CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Liezel pov

Isang linggo na ang nakalipas at hindi ko na masyadong iniisip yung hindi pag papaalam manlang ni Kale sa'kin, binusy ko nalang ang sarili ko, madami din kasi akong ginagawa nitong mga nakaraang araw dahil may dadating kaming buwisita na kailangan pag handaan.

"Liezel! Kanina kappa jan sa pritong manok hindi paba hanggang ngayon luto yan?" Tanong ni Mama na medyo may kalakasan ang kaniyang boses dahil nasa hapag kainan siya.

"Malapit ng matapos Ma!" Sagot ko, iniahon ko na ang mga manok at inilagay 'to sa hapag kainan sa totoo lamang gusto ko na talagang madaliin ang lahat ng Gawain ko dahil yung mga bisita namin ay yung Tita ko na mapanlait, tuwing nag fafamily reunion kami ako lagi ang topic nila.

Paulit-ulit nila akong pinipintasan na parang hindi ko sila naririnig hindi ko nalamang sila sinasagot at pinapansin dahil mas matanda sila sa'kin at may respeto parin ako kahit papa'no sa kanila.

Nag mamadali ko nang hinugasan ang mga pinggan na nasa lababo dahil nararamdaman kong malapit na silang dumating, hindi nga ako nag kamali at ilang sandal lamang ang nakalipas ay isang malakas na busina galing sa labas ang tumunog dali-dali namang bumaba si Heaven upang salubungin sila kawasa siya yung paboritong pamangkin, binilisan ko na ang pag huhugas dahil baka Makita pa nila ako.

Unti-unti ko nang naririnig ang mga yabag ng paa na paakyat, tumakbo na'ko papunta sa kwarto ngunit nang bubuksan ko palang ang pintuan ay biglang isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Liezel iha! Mukhang nag mamadali ka ata sa'n kaba pupunta? Hindi mo manlang ba kami babatiin?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Tita Net, dahan-dahan akong tumingin sa kanila kasama niya si Tito Vin at si Tita Helen, bahagya kaong ngumiti at nag lakad papunta sa kanila.

"Magandang araw po Tito, Tita," saad ko at isa-isang nag mano sa kanila.

"Magandang araw din iha, ka'y ganda naman palang dalaga niring si Liezel ay!" Puna ni Tita Helen at kinurot ang kaliwa kong pisnge, isang beses lamang kasi sa dalawang taon sumasama si Tita Helen tuwing may family reunion kaya madalang naming siyang makita, bahagya lamang akong ngumiti.

"Kaya nga dalaga na ngunit tingnan mo naman ang katawan parang hindi dalaga," puna naman ni Tita Net sabay hampas ng pamaypay niya tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at tinaasan niya din ako ng kilay, hindi pa sila nakakaupo ngunit may pintas na agad sa'kin.

"Hayaan mo na at bagay din naman sa kaniya ang medyo chubby," bawi naman ni Tita Helen.

"Bakit ba jan kayo nag kwekwentuhan? Pumarini nga kayo sa lamesa at may hinanda kaming kaunting pagkain," singit naman ni Mama, inalalayan naming sila pumuntang kusina.

"Ay Corazon ito bagang anak mo na si Liezel ay walang balak mag diet? Tingnan mo ang katawan mukha mas ina kesa saiyo kapag pinag tabi kayo bakit hindi siya gumaya kay Heaven na inaalagaan ang katawan tingnan mo mukha pang mas dalaga si Heaven kaysa sa kaniya," puna ni Tita Net, ipinikit ko nalamang ang mata ko at huminga ng malalim saka nag exhale.

"Ewan ko bas a batang iyan, paulit-ulit nanamin sinasabing mag papaya ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw," singit naman ni Mama at umupo sa hapag kainan, may mga namumuo ng luha sa mga gilid ng mata ko ngunit pinipigilan ko siyang tumulo.

