Chapter 36

15.8K 475 63
                                    


"Thank you, Manong!" Nakangiting kumaway ang bata sa kanya ng ibalik na niya ito sa may bakeshop.

Ngumiti naman siya at kumaway. Mabuti naman at walang naghanap na magulang dito. Sabi rin kasi ng bata ay ina nito ang may-ari ng bakeshop.

Pero bumili pa rin sita ng Pizza Parlor. At dahil ang mga pinsan niya ay dakilang tsismoso nalaman nito at dinumog siya sa penthouse niya.

"Pre, unli Pizza na kami, yes!" Tuwang saad ni Cinco.

"Gusto ko 'yong may pineapple, ha!" Dos said.

Napailing na lang siya. May bago na naman siyang kompanyang i-mamanage tapos kakalat na naman na binili niya ang kompanya kasi na threatened siya. Ganoon issue ng mga Benjamin, eh.

"Hindi ka naman mahilig sa Pizza. Napabili ka ata?" Hendrix asked as he start dialing hotline for pizza delivery.

"A kid made me do it."

Sabay na lumingon ang lahat ng ulo sa kanya at tiningnan siya na parang tinubuan siya ng panibagong ulo.

"A kid?" Paninigurado ni Dence.

"Kailan ka pa pumatol sa bata?" Takang tanong ni Sais.

"Hala, bawal 'yan. Makukulong ka." Pananakot ni Heixon.

Napairap siya.

"Kid as in five years old. I've met that little girl on the bakeshop." He explained.

Natahimik naman ang mga pinsan niya. Napaisip.

"She made you buy an entire Pizza parlor company?" Hellion asked.

He sighed. Inaalala ang nangyari kanina.

"Hindi ka ba hahanapin? Baka bigla na lang akong ikukulong dahil akala nilang kinidnap ka." Sabi niya habang nagdadrive papuntang pizza parlor.

"Nah. My mother owns that bakeshop. She loves strawberry cake kasi and her friends visit the bakeshop and usually sinasama nila ako kaya palagi akong nawawala and nasanay na si Mommy kasi babalik rin naman ako before three." Kwento ng bata na halos habulin ang hininga sa haba ng sinabi.

Kumunot ang noo niya. Ganoon ka kampante ang Nanay nito? Paano kung hindi na maibalik ang bata? Paano kung nakidnap at akalang naglalakwatsa lang? Isn't that a bit careless?

"Manong, I know what you are thinking. Hindi naman po ako stupid para sasama lang kahit kanino. Mom only have hmm...three friends. Papa Z, Papa M, and Mama C."

Ang daldal but she's so adorable. Kayang-kaya niyang makinig sa ano mang sasabihin nito buong araw. She's so cute. Kung hindi pang labag sa batas ang pagkidnap kanina pa niya ginawa.

"But you just prove me wrong, baby. Sumama ka sa 'kin kahit hindi mo ako kilala. Do you even know my name?" Marahang sabi niya.

Obsessed To A Benjamin (4th Gen #15)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon