payat siya ngunit may laman din naman hindi lang masyadong visible yung mga muscle niya no'n unlike ngayon, nag bago din siya ng hairstyle, hindi na msyadong makapal ang kilay niya gaya ng dati ngunit gaya ng dati'y bilugan parin ang mga mata niya, matangos ang ilong at may pag ka pula ng kaunti ang heart shape niyang labi.

"Tama na ang kakatitig baka mamaya matunaw ako," puna niya, tumingin siya sa'kin at itinaas ang isang kilay niya, hinampas ko siya sa kaliwang balikat niya at inirapan siya.

"Hindi ako nakatitig sa'yo no! Kapal mo naman!" Palusot ko, tumigil kami sa Jollibee at nag hanap ng upuan.

"Sa dami-dami nating inikot dito mo lang pala ko dadalhin," puna ko, nakahanap kami ng table sa bandang dulo ng Jollibee, inilapag niya ang mga gamit sa katabing upuan.

"Ako nalang mag oorder, ano bang gusto mo?" Tanong niya.

"Ikaw," sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya, naka baling kasi ang tingin ko sa bag ko hinahanap ko kasi kung nasa'n yung phone ko.

"Hoy! Ano kaba nasa public place tayo ang landi mo," sambit niya, tiningnan ko siya ng may kunot sa mga mata ko, umaarte pa siya na parang nahihiya.

"Pinag sasasabi mo? Ang sabi ko ikaw ibig sabihin ikaw na bahala, ikaw napaka feeling mo talaga," sambit ko sabay sipa sa kaniya, tumawa naman siya at pumunta na sa counter.

Mayamaya pa'y bumalik na siya at umupo sa tapat ko, kumuha ako ng stolen shot niya at kumuha din ako ng litrato ng mall at saka pinost ito sa instagram na may caption na "Manila" with heart emoji tinag ko din si Ben.

"Nga pala kumusta kana, mukhang namamayat kana ah! Pinapabayaan mo ba ang sarili mo?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko at itinaas ito na para bang sinusuri, binawi ko ang kamay ko at inambahan siya ng hampas.

"Ang OA mo! Diba nga nag papapayat na'ko, ikaw nga 'tong mukhang nakakaangat na lalo kang gumagwapo," puna ko sa kaniya, umakto naman siyang inaayos ang buhok niya at itinaas baba ang kilay niya, "Bakit may nililigawan kanaba?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti ako na abot hanggang tenga at pinitik niya naman ang noo ko.

"Sira! Hindi ba puwedeng mag papogi lang kailangan ba lagging may pinag lalaanan," saad niya, nag pout ako at inirapan siya.

"Sus! Ang sabihin mo may pinopormahan kana, ikaw ah! Hindi ka nag sasabi sa'kin," pabiro kong sambit sa kaniya, dumating na ang pag kain naming at kumain na kami.

"Napaka rami naman nito, kaya ba natin 'tong ubusin?" Tanong ko, tiningnan ko ang mga pag kain na nasa harap naming at napa lunok ako.

"Okay lang kainin mo lang yung sa tingin mong kaya mong kainin," saad niya.

"Bibitayin mo ba'ko at napaka raming inorder mo!" Bulyaw ko sa kaniya ngunit tinawanan niya lamang ako.

"Bilisan mo na kumain at medyo malayo ang biyahe natin," saad niya, nag kwentuhan muna kami habang kumakain at hindi nag tagal ay natapos na din kami, agad din kaming umalis sa MOA pag tapos naming kumain.

Papunta kami ngayon sa parking lot dahil may dala daw siyang sasakyan, siya ang nag bibitbit ng mga gamit ko, wala naman akong masyadong dala kundi mga damit ko lamang at isang laptop.

"Nasa'n ba yung sasakyan natin at kanina pa tayo paikot-ikot!" Reklamo ko, tumigil kami sa isang big bike na kulay black.

"Ito na!" Maikli niyang sagot, tumingin ako sa kaniya sabay baling ulit ng tingin sa motor na nasa harapan ko.

"Wag mong sabihing yan yung sasakyan natin?" Tanong ko, tumango lamang siya at inilagay na at isinabit niya ang isa kong bag sa harapan at inabit sa'kin yung helmet na naka sabit.

"Wow ah! Talagang umaangat tayo lods ah! May pa big bike kana," pang aasar ko sa kaniya, he just rolled his eyes on me at sinuot na yung black na helmet, inilagay ko naman sa balikat ko yung ibang bag at isinuot na yung helmet.

Una siyang sumakay at inalis yung stand ng motor may kataasan yung motor ngunit saktong- sakto lamang sa kaniya.

"Babaan mo onti, hindi ko abot," sambit ko, nag side stand naman siya saka ako sumakay.

"Okay na?" Tanong niya, inayos ko yung upo ko at yumakap sa kaniya baka kasi malaglag ako hindi pa naman ako sanay sumakay sa motor.

"Oo okay na!" Sagot ko sa kaniya, inalis naniya yung side stand at nag drive na papalabas ng parking lot napaka smooth ng drive niya at mukhang bago pa ang motor na gamit niya.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now