"Ay! Hayaan niyo nga siya bagay kaya sakaniya ang ganyan," pag tatanggol naman ni Tita Helen sa'kin, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa, tumingin ako sa kaniya at bahagya siyang tumango saka ngumiti.

"Anong bagay ikaw baga'y bulag Helen? Tingnan mo nga ang katawan niyan at mukhang napabayaan sa kusina, hindi ako mag tataka kung bakit walang nanliligaw jan sa batang 'yan," sambit naman ni Tita Net, bahagya lamang akong tumungo.

"Siguro'y maraming nanliligaw sa'yo Heaven ano," dagdag pa niya sabay baling ng tingin kay Heaven.

"Wala din po tita ngunit alam niyo po ba nagging secretary yang si Liezel no'ng pamangkin ni Konsehal Escarra," sambit ni Heaven, tumingin ako sa kaniya at tinaasan niya lamang ako ng kilay at nag smirk.

"Talaga?" Gulat na tanong ni Tita Net sabay baling ng tingin sa'kin, lahat ng tingin nila ay na sa'kin nanginginig ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"O-Opo," utal kong sambit.

"Maigi naman kung gano'n~ hindi na natuloy ni Tita Net ang sasabihin niya dahil biglang nag salita si Heaven.

"Bakit hindi mo ikwento sa kanila kung ga'no kabait yung boss mo na si Kale," singit ni Heaven, tiningnan ko siya nam ay kunot sa mga noo ko ngunit nginitian niya lamang ako.

"Oo nga kamusta naman ang pag tratrabaho mo?" Tanong ni Tita Helen, ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"Okay naman po! Mabait din po ang boss ko," maikli kong sagot, kinuha ko ang baso na nasa gilid ko at nilagyan 'yon ng tubig sabay uminom.

"Sa sobrang bait nga po no'ng boss ni Liezel ay binigyan papo siya ng isang banquet ng bulaklak at kwintas bilang regalo," nakangiting sambit ni Heaven ngunit makikita mo ang mga talas sa tingin niya.

"Baka naman may gusto sakaniya yung boss niya kaya binigyan siya ng mga gano'ng bagay," pang aasar ni Tita Helen sabay siko sakin ng bahagya, ngumiti lamang ako sa kaniya at narinig ko naman si Tita Net na tumawa.

"Siguro naman'y hindi bulag yung boss niya, wala kayang mag kakagusto sa'yo kung ganyan ka kataba Liezel." Para akong sinasampal tuwing mag sasalita si Tita Net, hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari at tumayo na'ko bago pa tuluyang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Oh! Sa'n ka pupunta iha?" Tanong ni Tita Helen, tumingin ako sa kaniya at pinilit na ngumiti.

"May bibilhin lamang po ako," sambit ko, nag madali na'kong umalis sa hapag kainan at nakita ko naman yung mga ngiti ni Heaven na para bang nanalo siya ng kung ano at grabe maka ngiti.

Nag lakad lakad muna ako sa cihol upang lumanghap ng sariwang hangin malapit na din pala lumubog ang araw, umupo lamang ako sa isang tabi at pinanood lumubog ang araw, hindi ko alam kung bakit kahit wala na'ko sa bahay ay naririnig ko paring nag eecho yung boses ni Tita Net sa utak ko.

Alam ko namang para sa'kin din yung sinasabi niya, hindi naman ako bulag at nakikita ko naman ang sarili ko sa salamin kaya hindi na niya kailangan ipamukha sa'kin na hindi ako kagusto gusto dahil sa katawan ko.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko at agad ko din 'tong pinunasan ngunit kahit anong punas ko'y hindi siya tumitigil sa labas sa mata ko, tinakpan ko nalamang ang bibig ko upang walang makarinig sa'kin.

Ipinapangako ko talaga sa sarili ko na sa oras na maka graduate ako ay aalis ako dito at tutuluyan ko nang baguhin ang sarili ko upang kapag makita nila ako sa susunod na reunion ay hindi na nila ako ikukumpara kay Heaven.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now